Chapter 13

28.6K 490 5
                                    

Recap:

"And baby?" sabi niya na nagpahinto saakin, tiningnan ko siya at hinintay ang sasabihin niya.

"I love you" he sweetly said. Ngumiti ako pero ang totoo parang gusto ko na maihi sa sobrang kilig.

"I love you too" sagot ko at mabilis na tumakbo papuntang kwarto. Pagpasok ko, I smiled mentally, hinawakan ko ang dibdib ko, malakas ang kabog nito. Nagtatatalon ako sa sobrang saya. Gagong Marcus yun! Pinapakilig ako!

Anya's P.O.V

"Luna, ang ganda-ganda niyo po!" L.A said then giggled. Ngumiti ako sa kanya at ibinalik ko ulit ang tingin ko sa salamin. Mas lumabas ang ganda ko dahil sa ginawang make over saakin ni L.A and I'll give her credits to that. Ang galing niya pagdating sa pag-aayos, habang ako walang kaalam-alam sa make-up make-up na yan.Inayos ko ang buhok ko na kinulot ni L.A at tumayo.

"Sigarudong maglalaway ang Alpha sa ayos niyo Luna" sabi ni L.A, napatawa naman ako.

"L.A ilang beses ko bang sasabihin sayo na Anya nalang ang itawag mo saakin" sabi ko sa kanya.

"Pasensya na Lu--Anya, mas sanay akong tawagin kang Luna" sabi niya at ngumiti ng matamis saakin. Napabuntong-hininga ako. Well, I can't help it kung doon siya sanay edi don.

"Kinakabahan ako L.A" sabi ko kay L.A at umupo ulit. Nagtatakang tiningnan niya ako, lumapit siya saakin at iniligay niya ang kamay niya saaking braso at nagsalita.

"Wag kang kabahan Lu--Anya, magiging okay ang lahat. It will be perfect date, trust me" sabi niya saakin. Kumalma naman ang sistema ko sa tinuran ng aking kaibigan. She's right. It will be alright. Pinagmasdan ko sa huling pagkakataon ang aking mukha sa salamin at huminga ng malamin. Naglakad ako palabas ng kwarto. Sumalubong saakin si Michael.

"Luna, ako po ang inutusan ni Alpha Marcus na maghatid sa inyo papunta sa kanya" sabi niya saakin, tumango ako bilang sagot. Binuksan niya na ang kotse at pumasok ako. Nagulat ako ng may biglang inabot siya saakin. Isang box na may nakadikit na papel, kinuha ko ito at binasa.

Wear this baby - M isang sulat palang ito pero parang mahihimatay na ako, nanginginig na binuksan ko ang box. I gasped, may laman itong napakagandang gold heart necklace na may nakaengrave na A&M at kalakip nito ang isang blindfold.

I don't want to spoil my surprise baby, so wear this blindfold. I love you - M sabi sa ikalawang sulat. I love you too gusto ko yang isabi sa kanya. Hindi ako mapakali sa biyahe parang gusto ko agad makarating sa kinaroroonan ni Marcus.

"Luna?" sabi ni Michael na nakapagpabalik saakin sa katinuan, nakatulala pala ako habang pinagmamasdan ko ang ibinigay ni Marcus. Nagpatulong akong ilagay ang kwintas at blindfold kay Michael pagkatapos nun ay huminto na kami, nakarating na siguro kami ni Michael. Rinig kong binuksan niya ang pinto at inalalayan ako pababa.

I felt anxious., gusto kong kunin ang blindold na ito at hanapin si Marcus dahil naramdaman kong umalis na si Michael. God. Where is he? Ba't ang tagal nya bago magparamdam? "Calm down" my wolf reassured.

"Marcus? Where the heck are you?" sigaw ko but no response.

"Where the heck is he?" tanong ko sa sarili ko, bigla akong kinabahan dahil naisip ko na baka nalaman ng rouges na nandito kami ngayon ni Marcus, agad kong tinanggal ang blindfold ko, inadjust ko muna ang mga mata ko para makakita ng maayos.

His Unwanted Mate (REVISING)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora