Chapter 11

1.1K 45 16
                                    

Chapter 11 "Random Guy"

"Ayos ka lang?"

Mula sa pagkakatulala ay nilingon ko si Kayexa na karga-karga si Aiman.

"Madami lang akong iniisip." Sagot ko, wala na rin namang saysay kung magkukunwari pa ako e halata naman ata. Simula kasi nung paalis palang kami ng bahay nila ay panay na siya tanong kung ayos lang ba ako kaya malamang pansin na pansin ngang wala ako sa tamang pag-iisip.

"Iyong tungkol ba sa binyag? I told you, kami na ang bahala roon. Hayaan mo na kami roon. Just take your rest, okay?" dagdag niya.

Mapait akong ngumiti sa kanya at napayuko na lang. Hindi lang naman iyon ang problema ko.

May iba pa.

"Kayexa..." tawag ko pagkalipas ng ilang hakbang. Saglit akong tumingin sa likod baka kasi magkamali ako ng timing at marinig ng kuya niya ang sasabihin ko, ayaw ko namang mangyari iyon.

Saglit din siyang lumingon bago ako sinagot.

"Pagkatapos sana ng binyag ni Aiman... balak ko sanang manatili na lang kay mama. Doon na lang kami." Sabi ko.

Hindi ko naman ipagdadamot si Aiman. Bibisita kami sa kanila minsan. Pero sa ngayon, gusto kong umiwas. Gusto kong magpahinga muna.

Hirap na hirap na ako. Hirap na akong magpigil sa sarili ko. Hirap na akong magpangap. Para na akong sasabog sa tuwing nanatili ako sa bahay kasama ang kapatid niya. Ayokong balang araw mawalan na ako ng control sa lahat.

Kaya ngayon, hanggang kayang kaya ko pa, pipilitin kong iwala lahat.

Ang sabi ko noon, kaya kong manahimik. Pero ngayon... ang hirap na. Sa tingin ko hindi ko na kaya kung mananatili akong malapit sa kanila.

"Si kuya ba? Siya ang dahilan, hindi ba?"

Gusto ko sanang hindian iyon kaso sabi ko nga wala ring saysay itago ang mga bagay na halata na.

"Hindi mo ba kayang— pigilan 'yan?" aniya.

"Sinusubukan ko... pero kasi..." napatigil ako dahil nakikita ko na si Vincrist, papunta sa amin.

Humugot ako ng malalim na hininga bago napiling ngumiti kay Kayexa, "mahirap, Kayexa. Napaka-ideal man ni Vincrist sa akin. Hindi ko maiwasang hindi mahulog araw-araw." Dagdag ko at huminto.

Akala ko kasi noon sa mga korean novela ko lang makikita iyong ganung klaseng lalake. Hindi ko alam na sa totoong buhay may chance rin palang makakakilala ako ng tulad ng mga lalake sa T.V..

Pasimple akong tumingin kay Vincrist. Unti-unting nawawala ang mga mata. Habang tumataas naman ang dalawang gilid ng labi niya.

My heart is aching.

"Titingin lang ako ng gatas ni Aiman." Paalam ko kay Kayexa nang tuluyan ng huminto si Vincrist sa likuran ng kapatid.

Kung bakit ako nasa kalagayang 'to ay may dahilan. God had placed me here because of an important task, hindi ko lang alam kung ano iyon. I'm praying, na sana habang ginagawa ko iyon ay wala akong masira. I'd rather hurt myself than to hurt another being.

Handa akong maghirap, hindi lang makasira ng isang relasyon.

Kusa na lang akong napatigil nang mapansin ko ang hindi katandaang lalake na nasa dulo. Nakatingin ito sa akin, nang mapansin niya atang tinitingnan ko rin siya ay bigla na lang niyang itinulak ang cart pakanan.

Kasalukuyan akong namimili ng mga stock ni Aiman at ang ilang gamit sa bahay.

Sabi ko naman na kami na lang ni Perly iyong mamimili para sa ganun makapagpahinga sila. Busy si Kayexa sa school nitong mga nakaraang araw ganun din si Vincrist sa trabaho niya kaya sigurado akong pagod sila.

