21

52 6 14
                                    

"Kuya," tawag ko kay kuya na nakahiga sa kama ko. I lie beside him. "Tell me who's Heather."

He laughed. "She's my workmate, Zai," he answered. Napataas naman ang kilay ko.

"Hindi ako naniniwala," giit ko.

"Edi wag."

Ngumuso ako. Nahiga ako sa braso niya. Dito niya napagplanuhan na matulog sa kwarto ko for tonight. Pinilit ko siya. Marami kasi kaming dapat pag-usapan.

Brother and sister's talk.

"What about the photo you posted on IG?" He asked. "T'was Hairo, aight?"

I nodded. "Yeah. T'was him," I honestly answered.

"Nagdadalaga ka na ba, Zai?"

"Matagal na kaya, kuya!"

Tunawa siya at ginulo gulo ang buhok ko. Napanguso ako. "Sino na kasi si Heather, kuya?" pangungulit ko pa sa kaniya.

"Ka-trabaho nga, Zai. Masungit na ka-trabaho ko," sagot niya.

"Eh... hindi talaga ako naniniwala!"

"Hindi naman kita pinipilit na maniwala," he said nonchalantly. I pouted and pinch his skin. "Aray naman!"

"Heh!"

Tumawa lang siya at mahinang pinisil ang pisngi ko. Hinayaan ko lang siyang gawin 'yon. Hindi naman masakit eh.

Nilamon kaming dalawa ng katahimikan. Tanging hininga lang namin ang naririnig sa apat na sulok ng kwarto.

"Zai," kuya called for me. I hummed as an answer. "How are you these days?" He asked.

I smiled. "I'm good, kuya. I feel okay with your friends. Lalo na kay Hairo," I answered with a smile.

"Anong 'Hairo'?" He asked. "Nasaan ang kuya, Zairene Arzuela?"

I rolled my eyes. "Nasa tabi ko," walang kwentang sagot ko sa tanong niya. Pinitik niya ang bibig ko kaya sumama ang ang pagmumukha ko. "Eh! Ayaw niyang tawagin ko siyang kuya, eh."

"Weh," he teased. "Diba... crush mo 'yon noon?"

"Noon 'yon," I clarified.

"Ngayon ba? Hindi na?"

I shrugged. "It's more than crush now, kuya."

→←

It's about twelve in the midnight when I went outside my room. Kuya is already asleep after our looooooong talk about our lives. Bago siya matulog ay nakatanggap pa ako ng mga walang kwentang sermon (his words, not mine) niya.

Katulad nalang ng:

“If you want to love someone, then do so. Kahit na unrequited, sige lang. Sino ba ang may pake?

Minsan talaga, puro mga ka-walang kwentahan ang natutunan ko sa kuya kong 'yon. Pero okay lang, nagagamit ko din naman minsan. Keri lang.

Pumunta ako sa kusina para uminom ng gatas dahil hindi ako makatulog. Nagtimpla ako ng warm milk. Matapos kong magtimpla ay hinawakan ko ang baso at tinungo ang veranda ng bahay.

May nakita akong pamilyar na pigura do'n. Nakatalikod siya sa direksyon ko. Pero kilalang kilala ko kung sino 'yon. Dahan dahan akong lumapit papunta sa direksyon niya. Tumayo ako sa tabi niya at umangat ng tingin, kung saan nandoon ang maliwanag na buwan.

Summer VacationWhere stories live. Discover now