ANOTHER STORY

401 7 2
                                    

Another story by Aijax, check it out 👇

TITLE: DEVOURED BY THE DEVIL

Messaila is an orphan who left by his uncle to an orphanage where she meets Zeref Gouncil Silvestre, a mysterious boy who will make his life a living hell with a little touch of heaven. She never expect that the devil in the orphanage turns out to be her angel when she falls in love with him. But when something's happened that challenge not only her life but also her heart, that she decided to forget about him, but it's too late for her to do that because the next thing she knew, Zeref Gouncil Silvestre is slowly devouring all of her like a devil devouring his prey.

Can she unchained herself from the devil or she'll let the devil devour her completely?


PASILIP

"MAY bagong salta!"

Nasa hardin kami ng bahay ampunan ngayon, kasalukuyang binubunot ang mga ligaw na halaman at damo habang ang mga kalalakihan naman ay nagbubungkal ng lupa upang pagtamnan ng bagong gulay.

"Siya ba yung bagong salta?"

"Oo siya nga."

Dahil sa kagabi palang ako dumating dito ay pinag-uusapan agad ako ng mga ibang bata. Hindi ko nalang sila pinapansin, pinagpatuloy ko nalang ang pagbubunot ko ng mga ligaw na damo.

"Narinig ko sa usapan nila Sister na binugbug daw siya no'ng kumupkop sa kaniya."

"Kawawa naman siya, kaya pala ang dami niyang pasa sa braso at paa."

Inayos ko ang suot na jacket upang maayos na matakpan ang mga sugat at pasa ko. Hindi ako sanay na pinag-uusapan nila ako. Pinagmasdan ko ang ibang mga bata rito. May mga kasing edad ko pero sa tingin ko ay mas marami ang mga batang mas matanda sa akin. Dahil bago palang ako rito ay wala pa akong nagiging kaibigan kaya mag-isa lang ako rito sa sulok, nagbubunot ng mga damo.

"Naku, pagtitripan nanaman ito ni Zeref."

"Oo nga, lalo na bago pa lang siya dito."

"Kawawa naman siya kapag ganoon, walang tutulong sa kaniya dahil walang gustong kumalaban kay Zeref."

Napatigil ako sa pagbubunot ng mga damo. Sino kaya ang sinasabi nilang Zeref? Bakit parang takot na takot sila sa Zeref na iyon?

Pinagkibit balikat ko nalang iyon saka pinagpatuloy ang ginagawa.

"Naku ayan na siya..."

"Magsihanda kayo, andiyan na siya!"

"Naku, gulo nanaman ito!"

Rinig na rinig ko ang mga bulungan nila. Nagkukumpulan sila, dahil hindi ko naintindihan kung anong nangyayayari ay hindi ako sumama sa kumpulan. Nanatili ako sa gitna. Maya maya lang ay sumulpot ang paparating ng isang grupo ng mga kabataang lalaki.

Maangas.

Iyon agad ang pumasok sa utak ko nang makita sila. Hindi ko kaya silang bilangin dahil marami sila pero iisang mukha lang ang nakaagaw ng atensiyon ko. Ang lalaki sa gitna na pinapangunahan ang grupo nila. Napansin ko agad ang kakaibang uri ng kaniyang mga mata, kakaiba kasi ang kulay non, ang buhok niya, kakaiba rin ang kulay pero hindi ko masabi kung anong eksaktong kulay non. Masasabi mong hindi lang siya pangkaraniwang bata, may kakaiba sa kaniya. Siya rin ang pinaka matangkad sa grupo kaya mapapansin mo talaga siya.

Tumatabi ang mga kabataan kapag dumadaan sila. Alam ko na agad na ang mga ito ang hari-harian sa bahay-ampunan na ito.

Pinalibutan nila ako. Yung batang lalaki, lumapit siya sa akin. Nagtaka ako kasi bakit siya may hawak na sigarilyo? Di'ba bawal ang sigarilyo dito? Tsaka bata pa siya ah.

Nagtataka lang akong nakatingin sa kaniya habang nilalaro laro ang hawak na sigarilyo. May mapaglarong ngiti ang kaniyang mapupulang labi at ang kaniyang mga mata, tila ba may kung ano roon na hindi ko maintindihan. Bigla akong kinabahan sa titig niya sa akin pero nanatili pa'rin akong nakatayo, walang imik habang nagtatakang nakatinginan lang sa kaniya.

"Hala! Nandiyan na siya."

"Sino kayang tutulong sa kaniya?"

"Kawawa naman, mukhang siya ang bagong target ngayon ni Zeref."

Rinig kong bulong ng ilang mga bata. Siya pala si Zeref, ang batang kinatatakutan nila. Hindi naman nakakatakot ang mukha niya, katunayan parang anghel ang kaniyang mukha.

Bumaba ang atensiyon ko sa leeg nito. Bakit may tattoo siya sa leeg? Ang bata pa niya pero may tattoo na siya roon, di'ba para sa mga malalaki iyon? Palagi kasing sinasabi sa akin ni Tiyong Nardo na bawal sa mga bata ang tattoo at yosi, bakit siya pwede? Hindi ko talaga maintindihan. Tsaka ang dami naman niyang mga hikaw sa tenga saka may hikaw din siya sa kaniyang labi. Hindi ba iyon masakit?

Ngumisi siya sa akin. "Ikaw pala ang bagong salta ah," sabay tingin sa akin, mula ulo hanggang paa. "Anong pangalan mo?"

Nakatingin lang ako sa kaniya.

"Houy! Batang babae, sumagot ka sa kaniya," sabi naman no'ng batang lalaking kasama niya.

Hindi ako sumagot. Nanatili lang akong nakatingin sa kanila.

"Pipi yata ito Boss Z eh."

"Houy sumagot ka nga-"

"Ayos lang Butyok, mukhang mahiyain ang isang ito ah," tila may kakaibang epekto sa akin ang kaniyang boses. Mas lumawak ang ngisi nito sa akin habang humahakbang ito palapit sa kinatatayuan ko. Dahil sa maliit ako kesa sa kaniya, itinukod pa niya ang kaniyang kamay sa magkabila niyang tuhod. Mas lumakas pa ang bulong bulungan ng mga bata sa paligid namin.

"Pst! Anong pangalan mo?" maangas na tanong nito sa akin, sinindihan nito ang sigarilyo sa bibig. Napaubo ako nang bumuga siya ng usok sa mukha ko.

"Tinatanong kita, anong pangalan mo?"

Pinilit kong sagutin siya. "M-Me-s-ssa...a-aila."

Kumunot naman ang kaniyang noo. "Huh?"

"Me-ss-ssail-aahhh," bakit ba ako nauutal sa kaniya? Dahil siguro medyo malapit ang mukha niya sa akin.

"Ano?!" mas lalong kumunot ang noo niya, medyo napalakas rin ang boses niya na ikinapitlag ko.

"M-Mesaila," sa wakas na sabi ko na ikinangisi niya. Humithit ulit siya ng sigarilyo saka muling bumuga.

"Edad?" tanong niya.

Bakit tinatanong niya ang edad ko? Sinagot ko pa'rin ang tanong niya. "W-walo."

"Bago ka palang, hindi mo ako kilala?"

Tumango ako. Itinapon niya ang sigarilyo sa lupa saka inapak apakan iyon. "Ako ang hari dito. Dito sa bahay ampunan na ito, isa lang ang kikilalanin mong hari, at ako lang iyon."

Hari? Siya? Rito?

"At ikaw..." ipinilig niya ang kaniyang ulo na tila ba pinag-aaralan niya ako. "Akin ka na."

Napapitlag ako. "H-Huh?"

Dinilaan niya ang gilid ng kaniyang labi. "Simula ngayon akin ka na."

Ano bang sinasabi niya? Sa kaniya lang ako? Pwede ba iyon?

Kinabahan ako sa malademonyo niyang ngisi sa akin. "Akin ka na."

THE DEVIL'S SERENADE (COMPLETED ☑) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon