Chapter 4

4 1 0
                                    

Hoy! Aria! Ano na? Ge magtagal ka pa dyan wala namang klase eh!" Rinig kong sigaw ni kuya Jasper nandun na kasi sila nina kuya Ash at kuya Mike sa lumang pick up namin



"Eto na nga diba!" Sigaq ko pabalik


"Para kang babae kung kumilos!"
Ha? Babae naman ako diba? Diba?

Nakasimangot akong lumabas ng bahay at sumakay na sa pick up siyempre nasa labas ako kasama si kuya Mike kukunin pa kasi namin yung ibang pinsan namin at 'jowa' ni kuya Jasper, sus sa pagkakaalam ko eh pang isang araw lang yan!


At kung nagtataka kayo kung bakit nasa labas ako palagi yun ay mas masaya rito kasi madami kaming magpipinsan na sasakay sa likod tsaka mga bata yung nasa loob at pag sinabi kong mga bata kasama na dun si kuya Ash

"Oy! Aria musta na tagal nating di nagkita!" Sabi agad sakin ng pinsan kong si Mark pagkasakay nya

"Oo nga Aria di ka kasi pumupunta dun samin" nagtatampong sabi ni Irene kapatid nya si kuya Mark


"Hi ate aria!" Sabi ni Aileen sakin bago pumasok sa loob ng pick up
Binati ko naman siya pabalik

"Ahh...sorry ah, medyo na busy lang" napapakamot sa ulo na sabi ko

"Busy saan? Sa lalaki?" Napalingon ako sa nagsabi nun at dun ko lang napagtanto na naabot na pala namin ang kabilang barangay kasi andito na si Mia, bilis no? Tanong mo sa driver namin ahem si kuya Jasper

"Huh? Hindi kaya!" Defensive na sabi ko, eh kasi naman hindi naman talaga!

"Oy! Oy! Oy! Sino yang lalaki na sinasabi nyo? Ha?!" Dinuro pa kami ni kuya Mike

"Aba'y ewan ko dyan aa kanila" tsaka ako nag iwas ng tingin

"Asus eh nakita ka nga naming may kasamang lalaki eh dun sa carinderya yung malapit sa labasan ng barangay nyo!" Dinuro pa nya ako

"Ohhh!!! Sino yan ha?" Nagniningning ang mga mata na sabi ni Irene



"Nako pataya ka talaga sa kuya mo pag malalaman nya to Aria!" Dag dag pa ni kuya Mike

"Oyyyy!! Dalaga na siya, babae na ang Aria namin" mapanuyang sabi ni kuya Mark

"Oyyyyy!!!" Sabay sabay nilang sabi

"Hoy! Mga starfish na na nagkatawang lupa tutulungan nyo ba ako o hindi?"

Napalingon kami sa nagsabi nun at bumungad sa amin si Natalia na hindi maka sakay dahil sa nagbibigatang bag nya mukhang hindi nakapag ayos si gaga yung glasses kasi sumabit sa buhok nya

"Hello po sainyo mga ate at kuya" sabi ni Nathalie na parang anghel sa ayos nya ngayon ke ganda ng batang ito saan ba ito nagmana?

"Hello Nathalie!" Ang bait bait pa di kagaya nung ate nya!

"Nathan mah mannn!" Sabay apir ni Nathan at nina Kuya Mark at kuya Mike


"Morning po" hindi ko maipaliwanag kung ano yung mukha nya ngayon hindi naman siya nakasimangot hindi din siya naka smile, nako! Pareho sila ng ate nyang masungit

Hindi na ako magtataka kung bakit andaming nagkakagusto sa kanya lakas ng charisma eh

Nakaabot kami sa paaralan ng puro pang aasar lang sakin ang ginawa nila kesyo daw baka boyfriend ko yung kasama ko di man lang ako naka explain ng side ko


"Oh sige una na ako sa inyo!" Nauna na akong lumabas, sa gilid nalang ako ng sasakyan bumaba di ko na sila hinintay na makababa pa, naka pants naman ako eh



A wish upon a tambay (Brgy. di binalikan series [girls] )Where stories live. Discover now