Side: Chapter 4

1.1K 110 7
                                    

Side: Chapter 4

Maxie Enriquez

    Agad akong napatingin kay Hiley nang pumasok siya dito sa loob ng restroom. Parang natauhan ako sa ilang minuto kong pagkawala sa dimensyong 'to dahil sa ginawa ng hayop lalaking yon. Ang kapal ng mukha niya para magawang haplusin ang balat ko! Nakakainis!

Agad akong napatingin sa salamin at tinignan ang sarili ko. Bakit hindi man lang ako nakagalaw kanina o kahit na pigilan siya agad? Dati, hindi pa man nakakalapat yung kamay ng mga sinusubukang hawakan ako ay bali na. Bakit hindi ko nagawa kanina? Kasi niinis ako? Napapikit nalang ako at napahingang malalim. This is frustrating!

"Ahh, miss Maxie, ito lang po yung extra sa car." Agad na turan saakin ni Hiley at inaabot ang isang plain white shirt.

Mabilis ko naman siyang nginitian at kinuha ang shirt na binibigay niya.

"Thanks." Tipid na bulong ko bago mabilis na naglakad papasok sa cubicle.

Agad kong inalis ang coat ko at mabilis ulit na binuksan ang pinto para iabot kay Hiley yung coat. Hinubad ko na yung damit at inabot ulit kay Hiley bago ko isuot yung plain white shirt. Tinuck in ko kasi ang pangit tignan kapag hindi. Agad din akong lumabas pagkatapos at kinuha kay Hiley yung coat at sinuot. Mabilis akong humarap sa salamin habang nakatingin sa sarili ko.

"Is it okay, Ley?" Bulong ko bago alisin ang tali ng buhok ko at hayaang nakalugay. Iniipit ko lang ang ilang buhok sa likod ng tenga ko bago mabilis na ngumiti.

"Y-yes, miss Maxie." Agad namang sagot ni Hiley na kinangiti ko.

"Let's go, Ley. Madami pa tayong gagawin." Bulong ko na lang at mabilis na lumabas ng restroom. Agad naman siyang sumunod saakin. Napahinga nalang akong malalim habang naglalakad, this will be a very tiring day.







    HINDI ko na alam kung anong oras ako natapos kakabasa at kaka-approve nitong mga proposal. Parang nanlalabo na din ang paningin ko sa dami nito. Pero natapos ko na din sa wakas. Let's call it a day.

Mabilis akong pumikit at sumandal sa upuan. Nakakapagod. Hinayaan ko pang mapahinga ang utak ko ng ilang minuto bago dahan-dahan magmulat at iikot ang upuan patalikod kung nasaan ang view ng buong city.

Hindi ko maiwasang mamangha sa magandang view na nakikita ko. Lalo na yung iba't-ibang kumikinang na kulay dahil sa mga sasakyan sa ibaba.

Biglang nawala ang mga ngiti ko dahil hindi ko maiwasang mapaisip. I'm almost thirty at wala pa sa plano kong magkasariling anak o pamilya. Ni wala akong maayos na trabaho kahit maganda ang tinapos ko. Ayoko dito sa company namin to be honest o dahil tinatamad lang talaga ako? Kung tinatamad naman ako, bakit ako nandito 'di ba? Tanga.

Gusto kong umiyak dahil walang nagkakagusto saakin. Hindi, biro lang. Meron talaga. Nakapila pa sila pero choosy lang talaga ako. Syempre! Hindi ko pwedeng ibaba ang standards ko lalo na't ganito ako. Masyado akong maganda para makakuha ng manloloko na pangit pa. Hindi ako dapat maloko ng pangit. Kung maloloko din naman, sa gwapo na. Ganon din naman ang sakit.

Pero I'm almost thirty, never been kissed, never been touched ako. Sobrang higpit kasi ng daddy. I don't know if it's a good or bad. Pero para saakin, it's good naman. H'wag lang sobra-sobra.

"Miss Maxie?" Rinig kong turan kaya mabilis akong mapaikot muli paharap.

Nakita ko si Hiley sa may pintuan at may hawak na bouquet of red at white roses. May dala pa siyang isang red box.

𝐂𝐎𝐃𝐄𝐍𝐀𝐌𝐄: 𝐑𝐞𝐝 𝐑𝐨𝐬𝐞 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 𝐒𝐢𝐝𝐞 #𝟏)Where stories live. Discover now