Pero kahit anong pilit ko na huwag na silang sumama ay hindi pa rin ako nagtagumpay. They really love Aiman na kahit sa simpleng pagbili ng gatas niya ay kailangan pa nilang sumama.

Aiman is so blessed! Sa ganito siyang pamilya napunta. Napakabuti talaga ng Diyos, dati ito lang iyong mga bagay na hinihiling ko pero ngayon nasa harapan ko na.

Napatingin ako sa box ng mga nakahilerang gatas.

Gusto ko sana purong gatas ko ang inumin ni Aiman kaso hindi naman lahat ng oras ay sakto ang nailalabas ko kahit pa panay sabaw na ang kinakain ko. Naawa naman ako sa bata kung hindi tama iyong naibibigay sa kanya. Ayokong pumayat ang anak ko.

I grabbed the box at hinanap na sila Vin at Kayexa kaso inabot na ako ng ilang minuto ay hindi ko parin sila mahanap so I decided to pay the milk first para kahit papaano ay mailapag ko ang hawak ng isang kamay ko. Kinuha ko iyong phone at tinawagan si Kayexa para sabihing sa labas na lang ako maghihitay. She agreed kaya nagbayad na ako after.

Sa bandang harap ako ng supermarket naghintay habang bitbit ang gatas na binili nang muli kong mapansin ang parehong lalake na katingin din sa akin kanina. I acted like I'm taking selfies but honestly tumalikod ako just to make sure kung ako nga talaga ang tinitingnan niya at nang makumpirma ko iyon ay mabilis ko siyang nilingon. Nagulat ako nang bigla siyang maglakad.

The only thing that came up to my mind is to run so I did. Pumunta ako sa entrance ng supermarket kung nasaan ang guard. I thought he'll stop but he didn't. So I run again. Ni hindi ko natapos iyong sasabihin ko sa guard sa sobrang takot ko.

I run until I can finally hide. Doon ko palang napansin ang magkapatid at ang anak ko.

"Vin!," I called out as I held his elbow, "someone's following me!" dagdag ko at nilingon ang huling lokasyon na nakita ko siya.

Pero wala siya...

"Who is it?"

"I— I don't know. I don't know him." Nanginginig na sabi ko. Kayexa's currently paying pero iyong mga mata niya'y minsan ay dinadaanan ako.

"Are you sure?" tanong ni Kayexa.

I nodded then Vin raised his hand to call the guards.

"Can we ask for assistance? Some random guy keeps on following my wife. Just want to make sure they're safe." Tapus ay bigla niya na lang nilabas ang phone niya.

Kasalukuyan akong nakahawak sa dulo ng polo niya habang siya'y hawak-hawak ang siko ko. Sa gilid namin ay si Kayexa'ng may katawagan din.

"Dau? Where are you?" napatingin siya sa akin saglit bago tumuloy, "someone's following, Coss. I want you to know who's the guy. We'll wait." Aniya sa baritonong boses bago tuluyang binaba ang tawag at inakbayan ako para igiya sa gilid kung nasaan ang isang guard kausap ang maliit na radio nito.

"Dau's coming over. Are you sure someone's following you?" he asked. I nodded.

Kinuha ko si Aiman mula kay Kayexa pagkatapos ng tawag nito.

"I am very sure!" I pointed the side where I first saw him. "Nakatingin siya sa akin and then sa labas, nakita ko ulit siyang nakatingin. Akala ko guni-guni ko lang iyon so I decided to use my phone and found out na ako talaga ang tinitignan niya." I even told them na lumapit ako sa guard pero sa takot ko sa mga hakbang niya ay napatakbo na lang ako.

Hinimas ko ang likuran ng anak ko ng bigla niya akong niyakap at rinig ko ang mumunting hikab niya.

"Can you still remember his face?" he asked again.

Bigla akong napahinto at inalala iyon. Mahina akong kumabisado ng mukha kaya hindi ako siguradong mailalarawan ko siya ng mabuti.

"Somehow..." sagot ko.

Nagulat ako ng biglang magring ang phone ko. It was my mom.

"Ma..." sabi ko.

"Where are you?"

Napakunot ako ng noo dahil parang naalarma ang boses niya.

To Stay With (SSB#3B)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon