Chapter 32.1♥ Good bye

47 2 0
                                    

Anise pov

Buong  biyahe hindi kami nagkibuan  nagtaka pa ba ako ihh ganun naman talaga yan ah. Magpasalamat nalang ako kasi iniligtas nya ang buhay  ko kahit labag man ito sa kalooban nya. Tumingin ako sa labas, pero kaya ang ginagawa nya sa subdivision ni Xian?. Imposible naman na dun sya nakatira kasi ngayon sa  nakikita ko hindi ito ang Dinaanan namin ni Xian ng papunta kami sa bahay nila. 

Pagkarating ko sa bahay nandun si mom. Talagang hinintay ata ako na makauwi bago pumasok sa loob. Napatingin sya saakin nang makita na buhat buhat ako. Dumako ang tingin nya sa paa ko. "Anong nangyari Anise?" Sigaw nang nanay ko. Mukang nakakain na naman si mama nang isang daang microphone.

Napailing ako. Tiningala ko si Drei na bakas sa mukha ang pagkainip. Nakatingin sya kay mom. "Ma excuse me"  Sigaw ko mukhang natulala kasi si mama hay naku. Mabilis naman nitong niluwangan ang bukas ng pinto saka kasunod namin na pumasok.

"Ahhm Mom si Drei nga po pala"  Saka marahan nya akong nilapag. Ngumiti ito sa mama ko. "I really have to go mom" Sabi nito saka tumalikod na saakin. Hmmp sungit ni hindi man lang nagpaalam saakin tapos kay mom wagas kong makangiti.

Tiningnan ko si mom nakita ko na nakatitig parin sya saakin.  "Anak sino yun?" Galit nitong saad. Hala mukhang galit si mommy kasi naman ehh kahapon pa ako wala sa bahay tapos. Tapos may iba pang naghatid saakin.

"Sorry di ako nakauwi kagabi" Nakayuko kong saad. "Ang tanong ko sino ang naghatid sayo" Tanong ulit nito. Hala mukhang galit na talaga si mama ngayon ko lang sya nakitang ganyan.

"Si Drei po mom" Mahina kung sagot baka galit sya kasi ibang lalaki na naman ang kasama ko. "Talaga" Sagot nito. Tumingala akong nakakunot-noo. "Bakit mom?" Tanong ko.

"Kasi ang gwapo at ang Hot nya kasing hot ng pangalan nya" Kinikilig na turan nito. Napapokerface ako. Akala ko galit dahil nagdala ako nang lalaki dito pero yun pala sya pa ang unang kikiligin. Seriously Feeling Teenager lang si mom.

"Oh bakit ganyan ka makatingin. Oo ang gwapo nya diba ?" Nakataas ang kilay nito. Nalaglag ang panga akala ko pagagalutan na ako pero saaabihin lang pala na ang gwapo ni Drei.

"Mom! Tigilan nyo na nga yan para kayong bata" Inis kong sigaw sakanya. Ay putcha nagpout lang ang magaling kong nanay. "Ikaw naman anak minsan lang ako maatract sa mga gwapo. Teka nga Boyfriend mo ba yun?" Tanong nito.

Di pa ako nakakasagot nagsalita ulit ito. "Aba anak masyado ka namang maganda para magkaboyfriend bg tatlong hot na pogi, Eh alam ko naman na mas maganda ako sayo" Sabi nito saka tumawa ng malakas.

Napapoker face ako kay mama seriously mas maganda sya saakin."Bakit anak may angal ka?" Tanong nito. Oo nalang mom. "Nga pala anak anong nangyari sa paa mo?"Sabi nito sabay tingin dun. Seriously ngayon nya lang napansin ang paa ko. Napailing ako. Kanina di nya man lang ito napansin.

Yumuko ito at sinipat ang paa ko. "Ano bang nangyari huh!" Tanong nito saka sinusuri ang paa ko. Hinawakan nito yun kaya napaiktad ako sa sakit.

My Brokenhearted HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon