MDC 5: Frog Princess

6.7K 261 21
                                    

"Hi, Snow Ball?" alanganin ang boses na narinig ko sa likuran ko.

Hininto ko ang paglalagay ng chicken adobo sa bandehado at nilingon ang baritonong boses sa 'king likuran.

"R-Ruki?!" The Lead guitarist!

Napalunok ako nang makita kong umiinom siya ng tubig sa bottled water, ang sexy ng pagbaba't pagtaas ng adams apple niya.

"Snow Ball?" natatawang tanong niya na inilahad ang kamay sa 'kin. "Is that really your name?"

Umiling ako bilang pagtanggi na Snow Ball ang pangalan ko.

Natakpan ko ang bibig ko dahil baka mag fan girl ako, at tumili. Amoy ulam pa 'yong kamay ko.

"Are you okay?" nakangiti siya.

Kitang-kita ko ang magaganda niyang ngipin. Akala ko pa naman masungit siya, pero si Claude pala ang demonyo sa kanila.

"Hey..." natatawa siya sa 'kin.

Papadyak-padyak ako habang nakatitig sa kanya at kilig na kilig talaga 'ko. Kailangan makapuslit ako ng pictures with them!

"Y-Yuki," bawi ko sa kilig ko, ngiting-ngiti kong inilahad ang kamay ko.

Ang mainit niyang palad ang sumakop sa palad ko.

"Ruki." Pakilala niya na 'di nawawala ang ngiti.

"Akala ko talaga Snow Ball ang pangalan mo, si Claude ang nagsabi."

Kahit nasa iba't ibang bansa sila madalas, magaling pa rin sila magtagalog. GZ Band, lahat sila ay may dugong Filipino.

"H'wag mong isipin ang sinabi no'n, nalaman ko kasing malaki ang anes niya kaya nagagalit siya." natatawang sabi ko.

Nagtaka ako nang kumunot ang noo niya at natawa na parang na-gets niya, my goodness siya pala ang dapat ginugusto!

"Ruki, 'wag mong kausapin 'yan, maluwag ang turnilyo niyan. Let's go," si Claude 'yon sa bukana ng kumedor.

Masama ang tingin niya sa 'kin kaya inikutan ko siya ng mata.

"Ingat sir Ruki, baka nakakahawa ang kabigatan ng anes kaya dapat beware. Ayokong mahawa ka." Nangingiti ako, kaagad akong tumalikod nang matalim na 'yong titig ni Claude sa 'kin.

"See you later, Yuki."

Hinawakan ako ni Ruki sa balikat.

Marahan kong inilagay sa gilid ng tainga ko ang buhok ko, Inihanda ko ang best smile ko nang alisin niya ang palad niya sa balikat ko, slow motion akong lumingon pero imbis na siya ang makita ko si Claude 'yon na pitik sa noo ang ibinigay sa 'kin.

"Ten minutes, dapat nakahanda na ang lunch nila."

"Yes, yes, yes!" inikutan ko siya ng mata at bumalik na 'ko sa ginagawa ko.

Nang sulyapan ko sila sa sala, para 'kong ice cream na natutunaw sa kaguwapuhan nila. Ilang padyak ang ginawa ko. Japanese ang sinasabi nila kaya wala 'ko maintindihan. Mahirap 'yong ganitong 'di ko naiintindihan, mamaya may plano sila sa 'kin, siyempre dapat prepared din ako!

Nakangiti si Claude, nakakatuwa naman. Hindi ko alam, kahit inis na inis na 'ko sa kanya, ang bilis nawawala no'n.

Si Takie, malapit sila ni Claude. Siya 'yong Mr. Abs sa kanila, guwapo, babaero, at masyadong marami nang nai-date na mga showbiz personality sa iba't ibang bansa.

Si Ruki, Love life? Hindi niya raw 'yon, priority, pero hindi raw siya sarado sa possibility. At malay ko ba, kung ako pala si 'possibility' na hinahanap niya.

My Devil Crush!( Renfield Syndrome )Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt