A R T I C L E 3 - S E C T I O N 9

177 3 0
                                    

AGAD na nabura ang ngiting nakapaskil sa labi ko pagkapasok ko ng studio.

Roselle walked beside me at inisa-isa ang schedule ko sa araw na 'to.

Napahilamos na lang ako ng mukha sa sobrang hectic ng sched ko. Halos wala pa akong tulog dahil sunod-sunod ang filming ng mga TV shows at mga pelikula ko. Nang hindi ko na makayanang marinig ang parang walang katapusang pag-iisa-isa ni Roselle ng mga gagawin ko ay tumigil ako sa paglalakad at gigil na umikot paharap sa kanya.

"Can you . . . can you just . . . can you just stop? Please?"

Matagal kaming naglaban ng titigan ni Roselle bago tuluyang umarko ang isang kilay niya pataas kasabay nang pagbaba niya ng tab na binabasehan niya ng schedule namin.

"You asked for this, Lauren. Ginusto mong sumikat diba? Tinulungan kita," mapanumbat niyang saad sa mahinang boses na kaming dalawa lang ang makakarinig.

"Stop acting like this is all just your hardwork and sacrifices. Baka nakakalimutan mong isa ka lang palamunin ng mga Lopez hanggang ngayon kung wala ako, Lauren." Pagkatapos ay nilampasan niya lang ako at bahagya pang pinagbunggo ang mga balikat namin.

Mariin kong naipikit ang mga mata ko bago ako huminga ng malalim. Sandali kong sinulyapan ang oras sa cellphone ko bago ako nagdesisyong maglakad pabalik sa pinanggalingan ko.

I have almost three hours before the shoot begins. Kailangan ko munang huminga.

Kahit saglit lang.

I can't believe how naive I was to think before na magiging ayos lang ang lahat kapag naging artista na ako. Na kapag sumikat ako ay wala na akong po-problemahin.

Sandali kong tinignan ang paligid kung may ibang tao bang posibleng makakita sa akin. Itinulak ko na ang pintuan ng fire exit nang masigurong malinis ang paligid.

The darkness after I finally closed the door comforted me.

Noon ay ayaw na ayaw ko sa dilim. I sleep with the lights on and everything. Pero ngayon? Mukhang nagsawa na ako sa araw-araw na pagharap sa liwanag ng mga camera at spotlights.

I never thought reaching my dreams was so devastating and draining.

And not to mention, lonely.

Kahit kailan ay hindi pumasok sa isip ko na mapapagod akong gawin ang kaisa-isahang talentong meron ako. I never thought that chasing my dreams means letting go of everything I had.

Pagod kong isinandal ang ulo ko sa railing ng hagdanan. Sandali akong tumitig sa kawalan bago ako ngumiti ng tipid bago ako umupo ng maayos at tinanggal ang kwintas na suot. Maingat kong inilipat sa palad ko ang singsing na ginawa ko na lamang na pendant.

Hindi ko na kasi pu-pwedeng isuot.

Mapait na ngiti ang kasabay ng pagtulo ng luha ko habang pinapakiramdaman ang singsing sa kamay ko. I wanted to wear it again. Gustong-gusto ko ulit maramdamdaman ang pakiramdam na suot-suot ko 'to.

Pero hindi na talaga pwede. Aside from it might cause a big issue if the media notice it, pakiramdam ko rin ay wala na akong karapatan pa. Dapat nga ay binalik ko na ito kay Jasper dati pa but I just can't bring myself to do so.

"Woah. Hot issue!" mabilis kong sinubukang takpan ang mukha ko nang makarinig ako ng nagsalita.

Nanlaki ang mga mata ko hindi dahil sa gulat na may taong nakasunod sa akin kung 'di dahil narinig ko ang pag-tagsing ng singsing.

Nahulog ang singsing!

Nagmamadali akong tumayo at dinukot ang cellphone ko para gamiting flashlight.

I need to find that ring!

Afflicted (TLS #3 - COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora