With A Smile

2.3K 71 38
                                    

2 years ago.

"This beer is really good." Deanna said.

Naka first round na sila, pangalawang bote na ito ni Deanna while Jema hasn't finished yet her first bottle.

"Yeah, but hinay hinay lang naman. Ikaw din, you will have headache tomorrow." Jema replied.

"Jema, holiday bukas kaya no work. We should chill once in a while. Cheers!" sabi ni Deanna while raising her hand holding the beer.

"Deans, alam ko. Kung holiday pala pwede ng magpakalunod sa beer? Ang healthy ng lifestyle ha." ani Jema.

Naiwan mag isa sa ere ang beer ni Deanna dahil walang dumating na bote para maki kampai sa kanya.

"Hey, we came here to enjoy and relax. Put your eyebrow down. Parang laging galit haha. Ngayon na nga lang uli tayo nagkasama, ganyan ka pa." Deanna said.

Nasa Subic sila ngayon kasama ang iba pa nilang kaibigan. May binyag silang dinaluhan kanina kaya nagpasya ang grupo na mag overnight na para sulit ang biyahe.

Nasa game area ang iba, others are on the beach naliligo habang silang dalawa ay nasa bar.

Nakunsensya naman si Jema sa mga sinabi ni Deanna.

"Sorry haha. I'm just thinking about you." Jema replied.

"How about her? Are you thinking about her too kahit na magkasama tayo?" tanong ni Deanna.

"Deans, enough. Huwag mo syang isali sa usapan natin. Let's talk of something else na lang." sagot ni Jema.

"Hindi na ba talaga magbabago ang decision mo, Jema?" malungkot na tanong ni Deanna.

Jema released a long sigh at tumingin kay Deanna.

"I don't know, naguguluhan pa rin ako sa ngayon. Sana maintindihan mo ito at sana din ay willing ka pa rin na maghintay." sagot nito.

"There she go again, same lines and same words. Sana. Sana all." nasa isip ni Deanna.

Hindi nya ito masabi kay Jema kaya nanahimik na lang sya. Mapait na tumawa sabay inom ng beer si Deanna.

"Alright. Let's change the topic now. Nabasa mo na ba yung news about the possible merger of PVL and PSL?" she asked.

Kung meron mang topic na sobra nilang pinagkakasunduan ni Jema, ito ay ang volleyball. They are both mad about the sports. Pag ito na ang usapan, hindi sila nauubusan pareho. Lalo na kung magkalaban ang mga teams nila, walang papatalo sa post game analysis nila.

Ngumiti muna si Jema bago sumagot.

"Yes, I'm so excited omg. Sana matuloy na ito di ba? Para naman maging united na ang lahat. Pwede nating tawagin ang mga players or ang team natin ng RP United." Jema replied.

"RP United or Philippines United? Pero ang sagwa kung Philippines United, PU in short hahaha. P*** ang dating." Deanna said while laughing.

"Hahahahaha. Kainis ka. Naisip mo pa yun. Ah basta kahit anong monicker pa ang itawag sa kanila, ang importante ay magsanib pwersa na sila for the benefit of the sport in the country." sabi ni Jema.

"Tama ka. Napag iiwanan na tuloy tayo ng ibang bansa sa Asia because of the politics within the volleyball federation. Need pa ang voice nating mga fans for them to reconsider. Hay, only in the Philippines!" Deanna said while blowing some air.

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon