MDC 16: MENS

7.2K 239 15
                                    


This will be my last update here in wattpad. If you are my old reader, mapapansin mo na may mga added parts like this one at marami pa! :) You can read my future updates on my dreame account just follow me ( MisaCrayola ) you can read this for free sa 'king dreame acct! <3 Lovelots!

MDC 16

Kinaumagahan nakita ko si Claude na tulog pa rin at yakap-yakap ako.

"Nasasanay kang pangit ka, ha!" bulong ko sabay halik sa pisngi nito.

Siniksik ko siya at niyakap din. Nakatulog ako uli at nang magising ay wala na si Claude. Tatlong oras na rin ang lumipas.

May message ito sa cellphone nito gamit ang number ko.

Snowy, 'wag ka nang mag-abala sa lunch, magdadala na rin si Ruki ng dinner later. Gagabihin na kami kaya isara mong maigi ang gate at mga pinto.

"So, walang utos at puro pahinga pala ako ngayon? Puwede pala akong mag photoshoot mag-isa ngayon!" natutuwa akong napabangon.

Tiningnan ko ang cellphone ni Jammie sa cabinet ko na de-susi at may ilang missed call na si mama kaya sinagot ko 'yon at lumabas ng kuwarto para mag-agahan.

"Oh, mother, why?"

"Oy, Yuki!"

"Agang sigawan ba 'to, ma?"

"Sasabihin ko lang sa 'yo na may nagpadala ng pera sa 'kin, tumawag siya gamit 'yong number mo at nagpadala raw siya sa 'kin ito nga at may control number, hindi ba ito scam? Ingles nang ingles 'yong lalaki at dumudugo ang ulo ko, naintindihan ko lang ng nag send na siya ng control number, siyempre nakakita ako ng pera 'no!"

Natawa ako. Pero si Claude lang naman ang gumagamit ng number at cellphone ko. Akala ko pa naman hindi niya ako pasasahurin.

"Kunin mo na, ma..."

"Ngayon ko lang naipagpasalamat na anak kita!"

"Ma!" natatawa kong dabog sa kanya.

"O,sige, at makabili ng pang sinigang na baka—"

"Gusto ko rin no'n," kahit sabihin ko na magaling ako magluto, iba pa rin siyempre ang ugat!

Pinatayan na niya ako. Naku, talaga!

Iniwanan ko sa glass table sa sala ang cellphone ni Claude, baka ano pang mangyari doon, napakamahal pa naman no'n.

Hindi natuloy ang pictorial ko dahil nanakit ang puson ko, heto na at dinatnan na ako. Masakit na masakit ang puson at binti ko kaya naman naiiyak ako. Isa 'to sa hindi ko magawang ipagpasalamat bilang babae, sobrang sakit ng puson ko at nawawalan ako ng gana kapag mayroon. Mabuti talaga at wala sila ngayon para pagsilbihan ko. First day to second day lang naman 'to masakit, sa three to four ay hindi na, nakakalakad na ako nang maayos.

"Bakit naman hindi mo muna ako pinagpahinga ngayong araw," kausap ko sa sarili ko.

Nakatulog ako sa sofa. Nagising lang ako nang may humahaplos sa mukha ko at tila nakaunan ako sa binti. Hindi ko na kailangan imulat ang mga mata ko, kilalang-kilala ko kung kaninong kamay na tila babae ang humahaplos sa 'kin.

"Huwag kang magtulug-tulugan."

Nangiwi ako at marahang nagmulat.

"Wala akong nailuto—"

"It's okay, may mga dinner din sila kung kani-kanino."

"Ikaw?" babangon sana ako.

"Namumutla ka—"

My Devil Crush!( Renfield Syndrome )Where stories live. Discover now