Side: Chapter 2

1.3K 113 9
                                    

Maxie Enriquez

Mabilis akong tumayo nang makitang tapos na ang oras ng trabaho ko. Hindi ko na inayos ang mga gamit sa table at mabilis na sinuot ang coat ni dad bago damputin ang phone ko atsaka dere-deretsong lumabas ng office.

Hanggang ngayon, nanginginig pa din ako sa galit. Sinong hindi magagalit? Almost two months akong nagtipid para mabili yung kotse ko! Tapos masisira lang?! Nakakainis! Hindi ko pwedeng palampasin 'to! Twenty million yung kotse ko! Bwisit! Wala pa akong cash pang-repair o pambili ng bago. Naka-lock yung accounts ko. Ngayon ko lang ulit naranasan matuyuan ng wallet. I swear, I will kill him!

Agad akong pumasok sa elevator. Hindi ako sumakay sa public elevator. Ayokong makipagsiksikan sakanila. Agad kong pinindot yung underground floor parking lot. Mapipilitan akong gamitin yung company car. Bwisit naman! This is so embarassing!

Inis akong lumabas ng elevator at magsimulang maglakad papunta sa company car. Uuwi na muna ako. Hindi ako makapag-focus dahil sa galit. Baka malugi pa 'tong company at siguradong mayayari ako kay daddy. Kailangan ko din malaman kung sino ba yung Hillary na yan. Napaka-bobo naman niya para makabangga.

Tanging tunog lang ng sapatos ko yung naririnig sa buong parking lot. Wala akong pakialam. Kayang-kaya ko baliin ng leeg kung sino man yung magtangka saakin dito. Wag nila akong subukan.

“Miss Enriquez!” Rinig kong sigaw mula sa likod ko na lalong kinainis ko.

Mabilis kong tinignan kung sino yung tunawag saakin. “What?” Naiinip kong tanong sa company guard. Please— stop me. Kapag hindi 'to importante baka mabalian ko siya ng leeg. Oh gosh.

“Is it important? I need to go home. I'm tired!” Dugtong ko pa sabay irap sakanya.

“Yes miss. They are looking for you.” Turan niya saakin sabay turo sa dalawang lalaking naka-itim na suit.

Tinignan ko naman sila mula ulo hanggang paa. “Eww.” Mahinang bulong ko sabay hawi ng buhok.

“Yea? What do you want?” Turan ko nalang sakanila sabay pinag-krus yung kamay sa dibdib ko dahil gustong-gusto ko na talagang umuwi.

“I'm Mr. Joules assistant.” Pagpapakilala niya kaya lalong uminit yung ulo ko. Marinig ko palang yung pangalan ng demonyong yon nanggigigil na ako.

“Uhm?” Bulong ko at mas tinignan ko sila ng matiim. Siguraduhin niyong maganda yang sasabihin niyo. Babaliin ko yung mga leeg niyo kung hindi.

“Mr. Joules wants to pay for what he did earlier.” Sunod niya pa na kinahinga ko ng malalim.

“Mabuti naman. Akala ko tatakasan ng ugok niyong boss.” Bulong ko dahilan para mapahinto siya sa pagsasalita.

“I'm sorry miss?” Turan niya kaya agad akong ngumiti at umiling.

“Oh!  Nothing! How much is it?” Nakangiti ko pang tanong.

May tinuro lang sila kaya mabilis akong naglakad papunta sa tinuro nila. Nanlaki nalang yung mata ko nang makita yung isang kotse. Mclauren Speedtail Limited Edition in red. This is awesome! This cost a hundred million pesos! Woah!

“I can tell that you liked it, miss.” Turan pa ng assistant niya na kinairap ko. Not bad. Halos limang beses yung presto nito kesa sa kotse ko.

“Not really.” Turan ko.

Napatingin nalang ako sa likod nila nang may dalawa pang lalaking nakasuit at may dala-dalang paper bags. Agad kinuha nung assistant yung paper bags at ngumiti saakin.

“And for peace offering.” Nakangiti niyang turan saakin bago iabot yung higit sa limang paper bags. Alam na alam ko yung mga paper bags na 'to. They are from expensive and famous brands. Mga sapatos at bags from expensive brands.

𝐂𝐎𝐃𝐄𝐍𝐀𝐌𝐄: 𝐑𝐞𝐝 𝐑𝐨𝐬𝐞 (𝐎𝐛𝐬𝐞𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐀𝐦𝐨𝐫𝐨𝐬𝐚 𝐒𝐢𝐝𝐞 #𝟏)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon