"Keep Calm And Be MEAN"

221 5 0
                                    


[Alyssa's POV]


I am Alyssa Faith Valdez, 22 years old and I'm a frustrated artist.

Why?..kasi gustong-gusto ko talaga ang arts kaso, hindi ako nagkaroon ng chance na pag-aralan yun. Kasi gusto ng mga magulang ko ay maging Therapist ako.

Hindi kasi sila naniniwala na may isang lugar din ang mga artist sa community. Isang espesyal na lugar.

Kahit pa gustuhin ko pa na maging isang animator, hindi ko narin yun magagawa. Baka kasi multuhin ako ng mga magulang ko eh. Nasa heaven na kasi sila ngayon.

Isang araw nasa hospital kami ng mga katrabaho ko at nasa balcony para mag relax.

"Uy girl, ayun yung gwapong lalaki na sinasabi ko sayo."

Ang sabi ni Perry. By the way he's gay.

Nang dumungaw ako sa balcony, nakita ko ang isang lalaking lumpo na papalabas na ng building.

"Struggle naman sya sa wheel chair."

"Oo nga eh." Habang pinapanood namin sya na nahihirapang tumawid ng kalsada, nagulat kami ng bigla itong matumba dahil hindi nito nakita ang isang step sa daan.

"Oh my gosh!"

Sabay pa kami ni Perry.

May mga tumulong naman dito na makabalik muli sa wheel chair.

"Lampa naman kasi."

Natawa ako sa sinabi ni Perry.

"Ano bayan...parang hindi naman tayo P.T. nito. Ang sama mo talaga."

Ang sabi ko kay Perry.

"Ito naman. Masama bang mag trip paminsan-minsan?"

"Hindi naman." XP

"Kilala mo ba yun Perry?" Tanong naman ni Alex sakanya.

"Hindi masyado. Basta lumitaw nalang yan dito last three Months. Naaksidente raw sa kotse kaya nagka ganun."

"Ahh..tragic naman pala." Ang sabi ni Alex.

"Alam mo ba ang name nya?"

Tanong ko naman.

"Nakalimutan ko eh. Hindi ko pa kasi sya naging pasyente."

Ang sagot ni Perry.

"Uy baka maging pasyente mo yun, ikaw ang reliever ni Maam Jen diba? Pasyente nya kasi yun."

Ang sabi ni Alex.

"Naku mukhang masungit."

"Correct ka dyan. Welcome to the city day. Ang susungit ng mga tao dito. Struggle pa ang living. Siguro kaya din sila masungit."

Ang sabi saakin ni Perry.

Ang totoo nyan kasi, kakaluwas ko lang dito. Mga kaibigan ko na sina Perry at Alex before kaso dito nila piniling mag work sa Manila. Nung mamatay ang parents ko kamakailan lang, pinilit nila akong pumunta narin dito.

Aaminin ko noong araw na nakita ko si Christopher na nahulog sa wheel chair, naawa ako.

Pero ano naman ba ang magagawa ng awa ko eh hindi naman kami magkakilala. Kaya kinalimutan ko nalang ang tungkol dun. Hanggang isang araw, nasa isang coffee shop ako at nagmamadaling makakuha ng coffee-to-go...

"Excuse me?..miss..wala bang pila?"

Nagulat ako nang makita ko sya. Kasi hindi ko talaga sya napansin 'no?

Make Me AliveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon