"Keep Calm And Trust"

133 4 0
                                    

.

.

.

.

[Alyssa's POV]


It's been two weeks...

Nang matanggap ko ang sulat galing sa landlord ng apartment ko that says EVICTION NOTICE. Binigyan nalang ako ng 2 weeks para mag empake ng mga gamit pero deadline na at wala parin akong mahanap na bagong malilipatan.

Dala-dala ang lahat ng bagahe ko, umalis ako sa apartment. Mula kasi ng maalis ako sa trabaho ng dahil sa may sayad na yun, wala nang tumatanggap saakin.

saan kaya ako pupunta sa ngayon?

Para akong palaboy at hindi rin magtatagal ganun narin ako dahil wala na akong pera. Hindi nalang sana ako pumunta pa sa lugar na 'to.

Hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa isang lugar na magaganda at magagara ang mga apartment house.

"Pambihira...kung mabilis lang sana ang proseso ng paglipat ng mana saakin ng mga pag-aari namin, nakatira na ako sa isa sa mga 'to. Bakit ba kasi kailangan kong maghirap ng ganito?

Okay na sana kaso sadya talaga sigurong ipinanganak ako na may kakambal na kalasan dahil umulan.

"Bakit?!" T__T

Sa lakas ng ulan, sumilong ako sa isang apartment building at naupo nalang muna.

Paano ba 'to, basang-basa na ako.

Sinubukan kong kumatok para magbakasakali na makasilong at makapagbihis.

"Sino 'yan?"

"Pwede po ba'ng makisilong. Basang-basa po kasi ako wala akong matuluyan."

Hindi ito sumagot.

"Tao po?..please po...hindi po ako masamang tao."

Saka bumukas ang pintuan at...

"You?"

"IKAW?!" O__O

Anak ng peste nga naman oh...sa dami ba naman lord ng pwede kong malapitan, ito pang may sayad na 'to?!

"Never mind."

Isa-isa kong dinampot ang mga gamit ko.

"You look like a shit." Naka ngiwe pa sya na talagang nakakapikon.

"Nasaan ang lakas ng loob mo ngayon?"

Pangiinsulto pa nya saakin.

"Alam mo ang sama mo rin ano?..hindi na ako magtataka kung mag-isa ka lang. Sa sama ng ugali mo, kahit ipis hindi makikisama sayo!"

"You watch your mouth miss...remember how you lost your job for that."

"Hindi na ako natatakot sayo baliw. Wala ka nang makukuha saakin ngayon. Ito ba ang pinagmamalaki mo?..."

dinampot ko ang vase ng halaman nya sa labas at ihinagis ko yun sa malayo.

"Hoy!..you crazy bitch!"

"Ano?..ano'ng gagawin mo?..I dare you..you psycho.. Ni hindi mo nga maigalaw ang daliri ng paa mo!"

"Oo..pero kaya kong mag dial ng phone at tumawag sa police station." ^__-

.

.

.

.

Make Me AliveDove le storie prendono vita. Scoprilo ora