Minsan Lang Kitang Iibigin - 3

633 27 13
                                    


Jema.

May na pala. Di yata't ang bilis ng panahon, parang kailan lang yung Valentine's ah. Parang hinihipan ng hangin ang araw.

Siguro, sa mga taong walang masyadong iniisip ay normal lang sa kanila ang takbo ng araw. Ngunit sa katulad ko na may hinihintay at inaasam ay sobrang bagal naman sa pakiramdam.

Yes, I am still hoping and clinging to the idea that one day, I will hear from her again. Matiyagang naghihintay at kumakapit sa pag asang isang araw, nandiyan na naman siya. Tatawag o may sulat na siya.

My Deanna Wong.

Sa akin pa ba siya o nawala ng tuluyan?

Until now wala pa ring tawag, email or kahit dm na galing sa kanya. Ang tagal na, more than a year.

Wow.

Nababaliw na ako sa sobrang katahimikan sa pagitan namin ni Deanna.

May mga panahon na hindi ko na maintindihan ang pakiramdam ko. At hindi ko na rin maipaliwanag kung ano ba talaga ito.

Over the past twelve months, my days passed by with the same routine. Matutulog akong siya yung laman ng aking puso at isip. Para lang gumising kinabukasan na siya pa rin ang unang papasok sa isipan ko.

There were days that I find myself crying upon waking up. Sometimes, tears will just flow in my eyes every time I think of Deanna.

Ang hirap, paano ko mairaraos ang maghapon kung sa pag gising ko pa lang ay ganito na agad?

Minsan naman ay humahagulgol na lang ako at tatakpan ng unan ang aking mukha. Unan yung naging pisikal na kasama at karamay ko sa mga ganitong eksena ng pangungulila at kalungkutan. Kaya ganun na lang kahigpit ang yakap ko dito.

New Year.

That was the last time I messaged Deanna sa Wattpad.

January 1, 2021 at 12:03am, to be exact.

I was full of anticipation and wishful thinking. I hope against hope that I will receive a positive response this time. Bagong taon kaya naman sobrang positibo ako na may magbago sa sitwasyon naming dalawa.

My letter was full of inspirational quotes about life and about us. I also mentioned that for this year, 2021, I will be sending all my messages to her though emails na lang.

You know why?

Because I'm scared. Dahil kung sa Wattpad ko pa siya susulatan, matatabunan na ang yung old conversations namin doon.

Gusto ko, anytime that I will go back to Wattpad, I will be able to read her messages to me and see our conversations instantly. Masarap kasing balik balikan ang mga salitang binitawan niya doon.

Eto na lang kasi ang pumupuno sa aking pangungulila sa kanya at patuloy na pinanghahawakan na buhay pa siya.

However, there were times that I am tempted to message her in Wattpad but I was able to control myself.

The third week of February was tough for me. Ewan ko pero hindi talaga ako mapakali. Parang may nag uudyok sa akin na mag message sa kanya sa Wattpad.

I started typing and after an hour, yes, ganun katagal, nakagawa na ako ng sulat sa kanya. Gustong gusto ko na talaga pindutin ang send pero nag hesitate ako. May pumigil kaya binura ko na lang.

Mas nanaig yung promise ko na sa email na lang ako mag memessage this 2021.

On February 28, nag email ako sa kanya.

I asked how she is and kung ano na ang balita sa kanya. I told her that I missed her so bad. That I'm always thinking of her and wondering all the time about her health status. Sinabi ko rin na ang hirap ng wala pa rin kaming communication.

One ShotsWhere stories live. Discover now