FORTY-SEVEN

445 14 1
                                    

(THIS IS UNEDITED PLEASE EXPECT WRONG GRAMMARS AND ERRORS!)

Nine years later...

Panay ang tingin ko sa aking relo habang hinihintay si Carmea Flor sa kaniyang klase. Alas singko na at sa mga oras na ito ay tapos na ang klase niya. Napangiti ako ng marinig ko ang guro nila sa English na magsalita.

Tumayo na ako saka pinagpag ang suot kong formal pants. Inayos ko na ang sarili para sa paglabas niya.

"Okay class dismiss, sinong cleaners ngayon?" rinig kong sabi ng adviser nila.

"Group three po!" sabay sabay na sagot ng mga bata.

"Before you go out, please pick up the pieces of paper below your desk and your chair, and kindly arrange it, bukas dapat maaga kayo ah."

"Yes ma'am!"

Ilang sandali lang ay nagsilabasan na ang mga pupils ng grade three section Banaba. Napangiti ako ng makita ang nakabusangot niyang mukha sa akin.

"Wahhh ang baby ko! How's your class huh?" pinugpog ko siya ng halik sa kaniyang buong mukha, mas lalo itong bumusangot at napaungot.

"Mamang naman, di'ba sabi ko na huwag mo na akong hintayin dito sa labas ng room? Big girl na ako kaya hindi mo na dapat ako hinihintay dito."

Napangiti nalang ako sa pananalita niya. Parehong pareho talaga sila ni Cormac kung makapagsalita. Hindi ko alam pero sa tuwing naririnig ko siyang magsalita ay parang nakikinig lang din ako kay Cormac. Nakakainis lang kasi lahat na yata ay nakuha niya kay Cormac, pati ang pagka meztiza nito ay sa kaniyang ama nag mana.

Wala sa sarili akong napangiti. She cupped my both cheeks using her cute adorable hands. "Malungkot ka nanaman mamang, naalala mo nanaman ba noh?"

Ngumiti ako saka umiling. Ginulo ko ang buhok niya na ikinanguso naman nito, mas lalo tuloy siyang naging kamukha ni Cormac.

Naalala ko pa noong araw na iyon, nung araw no'ng muntik ng mawala sa akin si Carmea Flor. Naalala ko pa noon no'ng iniwan ako ni Cormac sa ere, walang mapuntahan, gulong gulo ang isip and... Helpless. Naalala ko kung paano ko tinangkang patayin ang sarili ko at anak ko sa loob ng sinapupunan ko dahil sa matinding depresyon.

"Flor!!!"

Kasabay ng pagbitaw ko sa railings ng tulay ay ang paghawak naman ni Celeste sa aking kaliwang braso. Nakatingala lang ako sa kaniya habang tinitignan siyang mahigpit na hinahawakan ang kamay ko. Nakasabit na ako at kung bibitawan niya ako ay tiyak na mahuhulog na ako tatangayin ako ng malakas na agus ng ilog na kikitil sa buhay ko-sa buhay naming mag-ina. Hindi ako gumalaw, tinitignan ko lang ang dalawang kamay niyang ngayon ay mahigpit na hinahawakan ang braso ko, sinisigurong hindi niya ako mabibitawan.

"Fuck!" nagmura siya ng dumulas ang isang kamay niya sa braso ko, buti nalang at mahigpit na nakakapit ang isa niyang kamay sa akin. Mas nagpapahirap pa sa kaniya ang malakas na hangin at ulan.

"Flor! Iabot mo sa akin ang isa mong kamay!"

Hindi ko siya sinagot, tila nabingi na ako at nakatingin lang ako sa kaniya. Hirap na hirap na niyang hawakan ako.

"Flor! I said give me your right hand damn it!" wala talaga siyang planong bitawan ako.

"Flor! Please! Give me your right hand now! Hindi kita maaalis dito kapag hindi mo sa'kin iaabot ang kamay mo!" patuloy parin ang lakas ng ulan. Tanging malalakas na lawiswis ng hangin at ang tunog ng mga patak ng ulan ang saksi sa nangyayari ngayon.

"Flor! Listen to me bitch! Kapag namatay ka dito hindi ka na makakaganti kay Cormac, kapag namatay ka parang pinatay mo na'rin ang anak mo! So please, grab my hand now."

THE DEVIL'S SERENADE (COMPLETED ☑) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon