Chapter 14

883 25 20
                                    

"Mama"

I'm currently looking at the invitation. Mint green ang motif ng binyag na gusto ni Vin and I am glad he chose the right color.

Pili lang ang mga ninang at ninong ni Aiman. Ang ilan lang din ay hindi ko pa kilala.

"Where's your mom?" Vin asked. He gave me a candle then after nun ay hinalikan niya ang anak. I even get the chance to smell him. Gosh!

"Kanina ko pa tinatawagan. Hindi sumasagot." Binulsa ko na lang iyong phone ko. Nagpreprepare kami ng gatas ni Aiman baka sakaling gutumin siya sa simbahan.

Kinakabahan ako kasi imbitado ang ibang pamilya at mga kaibigan ng buong Sandoval. Paano na lang kung magtanong sila? Paano pala kung iba ang kalabasan nitong araw na 'to. Natatakot ako para sa anak ko.

"Naroon na daw sila kuya Eos, kuya!"

Napatingin ako kay Vin, "kaibigan mo?" tanong ko. Umiling siya at ngumiti.

"Nah. He's my cousin. Peyn's brother."

Tumango na lang ako at sinuksok ang lalagyan ng gatas sa bag.

"You okay now? Alis na tayo?" tumango lang ako.

"Mag-cr lang ako saglit." Sabi ko at pinabuhat sa kanya ang anak niya.

Habang naglalakad papuntang CR ay nagtipa ako ng mensahe kay mama.

Ang usapan dadating siya bago magumpisa ang seremonya pero wala pa siya. Magtatampo talaga ako kung sakaling malalate siya. Pagkatapos kong mag-cr ay dumaretso na ako sa labas at nakita ang magkapatid na naghahantay.

Bitbit ni Kayexa si Aiman. Mabilis akong umupo sa harap at muling nagtipa ng mensahe kay mama. Hindi pa kasi siya nagrereply.

Ano kayang mas importante kaysa sa binyag ng apo niya?

"Yes! I told you, kuya!" galit na galit na sabi ni Kayexa.

Napalingon ako sa kanya ng paulit-ulit siyang nagmura.

"Your mouth, Yex. Your holding my son!"

"Bakit?" natanong ko na lang.

"Si kuya Eb! Sinabi ko naman sa kanya kagabi na ngayon mabibinyagan si Aiman tapus magagalit. Bakit daw hindi ko sinabi kaagad." Sagot ni Kayexa bago pinanggigilan ang anak ko.

Nagulat ako ng tanggalin ni Vin ang isang kamay sa manubela at inilagay iyon sa bintana.

"Lame reason, Yex. Ano na namang ginawa mo?"

Nanliit ang mata ko kasi hindi ko sila naiintindihan.

"Wala. Bahala siya sa buhay niya." Galit na galit na sabi ni Kayexa. Pinagkibit ko na lang iyon ng balikat at panay ang silip sa phone ko. Nagbabaka sakaling magreply ang mama kaso wala pa rin.

"Wala pa rin bang reply?"

Napansin ata niya iyong panay na pagsilip ko sa phone ko.

"Wala e. Tinawagan ko na rin pero hindi sumasagot."

"Ayan na naman siya! Bahala siya diyan." Bulong ni Kayexa nang magring ulit ang phone niya.

Ilang beses nagpatay sindi ang phone niya. Pagkatapos nun ay ang phone naman ni Vin.

"I texted them na malapit na tayo." 'Yon lang nasabi ni Kayexa ng hindi niya hayaang sagutin ni Vin ang tawag.

Walang tigil iyong phone nila sa kariring. Ilang saglit lang ay nakarating na rin kami sa simbahan. Lahat sila ay nasa labas ng gate at nang makita kami'y lahat sila ay natahimik.

Galit ba sila? I looked at my watch and saw that we're a bit late.

"We're late." Nasabi ko sa kanila.

"It's okay." -Vin.

"Hi, Father Sebastian!" bati ni Kayexa sa nakadungaw na padre sa kabilang sasakyan. "Sakto kararating niya lang." Bulong ni Kayexa.

"Am I late? Your dad called me. He told me to come asap. May emergency ba?" nilipat niya iyong tingin sa akin at ngumiti. Sinuklian ko na lang din.

"I don't know, father. Excited lang po siguro."

Sabay-sabay naming tinahak ang hagdan makapunta lang sa tapat mismo ng simbahan kung nasaan nakatayo ang pamilya nila Vin.

Para akong matatapilok gawa ng mga tingin nila.

'Yong akala kong babatiin ako ng mga pinsan nilang babae, tulad ng dati, ngayon ay nakatingin lang sa akin.

Si Rina lang iyong lumapit at nagulat ako ng yakapin niya ako.

"Hi!" bati ko. Hindi ko maintindihan kung anong nararamdaman ko.

Sa sobrang kaba ko sa dami nila nasa loob ay halos hindi ko na masabayan ang buong seremonya. Basta napansin ko na lang ang sarili kong sinisindihan ang kandilang binigay ni Vin kanina ganun din ang paglapit ng mga pinsan ni Vin bilang mga ninong at ninang.

Iyak ni Aiman ang naging senyales ng pagtatapos ng seremonya.

"Coss..." Alcian called me. Kinuha niya si Aiman sa akin at sinusubukang patahanin.

"May sasabihin kami." Dagdag niya.

"Sorry ate kung ngayon lang namin sasabihin sa'yo." Ani ni Lillie at hinawakan ang kamay ko.

My body froze.

"A-ano 'yon?" ani ko at inisa isa sila. Nakayuko silang lahat, tahimik.

"Just tell us! You're freaking us out!" sita ni Vin at saka tinapik ang balikat ng katabi niya.

Mas lalong lumakas ang iyak ni Aiman.

I was about to get him from Alcian ng magsalita si Lillie.

"Your mom..."

Biglang nan lamig ang katawan ko. Wala na akong ibang maalala maliban sa huling pagbagsak ng katawan ko sa harap ng nanlalamig na katawan ni mama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 29, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

To Stay With (SSB#3B)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon