26

37 6 0
                                    

You know what's tragic? That's when seeing someone you're in love with happily talking with someone important to him.

I sighed for the ninth time and drank the coke from the can I am holding.

Kanina pa ako nakatitig sa kanilang dalawa. Masayang nag-uusap silang dalawa. Nakikita ko ang masayang pagtawa ni Hairo habang kausap siya.

"Tagay?" It was Kevin's voice. "Kanina ka pa naka-sight lang sa kanilang dalawa, Zuela. Sa totoo lang," puna nito.

Nagkibit-balikat ako at inubos ang laman ng coke in can ko. "Inggit kasi ako."

He laughed. "Edi pumikit ka," aniya. Umiling naman ako.

"Ayaw ko nga," sabi ko. "Bakit ka pala nandito? Akala ko ba magkasama kayo ng tatlo?" I asked.

He shrugged. "Napagod ako. Maya na ulit," sagot nito sa akin. "Ikaw ba? Titingin ka nalang ba sa kanilang dalawa?"

I shrugged. "Pwede."

He chuckled. Umakbay siya sa akin. I leaned on his chest. I closed my eyes.

"Inggit na inggit ka na ba talaga, Arzuela?" natatawang tanong nito sa akin. Umingos naman ako at hindi sumagot. He sighed and brushed my hair. "It hurts, right? I've been in your shoes, Zai. At nandoon ka rin noong panahong nararamdaman ko ang nararamdaman mo ngayon." He chuckled.

I remained silent, waiting for him to say more.

"Mag-kaibigan talaga tayo, eh, noh?" He laughed. "Baka tayo talaga for each other," he joked.

Napamulat naman ako at pabirong pinisil ang braso niya. Napadaing naman siya ng mahina kaya tumawa ako.

"Hindi," I said. "Ayaw ko ng incest," biro ko pa.

He laughed. "Oo nga pala. Magka-dugo nga pala tayong dalawa," he sighed.

Tumawa rin ako at pinikit muli ang mga mata. "Saya nila," mahinang bulong ko habang nakapikit parin ang mga mata.

"Oo nga. Tawang tawa pa nga si Keila, oh," sabi niya. "Pahampas hampas pa sa braso ni Hairo," he tsked.

"Hampasin ko siya 'ka mo," bulong ko habang tumatawa. "Pero, siyempre, joke lang. Bad 'yon."

Naramdaman ko ang pagpitik ni Kevin sa noo ko. Napasimangot ako at hinampas ang kamay niya. Nagmulat ako ng mata, timing rin na nakatingin sa direksyon ko si Hairo. He's raising his eyebrow. I smiled at him and waved. He only nodded and turned his attention to Keila again. Napairap nalang ako at umayos ng upo.

Attitude porke nandito ang ex!

I stood up. "Tara, Kev. Let's enjoy!" I smiled. "Swimming nalang tayo," aya ko sa kaniya.

Sumimangot siya. "Tinatamad nga ako!" Sinamaan ko siya ng tingin. Itinaas naman niya ang dalawang kamay na tila ba sumusuko. "Sabi ko nga, swimming tayo."

I grinned and gripped his hand. Mabilis ko siyang hinila papunta sa dalampasigan. Wala siyang magawa kun'di ang hayaan lang ako. Nauna siyang lumusong sa dagat, sumunod naman ako. Huminto kami sa parteng malalim na. I sighed.

"Oh? Problemado ka ba?" tanong sa akin ni Kevin. Tinignan ko naman siya at umiling. "Eh ba't ka hinga ng hinga diyan? 'Kala mo naman mabango hininga mo," asar nito sa akin.

Nameywang ako sa kaniya. "Ha! Coming from you?!" asik ko. "Fyi, mabango hininga ko. Fresh pa nga sayo!"

Tumawa lang siya dahil sa naging reaksyon ko. Napailing-iling pa ito. Inirapan ko nalang siya.

"Zai, Zai," tawag nito sa akin.

"Ano?!" I snapped at him.

"Pusha, bakit ka ba gigil agad?" natatawang ani nito. I rolled my eyes. "'Di nga," he said.

Summer VacationWhere stories live. Discover now