Chapter 29.2 ♥ Ice cream

23 2 0
                                    

Anise Pov

Di ko mapigilan ang tuluyan mapasinghap nang unti-unting inilalapit nito ang labi sa labi ko napapikit nalang ako as if na kami lang ang tao sa lugar na yun. Sa una dampi lang ang ginagawa nyang paghalik sa akin. Napaungol ako nang maramdaman ko ang kamay nya sa leeg ko hinawakan nya ito para mapadiin ang ginagawang paghalik saakin.

Di ko  parin maibuka ang bibig ko dahil sa sobrang kaba at kabiglaan nangangatog  ang tuhod ko kaya naman tuluyan na akong napakapit sa leeg nya. Hmmp ang bango nya talaga tila nalalasing ako sa bawat dampi nang labi nya saakin. Hanggang sa namalayan ko nalang na ibinuka ko na ang sarili kong bibig para makapasok sya, Nakaita kong napangisi sya pero di ko na iyon pinansin ang mahalaga saakin ngayon ay ang kakaibang pakiramdam na ipinararamdam nya saakin.

Mas lalong lumalim ang paghalik nya ginagalugad nang dila nya ang bibig ko. Gustuhin ko man mapaungol di ko makagawa dahil hindi nya ako hinahayaan. God lahat ata nang tao ditto sa mall nakatingin na saamin baka bukas mabalitaan ko nalang na nasa t.v na itong paghahalikan naming. Dahil sa isiping iyon bigla akong natauhan at bahagya pa syang itinulak.

Di sya natinag alam ko naman sa lakas nya na yan di ko nga talaga sya maitutulak dagdagan pa na gusto ko naman ang ginagawa nya kahit pa nagbibigay ito nang kilabot sa bawat himaymay na aking katawan.

Dahil sa pagtulak ko mas lalo nya pang idiniin sa akin ang katawan nya lalo na ang nasa ibabang parte nang katawan nya. Kaya mas lalo akong kinilabutan lalo na nang ngumisi sya talagang anglalaking ito napakabastos. Nandito kami nyan sa mall paano nalang kung kaming dalawa lang. dahil sa isipin nay un bahagyan nag-init ang mukha ko alam kong ang pula na naman yun. Kahit magkalapat pa ang labi namin.

Wala ata syang balak na tigilan ako kaya ninamnam ko nalang ang bawat salakay nang kanyang dila na nagbibigay sa akin nang kakaibang epekto lalo na may bandang tyan ko ewan ko basta parang may kakaiba na di ko  rin maintindihan.

Oh my gosh ang sweet nila”

 

“Ang hot nung guy at ang gwapo grabe”

 

“Maka PDA  naman sila wagas tsk.”

 

“Ay JUSKO MGA BATANG ITO”

 

Dinig kong mga sinasabi nila napatigil ako sa dalawang taong huling nagsalita. Buong lakas ko syang itinulak. Napahinga ako ng malalim nasaan ba ang utak ko at biglang nawala kanina oh my andito kami sa mall at maraming nakakita di man lang ako nahiya. At ako talaga ang mas nahihiya dahil pumayag akong halikan nya nang ganun. Parang di ko kayang tignan ang mga taong nakapalibot saamin gosh kababaing kong tao tapos ganun ako.

Nagyuko ako nang paningin di ko kayang tingnan ang panghuhusga sa kanilang mata na nakatitig saakin. Nahihiya talaga ako tuwing iisipin ko yung palitan naming nang halik namumula ang pisngi ko.

Naramdaman ko nalang na nakahawak na sya sa kamay gamit ang isang kamay habang isa naman ginamit nya upang hawakan ang baba ko para itaas ito nang Makita nito nang buo ang mukha ko. Na sa tingin ko di ko kakayanin tumingin nang deretso sa kanyang mga mata.

My Brokenhearted HeartDonde viven las historias. Descúbrelo ahora