CHAPTER 22

188 19 0
                                    


—DHAWANIE POV—

Hindi ko alam kung paano nangyaring si Princess Cindy at si Acelerine Madrid ay iisa. Hindi ko alam kung  dapat ko na ba 'tong sabihin sa Duke and Duchess ng Windland o kay Prince Jefferson. Pero isa lang ang alam ko sa ngayon, kailangan kong siguraduhin na tama ako. Tama ang nasa isip ko na iisang tao lang sila.

Si Princess Cindy ay isa rin sa malapit kong kaibigan noong mga bata pa lamang kami. Kasama ko siya sa lahat ng kalokohan ko. Oo, bata pa lamang ako maloko na 'ko. Madalas kasi namin pagtripan ni Princess Cindy ang mga knights sa palasyo maging si Lady Veronica na asawa ni Knight Emmanuel.

Ngunit isang araw, isang masamang balita ang nakarating samin. Yun ay ang pagkamatay di umano ni Princess Cindy.

“Diba, kay Ate Thessa kana nakatira? Nasaan nga pala yung parents mo?” interesado kong tanong kay Ace.

“Hindi ko alam. Wala akong idea sa parents ko. Si Tita Thessa na kasi ang nag aruga at nagpalaki sakin. Bakit mo naitanong?” pagki-kwento ni Ace kasunod nito ay ang pagtatakang tanong niya.

Tila tama ang hinuha ko. Si Ace nga ang long lost Princess ng Windland. Tulad ko, isa rin siyang dugong bughaw o maharlika. Nguniy paano ko yun ipapaliwanag sakanya? Sigurado akong pagtatawanan niya lang ako at hindi siya agad maniniwala sakin.

“Wala naman..curious lang. Ang ganda ganda mo kasi d'yan sa picture mo noong bata ka pa. Siguro kamukhang kamukha ka ng mommy mo.” palusot ko, pero ang totoo talagang resemblance si Ace at si Grand Duchess Anastasia. Kaya nga ng una ko siyang makilala, si Duchess Anastasia agad ang unang pumasok sa isip ko. At sigurado akong napapansin din yun ni Prince Jefferson.

“Mamaya nga pala, baka hindi ako makasabay sainyo pauwe. May pupuntahan pa kasi ako.” malumanay kong pagkakasabi.

“Saan?/Samahan kana namin.” magkasabay na sagot nila Ace at Madness.

“Hindi na kailangan.” nakangiting sagot ko. Hindi sila dapat sumama sakin dahil importante ang pag uusapan namin ni Prince Jefferson.

“Ay parang nakukutuban ko na 'to. May date kayo ni Bronze 'no?” kinikilig na saad ni Madness.

“Nasaan ba ang pihitan ng volume ng boses mo Madness, nang ma-mute ko. Ang ingay mo eh.” pang aasar ni Ace kay Madness.

“Grabe ka naman sakin.” kunwareng nagtatampo na naiinis na sagot ni Madness.

“Pasensya na talaga kung hindi ko kayo maisasama. Pero wala akong date. May kailangan lang talaga akong puntahan at kausapin.” saad ko.

“Sino at saan ka ba kasi pupunta? Para at least alam namin kung saan o sino ang susugurin namin kapag may nangyaring masama sayo.” pangungulit ni Ace.

“Sa uncle ko. Hihingi kasi ako ng pera.” palusot ko nalang para matigil na sila sa kakatanong.

“Ah sige..basta mag iingat ka ha. Update mo kami lagi. Alam mo naman number namin ni Madness.” paninigurado ni Ace. How sweet, she's still the Princess Cindy that I'd known.

——

—JEFFERSON POV—

Nag aayos na ako ng mga gamit ko ng tumunog ang cellphone ko. Agad ko yun kinuha sa bulsa ng suot kong jacket.

'1 message from Princess D.'

Bahagya ako napatingin sakanya tumango lang siya sakin. What does she mean?

Agad ko binuksan ang message niya, pero bago ko pa man yun mabuksan palabas na si Princess Dhawanie sa room.

'Mag meet tayo sa Central Park. May kailangan tayo pag usapan.' text message from Princess D.

Napailing na lamang ako at agad na sinukbit ang bag ko. Saka nagmamadaling lumabas ng room.

——

“Totoo ba yang sinasabi mo?” tanong ko matapos i-kwento sakin ni Princess Dhawanie ang mga natuklasan niya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Magugulat ba? Malulungkot o matutuwa. Matagal rin akong umasa na mahahanap pa ang bunso kong kapatid. Matagal ko na siyang gustong makita't mayakap ng mahigpit. Kung totoong si Acereline nga ay ang bunso kong kapatid na si Princess Cindy, kailangan agad 'tong malaman ng aming ina.

“Nakita ko sa wallet niya ang picture niya noong bata pa siya. Yun yung picture nating tatlo matapos natin magsanay humawak ng espada. Pero ang na kay Ace ay ang ginupit na lamang na litrato niya. To be honest nagulat din ako, knowing na Ace really likes you from the very beginning tapos long lost younger sister mo pala siya.” mahabang salaysay ni Princess Dhawanie.

“Gusto ko siyang makita...gusto ko siyang mayakap. Alam mong sobrang nanabik akong makita't mayakap ang bunso kong kapatid.” nanggigilid na ang luha sa mga mata ko ng mga sandaling 'yun. Sobrang miss na miss ko ang kapatid ko.

“Pero wag muna tayong padalos-dalos Prince Jefferson. Siguradong hindi pa handa si Ace---what I mean si Princess Cindy sa katotohanan. Maguguluhan lamang siya. Dahil sa palagay ko, nagkaroon ng amnesia si Princess Cindy kung kayat wala siyang maalala sa nakaraan niya. Kung sino ba siya o sino ang pamilya niya.” mahabang paliwanag ni Princess Dhawanie.

The Stubborn PrincessWhere stories live. Discover now