Dedicated to JD_Imbuido
Precious POV
"What are you doing here!?"
Agad akong napatingin sa nagsalita
"H-hinahanap ko si Pearl..." Sabi ko at lumayo sa picture na tinitignan ko
Liers go to hell... Ay impyerno na pala 'to...
"Get out..." Malamig nyang sabi kaya taka ko syang tinignan
"Pero si-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng sumigaw ulit sya
"I SAID GET OUT!!" Nagulat ako sa biglang pagsigaw nya kaya naman Hindi ako nakagalaw agad
"Please,get out..." Muli nyang sabi
Sa pagkakataong 'yon naglakad na ako papunta sa pinto at nakayukong nilagpasan sya
Nang makarating na ako sa dulo ng hangganan charot! Sa pinto sinara ko na ito pero may kalokohang pumasok sa isip ko kaya binuksan ko ulit
"Grabe ka naman! Pwede mo naman akong paalisin ng maayos! Siguro magta transform ka na into paniki no? Sige alis na ako baka nahihiya ka pa sakin eh!" Sinara ko na ang pinto pero binuksan ko ulit kasi may kulang pa pala sa sinabi ko
"Ingat sa paglipad batman engot ka pa naman!" Sinara ko na ng tuluyan ang pinto at tumakbo papunta sa maids room
Habang tumatakbo nadaanan ko si Pearl na nakaupo kaya huminto ako at lumapit sa kanya
"Kanina pa kita hinahanap na pusa ka! Saan ka ba nagpunta? Kumain ka na ba?" Tingin lang ang sinagot nya sakin kaya binuhat ko na sya at nagpatuloy sa paglalakad
Nang makarating na ako sa maids room nakahilata na silang lahat at natutulog
Ako nalang pala ang hindi pa natutulog kaya nilapag ko na si Pearl sa ibabaw ng mesa at humiga naman sya agad
Humiga narin ako sa tabi ni Zen at natulog
***
"Good morning po ate Nicka!"
"Good morning din po young master Ckirfier, ano pong kailangan mo?"
"Is ate Cie awake?" Napamulat ako ng wala sa oras dahil narinig ko ang pangalan ko
"Ah tulog pa po sya young master Ckirfier..." Nahihiyang wika ni Nicka
"Get out! Ako na gigising sa kanya!" Sigaw ni Ckirfier kaya wala ng nagawa si Nicka kundi padaanin sya
Pinikit ko ulit ang mga mata ko at hinihintay ang pag gising ni Ckirfier sakin
"Ate Cie! Wake up! Gagawan mo pa ako ng Chocolate cake!" Hinampas nya ako ng unan kaya tumalikod ako ng higa sa kanya
"Meooowww!!" Napabangon ako ng wala sa oras dahil sa ingaw ni Pearl
Tawa naman ng tawa si Nicka ganon din si Zen at Ckirfier kaya tumungo na ako sa CR para ayusin ang sarili ko
"Ano po bang kailangan nyo kay Cie young master Ckirfier?" Rinig kong tanong ni Zen Kay Ckirfier mula sa CR
"Secret!"
Dahil na curious ako lumabas na ako ng CR at sumalubong sakin ang maaliwalas na muka ni Ckirfier
"Ate Cie! Tara na bilis!" Nagpahatak nalang ako kay Ckirfier ng hilahin nya ako palabas kaya naiwan sa loob sila Nicka at Zen na nagtataka parin sa kinikilos ng bata
YOU ARE READING
Shi Mansion (Home Of Devils)
Mystery / ThrillerKung pangarap mong makatira sa isang mansion tatanungin muna kita..... Sigurado ka ba? Kakayanin mo kayang tumira sa mansion na ang mga kasama mo ay hindi ordinaryong tao? Kung tawagin sila ay 'demonyo' 'mga alagad ng impyerno' 'halimaw.' Mga demony...