Chapter 10

34.4K 667 60
                                    

Recap:

"Bakit ba hindi ka nag-iingat Marcus!? Paano nalang pag may masamang nangyari sayo!? Paano ako? Ha? Parang tanga naman ako dito na kumakausap ng taong tulog" sabi ko at inilapit ang mukha ko sa mukha niya.

"Sinong may sabing tulog ako? At sinong may sabing iiwanan kita?" sabi ni Marcus na gising na gising at nakatingin saakin habang nakangiti. Oh god.

Anya's P.O.V

"Ano ba! Wag kang makulit! Kainin mo na to!" inis kong sabi kay Marcus. Kanina ko pa siya pinipilt kumain pero imbes na sundin niya ako ay kinukulit niya lang ako. Aaminin ko, hindi ako sanay sa ganitong ugali na ipinapakita saakin ni Marcus. Ngayon ko lang nakita ang ganitong side niya, napakaplayful niya.

"Bawal na bang maglambing ngayon?" mahinang sabi niya at tumalikod saakin. Napatingin ako sa kanya at sumimangot. Arte.

"Hindi naman sa ganon Marcus, pero kailangan mong kumain. Humihilom na ang sugat mo pero kailangan mong magpalakas" sabi ko sa kanya.

"Fine" maikling sabi nya at kinuha ang pinggan sakin at nagsimulang kumain. Matapos ang ilang minuto, naubos niya na ang pagkaing hinain ko sa kanya.

"Marcus!" sabi ko sabay poke sa likod niya. Hindi niya ako pinansin at nanatiling nakatalikod saakin. Napapout ako, nagtampo na siyang ng tuluyan.

"Oy Marcus. Sorry na" sabi ko sa kanya sabay poke ulit ng likod niya, pero ganun parin siya.

"Alpha"

"Marcus"

"Oy"

"Pst" tawag ko sa kanya, pero wala parin. Naman eh! Tumayo ako at umakyat sa kama niya. Inakap ko siya sa likod at bumulong sa kanyang tenga,

"Baby ko, sorry na" at ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya. I saw him twitched his lips in a almost smile. Inalis ko ang kamay kong nakayakap sa kanya. Humarap siya saakin and he cupped my face, tiningnan niya ang labi ko and slowly inilapit niya saakin ang mukha niya hanggang sa maglapat ang mga labi naming dalawa.

"Thank you" sabi niya ng maghiwalay kami. Habol ko ang hininga ko dahil sa halik na iyon. Idinikit niya ang noo niya sa noo ko. Napangiti ako.

"Fow what?" tanong ko sa kanya.

"For taking good care of me" sabi niya at niyakap ako, humiga siya at sinenyasan niya akong mahiga rin, tumabi ako sa kanya at umunan sa dibdib niya. at pinapakinggan ang heartbeat niya habang siya naman ay pinaglalaruan ang buhok ko. I love this man at hihintayin ko siya hanggang sa maging handa na siya para sabihin saakin ang mga problema niya.

Unknown's P.O.V

"Uuuugggghhhhhhh" daing ko dahil sa biglaang pagsuntok saakin ng lalaking nasa harapan ko. Napaupo ako sa sobrang sakit at napahawak sa tiyan ko.

"Bakit hindi mo parin ginagawa ang utos ko!? And dali-dali ang non di mo pa magawa!? Uulitin ko pa ba sayo ha!? Kailangan mong iseduce si Marcus para masaktan at umalis ang mate niya, bakit hindi mo magawa!? Ha!?" sigaw niya sabay hawak sa buhok ko at walang awang sinampal ako. Napahawak ako sa labi kong nagdurugo. Gustuhin ko mang lumaban sa lalaking ito ay hindi ko kaya, hawak niya ang buhay ng Papa ko at ang buhay ng lahat ng nasasakupan namin. Ang pack na matagal ng inaalagaan ng ama ko.

"Maawa kayo saakin! Wag niyo po akong saktan! Sisiguraduhin ko pong mapapasakin na si Marcus at iiwan na siya ng mate niya!" umiiyak na sabi ko. Ngunit hindi siya nakinig. Hinila niya ang isang babaeng may edad na galing sa pack ko at pinaluhod sa harapan ko. Kinuha niya ang kanyang baril na nakasukbit sa kanya tagiliran at itinutok ito sa ulo ng babae.

"Wag!!! Maawa ka!!!" sigaw ko sa kanya. Ngunit ngumiti lang siya saakin. Napakawalang-hiya niya! Demonyo siya! Tumingin ako sa ale, ngumiti ito saakin at nagsalita.

"Mag-ingat ka lagi" sabi niya, kasabay nun ay umalingawngaw ang isang putok ng baril. Napatakip ako ng bibig habang tuloy-tuloy sa pag-agos ang mga luha ko. Bumulagta sa harapan ko ang patay na katawan ng kawawang babaeng binaril niya. Tumayo ako at sinugod siya.

"Hayop ka! Demonyo ka! Wala kang awa! Wala kang puso!" galit na sabi ko sa kanya at pinaghahampas siya sa kanyang dibdib. Hinawakan niya ang kamay ko at itinulak niya ako sa sahig. Itinutok niya ang baril niya saakin a nagsalita.

"Ano? Hindi mo pa gagawin ang ipnaguutos ko? Tandaan mo ito, kapag hindi mo pa naisagawa ang utos ko sayo, kukuha ako ng isang werewolf sa pack mo para pagbayaran ang araw na sinayang mo" sabi niya at umalis. Napahagulgol ako. Nilapitan ko ang bangkay ng ale at inihiga ito sa lap ko.

"Patawarin niyo ako, patawad po. Kasalanan ko ang lahat ng ito" humihikbi kong sabi sa kanya. Tumayo ako at hinubad ang jacket na suot ko. Tinakpan ko ang bangkay niya at mabilis na lumabas ng bodega.

"Aaaaaaaaaaaahhhhhhhhhh! Bakit niyo ba ako pinapahirapan!? Ano ba ang kasalanang nagawa ko!? I did my best para mailayo sila sa kapahamakan pero bakit!? Bakit hinahayaan niyo silang madamay Moon Goddess!? " sigaw ko habang umiiyak. Parang nakikiramay naman saakin ang langit dahil sa biglaang pag-ulan. Nagtransform ako sa wolf ko at tumakbo ng mabilis. Gusto kong lumayo rito. Gusto kong makalimutan ang lahat. Gusto ko nang mamatay.

Suddenly, an alluring scent filled my nostrils. Forest, spice and something else. I breath in the scent and shiver. He's here! I want to hide but my wolf won't follow me. She wants to see him. Then a big wolf appeared in front of me.

"Mate! Mate! Come to mate!" my wolf said, howling in joy.

"Shift" the big wolf said trough mind link. I was hesitant to shift. I can't allow him to see me. I am not ready. Hindi pwede ngayon, dahil masasaktan lang siya. Madadamay lang siya sa problema ko at ng pack ko at hinding-hindi ko iyon pahihintulutan.

"I said shift!" he ordered and handed me a shirt. It must be his shirt. Kinuha ko ito at pumunta ako sa isang puno at nagtransform sa human form ko.

"Now let me see you" sabi niya. Naglakad ako papunta sa kanya ng nakayuko.

"Look at me mate" he commanded. I felt a jolt of electricity when he touched my face. Dahan-dahan kong itinaas ang ulo ko hanggang sa magkatinginan kami. It can't be! Tell me he's not my mate.

"Arkand" I whispered. Oh no! I'm doomed.

Vote.Comment.FollowMe

A/N:

Disappointed. Hindi man lang ako nakahabol para makadefend. Arrgghhh. Pasensya sa matagal na update minna. Busy lang kasi talaga ako, sana maintindihan niyo.

HUM ranked #3 WOW Thank you!

Correct niyo nalang ako pag may mali ha? Unedited ito. :) I love you guys! Keep on reading HUM and don't forget to vote and comment.

His Unwanted Mate (REVISING)Where stories live. Discover now