Dedicated to readinguru33
Precious POV
"Mukang aabutin tayo ng pasko dito!" Iritang sabi ni Mica
"Daig pa natin kargador sa ginagawa natin eh!!" Dugtong pa ng kapatid nyang si Nicka
"Wag ng mag reklamo iilan nalang naman na 'to..." Sambit ko
"Iilan na nga lang pero hanep naman sa bigat!!" Singit naman ni Zen
Haaayyy..... Mga reklamador talaga....
"Edi kung binubuhat na natin papuntang room ni lady witch edi sana matatapos na tayo..." Paliwanag ko
"Oo nga naman..." Sabi ni mang kanor na isa sa mabait na security guard sa mansion
Wala ng nagawa ang iba kundi gawin ang naudlot na Gawain namin kanina
"Mukang Hindi na talaga ako lalaki nito...." Malungkot na sambit ni Grace
"Wala na talaga tayong pag-asa pa..." Dugtong naman ni Judy
"Buti pa si Cie kahit na bata pa ay matangkad na..." Wika naman ni Karen
Kailangan talaga mag salita silang lahat???
"Oh, Genny parang antahimik mo yata?" Takang tanong ni Grace
"Gutom lang ako, kayo ba Hindi kayo nagugutom?" Balik nyang tanong
"Nagugutom na din syempre, sa dami at bigat ba naman ng mga dala natin..."
"Ang malala pa nito kanina pa tayo pabalik balik!" Inis na sigaw ni Emi
"Ok lang 'yan guys ang importante last na 'tong dala natin!" Masayang wika ko
Mukang ginanahan naman sila kaya nakarating agad kami sa nakakakilabot na kwarto ni Lady moon kahit na mabigat ang mga dala namin. Ganon siguro kapag inspired o excited ng kumain
Nang mailapag namin lahat ng bags agad kaming bumaba at pumunta sa dining para naman ayusin ang pinag kainan ng mga demonyong amo namin
Except sa kambal at syempre kay kagumi ahahahahahah!!!!!
Habang nag liligpit may nahagip ang panangin ko sa laundry area kaya iniwan ko muna ang mga kasama ko
Dahan-dahan kong tinahak ang laundry area at nakita ang nahagip ng paningin ko
Si Batman......
"Oras na yata ng transformation nya..." Bulong ko sa sarili ko
Evil smile draw in my face pero nawala 'yon ng mag salita si Batman
"Kailan ka ba babalik sakin?" Nakita ko ang lungkot sa mga mata nya at sa tono ng pananalita nya
Tumingala sya sa langit at malungkot na pinag masdan ang mga bituin
Umihip ng malakas na para bang sinasabayan ang kalungkutan ni Batman
"Kailan mo kaya makikita ang halaga ko?" Parang pati ako ay nadadala ng kalungkutan nya
"After how many years I still love you..." Tears. Tears of sadness fall from his eyes
Nakaramdam ako ng awa sa kanya "kung may magagawa lang sana ako..." Malungkot kong sabi bago ko sya iwan na umiiyak
"Ayun! Saan ka ba galing?" Tanong ni Judy ng makabalik ako sa dining
"Kanina ka pa kasi hinahanap ni lady moon... T-teka bakit parang malungkot ka? May nangyari ba?" Nag aalala nyang tanong
YOU ARE READING
Shi Mansion (Home Of Devils)
Mystery / ThrillerKung pangarap mong makatira sa isang mansion tatanungin muna kita..... Sigurado ka ba? Kakayanin mo kayang tumira sa mansion na ang mga kasama mo ay hindi ordinaryong tao? Kung tawagin sila ay 'demonyo' 'mga alagad ng impyerno' 'halimaw.' Mga demony...