Side: Chapter 5

1.2K 128 15
                                    

Side: Chapter 5

Maxie Enriquez

    Hindi na ako nagulat nang makapasok kami sa main venue. Nagkalat ang mga goons. Sa laki nitong venue na may mga tables at may maliit na stage sa itaas, halos dumoble ang nagkalat na goons. Hindi na din ako nagtaka nang makita na halos lahat sakanila ay mga matatandang malaki ang tyan na mukhang mga tadpoles! Iww! Gross! Hindi ko pa man nakikita ang mga mukha nila ay nasusuka na ako!

Hindi ko sila masisi kung bakit lahat sila ay halos nakatitig saakin. Hindi pwedeng maging full black and white ang kagaguhanh ito. Kailan may mag-stand out ang nag-iisang Red Rose 'yon. The Red Angel.

"Miss Rose, they are almost twenty." Rinig kong turan sa earpiece ko. Walang makakakita ng earpiece ko dahil kakulay siya ng balat ko at sa maskara ko. And, natatakpan siya ng ilang buhok ko na hindi nasama sa pusod.

Agad kaming naglakad nitong partner ko. Lahat ng mata ay saakin pero wala akong pakialam. Nagsimula akong tignan isa-isa ang mga taong kasama ko dito sa loob. Beside sa mga butete, goons ng letcheng mafia na ito na hanggang sa ngayon ay hindi ko pa din natutukoy kung ano, meron pang mga goons na sila ang kumakalaban saamin. I'm so sorry, but Red Rose and the Motisi is here to end you.

"Got it." Mahinang bulong ko. Alam ko na sakanila kung sino ang goons ng mafia itong at ang goons ng kumakalaban saaming isa pang mafia. Pero teka, parehas ko naman papatayin bakit kailangan pa?

Agad kaming sinalubong ng isang goon na in full black at sa tingin ko ay ang kanan kamay ng mafia na ito.

"Hello, miss…" Agad na bulong niya at inaabangan ang pagbigay ng palad ko sakanya. I'm little hesistant pero this is a part of a plan. .

"Red Rose." Nakangiti kong bulong at dahan-dahan inabot ang palad ko sakanya. Ngumisi naman siya at dahan-dahan nagbigay ng halik sa likod ng palad  ko. Nanatili akong nakangiti kahit gustong-gusto ko na siyang bulagin. I hate this! This is so gross!

"You look astonishing tonight. But you are little out of the concept, miss Maxie." Nakangising turan niya at inayos ang maskara niya.

"Oh! My bad! I just want to stand out. I'm Red Rose, the one and only." Nakangising turan ko sakanya. Tinitigan niya ako ng ilang segundo bago siya ngumiti.

"This way, miss Rose." Agad niyang turan at mabilis na tumalikod.

Nanatili akong nakangiti habang naglalakad at dinala niya kami sa isang table. May isang card sa table na may number. I guess that's for auction.

"Enjoy, miss Rose." Huling bulong pa ng lalaki bago umalis na nginitian ko lang.

Nang makaalis siya ay doon na bumagsak ang ngiti ko. Agad kinuha ng katabi ko ang kamay ko at naramdaman ko ang paulit-ulit na pagpunas niya sa likod ng palad ko.

"My gosh! So gross! I hate this!" Mahinang bulong ko pa.

"This is the plan, miss Rose." Rinig ko naman bulong ng katabi ko kaya napatingin ako sakanya.

"I know, Lodin." Naiinis kong bulong at hinayaan siyang punasan ang kamay ko. Lalo pa akong ininis ni Knightly sa earpiece habang tumatawa.

"I will kill you, Knightley." Naiinis kong bulong.

"My pleasure, miss Rose." Pang-aasar niya pa.

Ilang minuto lang ay magsimula na ang auction nitong kagaguhang ito. At first, mga rare items muna ang ino-auction na ninakaw ng mafia na ito. Nakikipalakpak lang ako sa t'wing may makakakuha na. Sinong tanga ang bibili ng mga gamit na halos milyon-milyon ang halaga?

𝐂𝐎𝐃𝐄𝐍𝐀𝐌𝐄: 𝐑𝐞𝐝 𝐑𝐨𝐬𝐞 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 𝐒𝐢𝐝𝐞 #𝟏)Where stories live. Discover now