"Keep Calm And Stay"

135 4 0
                                    


[Alyssa's POV]


Okay..so, dahil sa despirado na nga ako, pumayag akong sumama kay Christopher at maging maid nya. Nakakainis, bakit ba kasi kung saka kailangan ko si Perry, wala naman sya dahil umuwi sa probinsya. Hmp!

Nang makapasok ako sa apartment nya...

"Kakalipat mo lang ba?"

Nakakahon pa kasi ang mga gamit nya.

"That's none of your business. Nasa second floor yung magiging kwarto mo. Pangalawang pinto sa kanan."

"Okay."

"By the way, habang nandoon ka pakilinisan doon sa taas. Obviously hindi ako makaakyat.

"Got it." O__O

Hmp...maaawa ba ako sakanya o sa sarili ko?

Una sa lahat, naligo ako. Namiss ko ang feeling na fresh ako. Grabe...saka, infairness ang lambot ng kama ko ha? Magkano kaya ang upa nya dito?

Matapos akong makapag-settle, bumaba na ako. Nasa kusina si Christopher at nagluluto.

"Hindi kapa pala kumakain...tutulungan na kita."

"Kaya ko na 'to."

Talaga lang ha?..trying hard kayang masyado.

"Ako na...kailangan mong magpahinga..."

Bigla nyang itinapon ang sandok at umalis.

"Hoy..." O__O

"Itigil mo na 'yan...ayoko nang kumain."

"Wow ha?..tigilan mo nga ako..ano ka nagsasayang ng pagkain?"

"Alam mo ba ang pinaka ayaw ko sa lahat?!...ang tinatrato ako na parang wala nang pwedeng gawin...na wala nang kwenta!..kaya ko naman diba?!"

Matapos ay umalis na sya at iniwan ako.

"Gusto ko lang namang tumulong...hindi naman ako naaawa sakanya...instinct kaya yun." ^__-

Nagluto parin ako at inihatid ko pa sakanyang kwarto ang pagkain. Nang pumasok ako, kapansin-pansin ang mga kalat na papel at mga drawings na nakadikit sa pader. May mga sketch, may digitalized, at meron ding hand painted.

"Artist ka pala?"

"Ano'ng ginagawa mo dito?" ^__-

"Dinalan ka ng foods."

"Hindi ako gutom at umalis ka dito."

"Dito sa room mo o sa bahay?"

"Just get the hell out!" O__O

Nakaka nerbyos talaga ang taong ito.

"Iiwan ko nalang 'to dito. Kapag nagutom kana kainin mo nalang...ciao!"

Inilagay ko ang pagkain sa isang lamesa sa side nya at lumabas ng kwarto.Ang gulo talaga ng bahay. Wala akong magawa kaya naglibot-libot muna ako. Nakita ko ang mga pictures nya noong hindi pa sya lumpo. Kapansin-pansin talaga ang malalaking ngiti sakanya.

"Ano kaya ang nangyari?"

Ang bitter nya naman. Kung sabagay artist kasi kaya grabe ang topak. Kung ano man ang pinagdaraanan nya, napag-uusapan naman diba?

Eh kung maglinis nalang kaya ako? Nakakabored kasi. Ang tahi-tahimik. Binuksan ko ang radyo at nag-sound trip habang naglilinis.

"Ano'ng ginagawa mo?"

Make Me AliveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon