CHAPTER 9

233 22 0
                                    

—ACELERINE POV—

Nagsasara na ako ng tindahan ng Tita Thessa ko dahil pasado alas-nuwebe na ng gabi, nang mapansin ko si Dwyne na papasok palang ng gate.

"Dwyne!" tawag ko sa pangalan niya at agad naman niya ako nilingon.

"Saan ka galing? gabi na." tanong ko ng may pag aalala.

"D'yan lang." tipid niyang sagot."D'yan? Saang d'yan? Ikaw Dwyne ah. Siguro may jowa kana 'no? Tapos nagmeet up kayo kanina." nakangising tanong ko.

"Boyfriend? Wala ah. Ano kasi...may binili lang ako sa convenience store." sagot ni Dwyne.

"Ah ganun ba, dapat sinama mo 'ko. Hindi yung mag isa kang gumagala ng gabi. Bago ka pa naman dito sa lugar namin. Paano kapag may nangyaring masama sa'yo? Jusko hindi kaya ng konsensya ko dahil bukod sa nangungupahan ka dito sa Tita ko, kaibigan na rin kita." may pag aalalang pagkakasabi ko.

"Salamat sa pag aalala. Pero wag kana mag alala, sa susunod na lalabas ako sasabihan na kita." nakangiting pagkakasabi ni Dwyne.

"Promise yan ah." paninigurado ko.

"Oo naman promise." nakangiting sagot ni Dwyne at tinaas niya pa ang kanang kamay niya na parang nanunumpa.

"Siya nga pala, may binili ako para sainyo ni Madness. Pero since wala naman dito si Madness, ikaw na muna ang pagbibigyan ko. Bukas nalang yung sakanya. At sana magustuhan mo." nakangiting pagkakasabi ni Dwyne saka nilabas ang bracelet sa bulsa niya, pagkatapos ay kinuha ang kamay ko at isinuot ito sakin.

"Bagay na bagay pala sa kamay mo." nakangiting pagkakasabi ni Dwyne habang pinagmamasdan ang bracelet na isinuot niya sa kamay ko.

"Sa'kin na 'to? Salamat." masayang pagkakasabi ko at tinapat ko pa sa liwanag ng poste ng ilaw ang kamay ko, maganda at makinang ang mga beads na ginamit sa pag gawa ng bracelet na binili ni Dwyne. Kung pagmamasdan, aakalain mo ngang gawa sa mamahalin na bato ang mga palamuti ngunit alam kong hindi. Gayun pa man, iingatan ko parin 'to dahil bigay 'to sakin ng kaibigan ko.

—DHAWANIE POV—

Mabutin nalang at nagustuhan ni Ace ang niregalo ko sakanya. Wala siyang kamalay-malay na ang mga bato na ginawa sa bracelet na 'yun ay gawa mula sa mamahaling bato tulad ng sapphire, emerald at zircon. Ilan lamang ang bracelet na yun sa mga alahas ko doon sa palasyo na nadala ko noong umalis ako.

"Mag a-alas diyes na pala ng gabi. Sige Dwyne, pasok na ako sa loob. Salamat pala dito sa regalo mo ah. Kitakits nalang ulit tayo bukas. Sabay tayo pumasok ah." nakangiting pagkakasabi ni Ace at tumango lamang ako.Bago siya tuluyan umalis ay muli niya akong niyakap at muling nagpasalamat sa binigay ko sakanya. Maging ako ay pumasok narin sa loob ng bahay, tinungo ko ang cabinet at naghanap ng damit na maaari kong ipalit sa suot kong uniporme. Hanggang sa maalala ko ang pag-uusap namin ni Prince Jefferson kanina.

[FLASHBACK]

"Natatandaan mo ba yung lagi mo sinasabi sakin? Kung saan ako magiging masaya dapat doon ako. Kaya sinundan kita, dahil sa'yo ako masaya." sincere na pagkakasabi ni Prince Jefferson habang nakayakap sakin maya-maya pa ay bumitaw din siya at hinawakan naman ang dalawang kamay ko, saka ako seryosong tinitigan sa mga mata ko.

"Paumanhin kong sinundan kita, pero nag aalala lang din naman ako para sa'yo. Alam mong hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa'yo mahal kong prinsesa. Mahal na mahal kita." sincere na pagkakasabi ni Prince Jefferson saka niya ako hinagkan sa noo.Tatlong taon mula ngayon, nakatakda kaming ikasal ni Prince Jefferson sa Switzerland. Pero paano ko susunduin ang kasunduan na 'yun kung alam kong may masasaktan at yun ay si Ace. Isa pa, bilang isang kaibigan lang ang nararamdaman ko para kay Prince Jefferson, hindi ko kayang turuan ang puso kong mahalin siya na higit pa bilang isang kaibigan.

"Do you love me too?" seryosong tanong sakin ni Prince Jefferson.

"I should go now, maaga pa ang pasok natin bukas." seryosong sagot ko, pero iniiwasan ko lang naman ang tanong ni Prince Jefferson.

"Answer me, do you love me----""Ano bang gusto mong isagot ko? Kasi kahit naman sabihin kong hindi. Ang kasunduan ay kasunduan parin. Kailangan parin natin magpakasal 3years from now. May pamimilian ba ako?" sarcastic kong pagkakasabi.

"Matutunan mo rin akong mahalin, Princess Dhawanie. Wag ka mag alala, ipagtabuyan mo man ako ng maraming beses. Hindi ako mapapagod na mahalin ka." muling saad ni Prince Jefferson bago niya bitawan ang kamay ko.

[END OF FLASHBACK]

The Stubborn PrincessWhere stories live. Discover now