Chapter 2

1.5K 61 18
                                    

Chapter 2 "Ako"

"Nasisiraan ka na ba ng ulo?" kasi sa tingin ko oo.

Hindi ba ay sinabi ko na sa kanya ang sagot? Isa pa rin bang dahilan dito ay ang guilty'ng pilit niyang pinaglalaban? Pwede ba! Sinong tangang gagawa ng ganun? Magpapakasal ka dahil sa guilty ka? Magpapakasal ka dahil sa tingin mo nakakabawas iyon sa mga pagkakamaling nangyari? Nangyari na ang nangyari! Wala nang mababago. A mistake can't be solved with another mistake. At alam iyon nang kahit na sinong taong buhay rito sa mundo.

At ano 'yon? Dahil lang doon isasaalang alang niya ang relasyon na alam nating matagal niya nang inalagaan? Matagal niya nang binuhusan ng oras at higit sa lahat ang relasyon na ayaw niyang may makagalaw o makasira. At ano 'to? Anong tawag dito sa gusto niyang mangyari?

Sa gilid ko ay lumapit si Daunoru ngunit mabilis kong pinigilan ang pagsasalita niya gamit ang kamay ko. Gusto kong magalit! Gusto kong isigaw sa kanya na walang magagawa na maganda ang gusto niya.

Sa halip na makaiwas sana ng tingin mula sa kanila ay para siya pa itong nagtulak sa mga mata ng lahat para lingunin ako.

"Alam mo ba kung anong mga pinagsasasabi mo? Alam mo ba kung anong gusto mong mangyari? Huh?" lagpas sa tangkad ko ang inis na ngayon ay namumuo sa katawan ko. Hindi ko maintindihan ang gusto niya. Wala akong ideya sa kung anong balak niyang mangyari sa relasyon nila. Oh please! Wag niyang ibigay sa akin ang rason na hindi niya kayang mabuhay na naguiguilty!

"You okay?"

Nanatili ang mata ko sa kanya nang hindi sinasagot ang kapatid nitong hinahaplos ang likuran ko para pakalmahin ako. Hindi! Hindi ako kakalma dahil walang rason! Hindi ako pwedeng kumalma sa gusto niyang mangyari! What he's thinking is beyond imbecile!

Wala man lang pinagbago iyong ekspresyon niya. Para bang alam niya na ang isasagot ko na kahit pa galit ang ipakita ko'y magiging kalmado pa rin siya.

"Kuya..." pagpupukaw ng kapatid niya.

Lumabas ang tawa sa akin. Pinilit kong tumingala baka sakaling hindi lumagpas ang kung anong nararamdaman ko ngayon.

Nagagalit ako dahil mali ang gusto niya. Nagagalit ako kasi may taong masasaktan. Nagagalit ako kasi parang pinaglalaruan niya ako! Nagagalit ako kasi alam kong may masasaktan kaming napakabuting tao! Ano 'to?! Kasal kami pero iba ang mahal niya? Na sa tuwing gabi'y hindi ako iyong tumatakbo sa isip niya? Hindi ba't mas mahirap at masakit iyon? Hindi niya ba nararamdaman kung anong pwede kong makuha dahil sa gusto niya? Masakit, ngayon palang. Paano na lang kung araw-araw gigising akong nasa harap ko siya pero ang puso niya nasa iba? Pakakasalan niya ako kasi guilty siya. Pakakasalan niya ako sa isang rason at hindi dahil sa gusto niya akong makasama habang buhay.

Wala siyang alam. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa akin dahil sa kanya. Wala siyang alam ni katiting sa kung anong nararamdaman ko kaya parang madali lang sa kanya lahat. Naiinis ako kasi gustong-gusto kong ibigay ang rason na iyon para pigilan siya pero hindi ko kayang ibuka ang bibig ko para roon.

"Teka! Pwede bang sabihin niyo sa amin kung anong meron? Bakit kayo nag-aaway?" -Kayexa.

"Anong meron?" -Alcian.

"I thought we're going to celebrate?" -Daunoru.

"Kita mong nag-aaway kuya, 'di ba? Gusto mo punta kita roon sa hawla ng alaga ni ate Alcian?" Red.

"Isama mo na rin si kuya." -Lilie.

"Oh? Ako naman nakita mo?" -Wright.

Wala akong balak sumabay sa biruan nila. I have an argument to deal with. May bagay na mas dapat kong pagtuunan ng pansin at iyon ang kabaliwan sa gusto niyang mangyari.

"Vin wants to marry her."

Mabilis akong napalingon kay Pruss na kahit siya ay alam iyon. Humalukipkip ito at parang inaalam ang nasa paligid niya.

"Marry?" -Kayexa.

"As in marry? Kasal? Marry sa simbahan?" -Alcian.

"Bakit may kasal ba sa sementeryo?" -Wright.

Napahilot ako nang ulo nang mapansin ang pagtatapunan nila ng masamang tingin na magkapatid. Mas lalo atang may posibilid na ngayon ako manganganak dahil sa stress ukol sa pinag-uusapan namin.

"What? Paano si Rina?" -Dau.

Iyon ang kanina pa tumatakbo sa isip ko. Paano siya? Minsan ba naisip niya ang pwedeng maramdam ni Rina rito?

"Marry her means to act."

Lahat kami ay napalingon sa pinsan nilang si Peyn na nasa tabi ng girlfriend nito.

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ko at humarap sa kanila.

Marry means to act? Anong ibig sabihin nun?

"It wasn't the marriage you all think about. Hindi siya totoong kasal."

Halos mangunot ang noo ko. Nagbibiro ba sila? Alam ba nila ang gusto nilang mangyari?

"We'll help, Coss." Ani ng katabi ko at humalukipkip muli habang bahagyang nakaupo sa mesa.

Hindi niya man lang kinuha ang panig ko tungkol dito. Hindi niya man lang muna ako tinanong o kaya hanapan ng sagot sa kung sasang-ayon ba ako sa gusto niyang mangyari. Hindi iyon ganun kadali kahit pa pekeein mo iyon. Hindi sila basta lang na pamilya ang sa tingin ko. At ano na lang ang mararamdaman ni Rina?

Na marahil ay alam din ng mga kaibigan niya na si Vincrist ang boyfriend nito tapus malalaman nilang magpapakasal siya sa ibang babae! Ngayon ay alam ko na kung bakit tumagal ang away nilang dalawa. Kahit ako ang nasa pwesto ni Rina ay hindi ako papayag. Anong imahe na lang ang mangyayari sa akin sa mata ng tao kung sakali? At kahit pa wala ako sa lugar ni Rina, kahit pa sa pwesto ko'y hindi ako papayag.

Hinding-hindi!

Kasi mahirap... kasi masakit...

"Hindi ko kailangan." Matigas na sagot ko. Hindi ko kailangan ng panibagong pasakip sa buhay ko. Hindi ko kailangan ng panibagong problema. At lalong hindi ko kailangan ng daan para mas lalong masaktan.

Tama na iyong ngayon. Tama na 'to. Ayoko nang dagdagan pa iyon.

"It's going to be private." -Si Pruss.

Kahit pa!

"Dad agreed. Sa tingin ko'y sinabi na rin niya iyon sa mga kapatid niya. Limitado lang ang dadalo. Our parents. Us. Reed and Rina. And your grandfather." Puno ng bihasang sinabi niya sa gilid ko. Nanatili ang mata ko sa kanya at hindi umimik. Tila ba planado na nilang lahat ang mangyayari.

"Sa Green Garden mangyayari iyon. It's more private and we can be sure no one will know about it." -Pruss.

"I can secure the whole place too for assurance." -Daunoru.

"Okay? Ako na sa digital photo and video service." -Alcian.

"Let me do the papers." -Peyn.

"Ako na sa live music." -Red.

"Ako na lang sa backdrop." -Sharlach.

"Ako!" napatingin kaming lahat kay Kayexa. "Ako na lang magsasabi kay Vamp na siya magdedesign ng gown. Wala akong kayang gawin e."

"'Ge! Ako na sa cheering squad." -si Wright na nakakuha ng mura sa lahat.

"Ako, e, bisita na lang." -Reed.

"Matatanda na kayo. Kaya niyo na 'yan." natatawang sabi ni Lilie.

Halos mahilo ako kakalipat ng mga tingin sa kanilang magpipinsan. Ni hindi man lang nila ako pinahintulutang magsalita.

Ano ba 'tong pinasok ko?

Napahilot ako ng ulo at saglitang pumikit nang maramdaman ko ang pag-ikot ng paligid.

Pag iyong anak ko lumabas na mukhang stress malilintikan sila sa aking lahat!

To Stay With (SSB#3B)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon