Side: Preview

4.2K 172 52
                                    

Maxie Enriquez

"Maxie!" Rinig kong malakas na sigaw ni dad mula sa labas ng kwarto ko.

Mabilis kong inayos yung buhok ko. Isa-isa kong nilagay yung mga karayom sa loob at naglagay ng pulang lipstick sa labi bago itaas yung laylayan ng suot kong pulang silk dress at mabilis na tumakbo sa may veranda dala-dala yung maliit na kulay pula kong bag.

"How many-" Agad akong limambitin sa haligi ng veranda ko bago mabilis na tumalon sa bubong ng garahe sa likod.

Sa laki ng mansyon namin, kahit saan makakakapit ako.

"Maxie!" Sigaw pa ni daddy na kinatawa ko nalang sabay talon sa damuhan at mabilis na tumakbo.

"Maxie!" Sigaw niya pa saakin habang nakatingin mula sa veranda ng kwarto ko.

Kumaway naman ako sakanya at ngumiti. "Bye dad! Ayaw mo kasi akong payagan!" Sigaw ko sabay sakay sa kotse ko.

Mabuti nalang nadala ko yung susi ng itim kong kotse. Agad kong pinaharurot yung kotse papunta sa malaki naming gate.

Ayaw pa nilang buksan. Ngumisi lang ako sabay mas binilisan yung takbo ng kotse. Wala tuloy silang nagawa kundi buksan yung gate kundi sira talaga yan.

Ang hindi ko lang maintindihan kay dad, ayaw niya ako paalisin. Iinom lang naman ako.

Yumuko ako sandali para punasan yung pula kong stiletto. Six inches high heels. Yea. I like it.

Ayaw niya ako payagan kahit marunong naman ako sa lahat. Kaya kong ipaglaban yung sarili ko. Marunong akong bumaril, manapak, manabunot, manampal at higit sa lahat mang-akit.

Wala naman talaga akong balak mag-cross dress ngayon. Masyado lang ata ako na-excite kasi natapos ko yung mission ko kanina. Ayaw pa ni daddy na bigyan ako ng isa pang mission kaya magse-celebrate nalang ako mag-isa. Bahala siya dyan.

Sobrang bilis ng takbo ng kotse ko. Lahat nilalagpasan ko. Gusto ko na kasing uminom.



NAKANGITI akong bumaba ng sasakyan nang makarating ako dito sa pinakasikat na bar. Unang tingin ko palang, alam ko ng maraming high profile dito.

Well, mas gusto ko ng adventure. Hihi.

Agad kong hinagis sa isang bouncer yung susi ng kotse ko. "Take care boys." Bulong ko pa sabay kindat bago mabilis na pumasok.

Naghahalo yung tunog ng sapatos ko sa malakas na party music dito sa loob. Medyo mabigat yung fake boobies. Hehe.

Agad akong kumuha ng wine sa lalaking waiter sabay kindat sakanya. "Cute." Bulong ko pa sakanya na kinangiti niya.

"You are gorgeous miss. Mind if... you know." Bulong niya pa saakin sabay tinataas-taas ang kilay.

Hindi naman ako tanga para hindi malaman yung sinasabi niya. Kaya tumawa lang ako ng mahina.

"I'm not available. I'm just here for fun." Nakangiti kong bulong sabay simsimin ang wine sa wine glass.

Tumawa naman siya. "Really miss?" Tanong niya pa.

Mabilis ko naman binottoms-up yung wine sabay lagay ng wine glass sa tray niya at kuha ulit ng dalawa pang wine gamit ang dalawang kamay ko kahit may hawak pa akong maliit na pouch.

"Kind of mister. I have standards. I want big." Humahagikgik kong bulong bago ko siya iwanan.

Hindi naman totoo yon. Never ko pang na-try makipag- one night stand. Still virgin at this age and I hate it.

Sobrang higpit ni dad saakin sa hindi malamang dahilan. Samantalang kay kuya Maxus nagagawa niya lahat ng gusto niya. Bakit ako hindi?

Wala akong dalang baril pero ready ako ngayon. Kahit sino pa ang makalaban ko. Basta handa silang mauna sa impyerno.

𝐂𝐎𝐃𝐄𝐍𝐀𝐌𝐄: 𝐑𝐞𝐝 𝐑𝐨𝐬𝐞 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 𝐒𝐢𝐝𝐞 #𝟏)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon