Chapter 7

5 0 0
                                    

Nandito ako ngayon sa room namin, oras ng klase pero hindi ako nakikinig sa professor namin bahala siya dyan

Gusto ko ng umuwi...

*kring* *kring*

What the?
Hindi pa oras ng uwian ah?
Ano...bakit....

Npatingin tingin ako sa paligid ko at napagtanto ko nalang bigla na nag e–earthquake drill pala

"Duck! Cover! And hold"

Luminga linga ako sa mga kaklase ko, yung iba tawa nang tawa yung iba naman nakabusangot

Pinalabas kaming lahat nila maam saka kami pumunta sa quadrangle, ang init-init! Tapos ngayon pa sila mga e-earthquake drill? Ay alangan naman sa maulan na sila mag e-earthquake drill medyo kalog tayo dun hehehehe.
Nakaupo lang kami doun for half an hour

"We will be having an early dismissal! I repeat we will be having an early dismissal! We will still be having classes tomorrow! You can now go back to your respective classrooms! Teachers! You may now let your students go home!" Sabi nung isa sa mga taga faculty habang naka megaphone

Oh diba atleast ngayon makakauwi na ako! Pero ang nakakabadtrip nun ay sigurado nanaman akong marami nanaman kaming assignments

"Class, lets go" nakasimangot na sabi ni maam

Hah! Naisahan ka namin ngayon maam! Ha! Ha! Ha!, evil laugh yan

Bumalik na kami sa kanya kanya naming mga classroom pagkatapos kaming e dismiss

"Aria! Hoy gaga!" Nasa Hallway na ako nang marinig ko'ng may tumawag sakin galing sa likurang bahagi ng hallway

"Oy! Katelyne! Ikaw pala yan! Ano musta? Nakakita ka ba ng chicks?"

"Gago! HAHAHAHA walang chicks dun sa section namin HAHAHAHA" kung iniisip nyong bi o lesbiana kami ni Katelyne, hindi kami lesbiana okay?! Ganto lang talaga kami mag usap, pero ano naman kung magiging lesbiana o bi kami, there's nothing wrong though

English yun ah!

"Ay sad yan erp! Siguro pag nandun ako sigurado akong ako lang ang nag iisang chicks dun" pagkasabi na pagkasabi ko nun ay binatukan agad agad ako ni Katelyne, nag sasabi naman ako ng totoo diba? Diba? Sabihin mong hindi ibabato ko to sayo tong mga bag ko

"Alam mo puntahan nalang natin sina Raniyah hindi yung nag chichikahan nanaman tayo rito" sabi niya saka namin pinuntahan sina Raniyah

Pag dating namin doon, ay nandun na silang lahat kami nalang ata ang hinihintay

"Oh! Andito na pala sila Aria! Tara na!" shutangina, kahit kailan talaga ang lakas ng boses nitong si Addie pareho ng pareho sila ni Tan-Tan tsaka Nicko, parang hindi mga lalake

"Ano Tara na?" ani Amelia

"kakasabi ko nga–"

"E kain mo lang yan" saka siya pinaka in ni Keilani ng Jolly hotdog, ay sana pala nagsalita din ako kanina para sakin niya ipakain yung jolly hotdog...

"Oh ano na? Arat na!" sabay akbay samin ni Nicko

Nang makarating kami kina Amelia ay  sinalubong agad kami ng step-mom niya

"Oh! Andito na pala kayo hali kayo at kumain muna bago gumawa ng projects niyo, hindi kayo makakagawa ng project niyan kung
Walang laman ang tiyan niyo" aya samin ni tita na agad namang tinugunan ni Tan-Tan at Nicko

"Sige po tita!"
"Ano po ba handa tita–aray!" agad namang tumiklop si Tan–Tan at Nicko nang agad silang siniko ni Keiden

"Ahh.. Hehehehe ok lang po tita hindi naman po kami gagawa ng proj–"

"Ahehehehe cge tita! Ayos lang po samin mamaya nalang siguro" saktong pag sabi non ni Addie ay tumonog ang tiyan niya

Tinugunan ko sila is at isa at gaya ko ay nagpipigil din sila sa tawa kaso si Nicko at Tan–Tan di napigilan ang tawa

"Ay joke lang pala tita, cge tita kain na tayo. Ito kasing si Kai eh, di nalang talaga sabihin gutom siya"

"Ha?"

Sabay-sabay kaming natawa sa biglang pag pasa ni Addie kay Kai na aligaga sa pag picture sa sarili niya

Masyado siyang busy sa ka chat niyang humihinga ng picture niya, para namang hindi sila magkikita bukas, yucks!

"oh, siya siya! Kain na tayo"

Pagkatapos naming mag meryenda
ay agad kaming pumunta sa kwarto ni Amelia, nakasalubong pa namin ang step sister niya na nginitian ko pero dineadma lang kami nito, edi don't! Para namang famous siya eh hindi naman

"Alam niyo guys mag try tayong mag apply sa jollibee, you know so that we have experiences na" napa tango tango kami sa sinabi ni Keilani, may point siya kailangan Kong magka experience at kailangan kong magka extra income para maka bayad sa tuition ko para sa next sem at para na rin maka tulog ako kina mama sa bahay

Pwede ko naman ibenta yung mga paintings ko gaya ng dati pero wag muna, nasasayangan ako

"Aria, Kamusta na pala yung si Mister  Goody two shoes? Diba mag kasama kayo non sa coffee shop sa tapat ng school natin?"

"Ano?!" napa takip ako sa tainga ko nang sabay sabay na nag react sina Katelyne sa sinabi ni Raniyah, bat ba kasi hindi niya sinabi saking nakita niya kami?!... Pero wala naman din akong balak e lihim sa ka ila yun eh

Magsasalita na sana ako ng makita ko sa peripheral view ko sina Tan–Tan, Addie at Nicko na kanina lang ay nasa balcony, na naka Indian seat na sa tabi ko at tutok na tutok sakin na parabang naghihintay din sila ng sagot

"Wag mo kaming pa si in marekeyks, sige lang, makikichismks lang kami" sinasabi ko na nga ba, napaismid nalang ako sa mga to

"Mag talk ka nalang samin gud, for us to know the kuan... Uhm... The ano.. The estorya of you and mister goody two shoes" ano raw? Minsan talaga dumugo yung ilong ko kay Keilani

Isa isa ko silang tinignan, pati sina Kai at Keiden ay nakikinig na din samin

"Ano... Nag deal lang kami na tutulongan ko siya sa crush niya nanghingi kasi ng favor sakin ni Caleb eh" nakita kong napataas ang kilay ni Amelia sa sinabi ko

"Ano naman ang makukuha mo diyan?" nakataas ang kilay na tanong ni Kai sakin

"Pera" sabay sabay silang napa–ahh sa sinabi ko

"Magkano naman?"

"10 a week"

"Ten pesos?"

"Ten thousand"

"ANO?!" napatakip ako sa tanga ko nang marinig ko ang sinabi nila, sino ba naman kase ang hindi magugulat don

"Hay nako pag ikaw napahamak at nasaktan diyan sa pinagagawa mo ewan ko nalang sayo" nag taka naman ako sa sinabi ni Katelyne

Bakit naman ako masasaktan?




                        –Papadeasin
April 25, 2021

Chika ni author
Shuta kung di ko pa na check yung date di ko mala laman na bukas na pala yung sending ng mga modules ko eh marami pa akong di na gagawa:-D

Thank you sa mga nag vote lab lots:-*



A wish upon a tambay (Brgy. di binalikan series [girls] )Where stories live. Discover now