SPECIAL CHAPTER

294 29 0
                                    

“THE STUBBORN PRINCESS”

SPECIAL CHAPTER:

—ACELERINE POV—

Halos sampong taon narin ang nakakaaran, binago ng isang katotohanan ang buhay ko. Nalaman ko nalang na isa pala akong Prinsesa.  At hindi lang 'yun, kapatid pa pala ni Prince Jefferson.

“Mga abnormal na-miss ko kayo!” may halong excitement na sigaw ni sigaw ni Madness Valeria-Guerrero.

“Hoy!” singhal naman ni Princess Dhawanie.

“Ay your highness pala. Sorry naman.” nakangising pagkakasabi ni Madness saka yumuko bilang pagbibigay galang at respeto.

Bahagya naman kami nagtinginan ni Princess Dhawanie at natawa na lamang. Tila tulad ko, hindi pa nagsisink-in sa utak ni Madness na kaming dalawa ni Dwyne ay mga Prinsesa.

“Alam niyo, matagal ko na 'tong gustong itanong eh. Natatandaan niyo pa ba yung naging confession sa'tin ng H5quad?” saad ni Princess Dhawanie.

“Ay Oo naman. Isa yun sa pinaka embarassing moment ng buhay ko.” pagbibida pa ni Madness.

“Embarassing moment? Wag ako Madness, yanig nga buong pagkatao mo ng lapitan ka ni Ralph eh. Nahagip ka ng peripheral vision ko 'no!” sarcastic kong pagkakasabi.

“Pero mas nayanig parin mundo mo ng nalaman mong magkapatid pala kayo ni Prince Jefferson. Selos selos ka pa noon ah. Buti nalang hindi kayo nagkatuluyan. Kung hindi..nako! I can't imagine.” nakangising pagkakasabi ni Madness.

“Pero frankly speaking..parang planado yung araw na 'yun. I mean, napansin niyo ba? Bigla bigla nalang tayo nagkaroon ng ganun klaseng activity.” sabat ni Princess Dhawanie.

——

—BRONZE POV—

“Naalala niyo pa ba yung confession natin sa WyneNessLine?” nakangising tanong ni Ralph.

“Oo naman Bro. kabado bente ako no'n eh. Baka masampal ako ni Ace---este ni Princess Cindy pala.” saad ni Blair.

“Pero mabuti nalang talaga at nakipag tulungan satin yung second cousin ng Mama mo Axel, na si Ma'am De Dios. Kaya ayon, nakapag confess tayo sa mga minahal natin ng hindi napapansin.” nakangising saad ko.

“Oo nga eh, nakayakap kana nga agad kay Princess Dhawanie eh. Ang bilis mo Bro!” biro ni Lexter.

“Oo nga pala Bro. Lumalaki na si Princess Hannah Marigold, kailan niyo balak sundan ng Mrs. mo? Para naman may kalaro na ang munti mong prinsesa.” nakangiting tanong ni Ralph.

“Nasundan na.” pagbibida ko.

“Anong ibig mong sabihin? Buntis ngayon si Princess Dhawanie?” hindi makapaniwalang tanong ni Blair.

Nakangiti naman akong tumango.

“Tatlong buwan ng buntis si Princess Dhawanie sa second baby namin.” masayang pagkakasabi ko.

“Wow Bro.! Congrats!! Parang kailan lang gigil na gigil kayo sa isa't tuwing nagsasalubong kayo sa Hallway. Pero ngayon magkakaroon na kayo ng second baby.” masayang pagbati ni Lexter habang inaalala ang mga nakalipas na panahon.

——

—YANNA POV—

Habang pinagmamasdan ko ang asawa kong si Jefferson na kalaro ang anak namin na sina Prince Yohan at Princess Jessica ay hindi ko mapigilan na hindi mapangiti. Hindi ko rin naman inakala na sa huli pala, magpapakasal ako sa isang totoong Prinsepe. Parang kailan lang, fan na fan ako ng Disney Princess. Ngayon, isa narin akong Prinsesa dahil sa napangasawa ko ang Prinsepe ng Windland.

——

The Stubborn PrincessWhere stories live. Discover now