"Keep Calm And Move On"

413 6 0
                                    


[Christopher's POV]


"Why should I hire you?"

Tanong saakin ng Manager.

"Because I have what it takes to be part of your team."

Sagot ko sakanya.

"I think you can handle the job very well despite of your situation. I saw the portfolio and everything and I have huge expectations. So...Mr. Chavez, welcome to Red Phoenix Production."

I know na hindi nya ako matatangihan kahit ganito ako...

"Hold the door please."

Sabi ko sa isang guy sa elevator.

Saka ako mabilis na gumulong papasok. Not really gulong na yung humiga at nag roll pero I meant the wheel chair.

"Thank you."

Sa labas ng building naghihintay ang best friend ko na si Mike.

"Oh?..ano pasok?"

"Syempre ako pa."

"Aba,aba...dapat lang. Mag po-protesta ako kung hindi."

Sya na ang nag tulak ng wheel chair ko para saakin.

"Saan mo gustong kumain?"

Tanong nya saakin.

"Maglilibre ka?"

"Syempre...natanggap ka sa work kaya dapat i-treat kita."

"Diba dapat ako ang mag treat?"

"Ano kaba...magsisimula ka palang nga ulit diba?..tabs on me man."

I'm disabled...technically.

Hindi naman habambuhay dahil nag te-therapy ako para makapaglakad muli.

"Kailangan kong i-celebrate ang first step na ginawa mo ngayon. Ang mag hanap ulit ng work."

"Nakakainsulto naman...first step."
=__=

"I'm just saying figuratively."

"Syempre...kailangan ko ng pera. Malapit na akong ma bankrupt. Ang dami kong ginastos."

"Yeah...it's good to see you building yourself again. Hindi na caveman."

*smirked* "Yeah."

I'm an Artist. Actually, bago ako nagkaganito ay five years na akong nag ta-trabaho sa kabilang Animation studio at isa akong team leader. Kaya walang dahilan ang director ng Red Phoenix na hindi ako tanggapin.

"Handa kana ba pre?"

"Hindi pa."

"Hindi mo kailangan na maging handa."

"Kailangan kong maging handa. Natuto na ako."

I'm Christopher Chavez, 23 years old. I live alone sa aking apartment for few Months now...well for five years mag-isa lang naman ako na nakatira doon. It's just that now...I completely feel that I'm alone.

"Hinahanap ka pala ng Mom ni Aly saakin nung isang araw."

"Can please not talk about her?"

"Sorry."

I'm seeing the world in a whole new perspective right now. Iba noong okay pa ang lahat...normal pa ang lahat.

Nagsimula ako sa industria na 'to right after kong mag-graduate sa two year course na Animation NC III. I was just 18 back then. Young...inspired...top of my game.

Make Me AliveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon