ONE

1.4K 41 4
                                    

Flordelina Manalag

Naalala ko pa noong una ko siyang nakita. Grade one palang ako non nung bagong salta sila Ulysses dito sa Castilleja. Sobrang ilap niya, napakamahiyain. Minsan naglalaro kami ng mga kaibigan ko ay niyaya namin siya, hindi siya sumasagot sa mga tanong namin, tango at iling lang ang tanging naisasagot niya.

"Hello, ako nga pala si Flordelina, pwede mo akong tawaging Flor,"ngiting ngiti ako habang iniaabot sa kaniya ang aking kamay.

Sinadya kong hindi sumali kina Marcus sa paglalaro ng tagu taguan dahil gusto ko siyang makalaro. Namimisteryusuhan kasi ako sa kaniya, mukha naman siyang mabait, yayain ko sana siyang maglaro ng jolens.

Suminghot lang siya, wala siyang isinagot sa akin. Ngumuso ako. Bakit ayaw niya akong kausapin? Mabaho ba ako? Yumuko ako upang tignan ang aking suot, oo nga pala, naglaro kami ni Marcus ng putik kaya ako madungis, sininghot ko naman ang sarili ko, hindi naman ako mabaho dahil kakaligo ko lang kanina.

Bakit ayaw niyang makipagkaibigan sa akin?

Bumagsak ang dalawa kong balikat. "Sige... Kung ayaw mo talagang makipaglaro sa akin naiintindihan ko." Tatalikod na sana ako kaso bigla niya akong kinalabit.

May sinenyas ito sa akin pero hindi ko siya naiintindihan. Anong sinasabi niya? Noon ko lang nadiskubreng hindi siya nakakapag salita. Pipi siya, pero hindi iyon dahilan upang hindi ko siya kaibiganin. Ang mga kalaro ko ay ayaw siyang makalaro kasi hindi nila siya naintindihan. Ako, pinilit ko siyang maintindihan kaya pinilit kong matuto ng sign language.

Simula n'on ay hindi na kami mapaghiwalay ni Uly. Palagi ko na siyang kalaro, kasama sa school o kahit dito lang sa amin. Masaya akong siya ang naging kaibigan ko, at naging bestfriend ko.

Sa murang edad, alam ko na, alam ko ng gusto ko na siya. Na siya ang gusto kong maging asawa, na siya ang lalaking ihaharap ko sa altar at makakasama ko habang buhay. Sa murang edad ko palang na ito ay umibig na ako.

"Uyyy si Flor oh, nagdi-day dream nanaman siya kay Ulysses uyyy..." tukso sa akin ng mga kaklase ko. Imbes na magalit ako o mainis ay kinilig pa ako sa panunukso nila.

Pumula ang pisngi ko. "Hinda ah." Umiwas ako ng tingin, kunwari ay abala ako sa pagkokopya sa libro.

"Crush mo si Ulysses noh? Uyyyyyy..." kilig na kilig sila habang tinutukso ako.

"Manahimik na nga kayo diyan, baka marinig pa tayo ni teacher, sige kayo baka magalit iyon.." saway ko sa mga ito.

Pero sa loob loob ko ay kilig na kilig na ako. Palihim kong tinignan si Ulysses sa kabilang lamesa. Nandoon siya, abala rin sa pagkokopya sa libro at isinusulat iyon sa notebook niya.

Nagbago ang tempo ko ng biglang lumapit si Princess sa kaniya. Yung classmate ko rin na may crush kay Ulysses, napasimangot ako dahil ningingitian siya ni Uly. Bakit siya ningitian ni Ulysses? May crush rin ba si Uly sa kaniya?

Hindi ko namalayang nakakuyom na pala ang mga kamao ko.

"Hala Flor, si Princess, nakita naming nilalapitan niya si Ulysses kanina," sumbong ng mga kaibigan kong babae sa akin. Nagsalubong ang dalawa kong kilay.

Lunch time namin ngayon at kasalukuyan kong hinahanap si Ulysses para sabayan siyang kumain tulad ng nakagawian naming dalawa. Pero hindi ko siya mahanap hanap, yun pala ay na kay Princess pala ito.

Sumimangot ako buong klase. Kaya pinagplanohan namin ng mga kaibigan kong sugurin mamayang uwian si Princess para magtanda siya.

"Arayyyyy!!! Flor! Masakit! Huwag!" Hawak hawak niya ang mga kamay ko habang sinasabunutan ko siya.

THE DEVIL'S SERENADE (COMPLETED ☑) Where stories live. Discover now