Chapter 24 ♥ House

36 5 0
                                    

ANISE POV 

Diba talaga sya magsasalita? kilitiin ko kaya? Wag na baka maglabas pa yan ng apoy nagmumukhang dragon pa naman yan pag nagagalit.

Tiningnan ko sya ulit seryoso parin sya,San ba talaga kami pupunta. "Do you like what you see?" Masungit nitong Tanong. Iniripan ko nga  sya. "Akala mo naman ang yabang mo. Akin na nga yung phone ko" Sabi ko dito. 

Tiningnan nya lang ako ulit saka nagpatuloy sa pagdadrive. Hay ewan ko di ko makausap ng matino ang isang ito. Di nya talaga ibibigay.

"OUCH Ano ba bakit mo ako pinalo?" Halos mabingi ata ako sa sigaw nito parang nasa magkabilang kalsada lang kami ah. Eh magkatabi nga lang kami sa sasakyan. Di kaya mabingi ako sa taong ito wala nang ginawa kundi sigawan ako.

Pinanlakihan ko sya ng mata "Ang phone ko ibalik mo sa AKIN" Pinakadiinan ko ang akin ang kapal ng mukha basta nalang kukunin ang phone ko ihh kausap ko pa naman si James.

"SHUT PWEDI BA ANG INGAY MO TUMAHIMIK KA NGA BAWAL DITO SA SASAKYAN KO ANG CELPHONE, IS THAT CLEAR?" Sigaw ulit nito. Ala sa akin pa galit ano naman masama kung gumamit ako ng phone, At kulang nalang makalabas ako sa bintana ng kotse nya kung makasigaw.

Inirapan ko nalang sya, Kahit man lang text hindi ko na magagawa, Kasi ang lalaking ito wala nang ginawa akala ko pa naman bumait na yun pala... Hay.

Tumingin nalang ako sa labas ng bintana, Napansin kung malayo na kami maraming mga building na  ang madadaanan namin. San ba kami pupunta?. Ayoko nalang magtanong baka mamaya sumigaw na naman yan.

Naalala ko ang nangyari kanina wala na bang gagawin ang mga babaing yun kundi ang guluhin ako? haist kakainis. Di ko na namalayan na  inaantok na ako. 

Nagising ako nang may parang.... Humihila sa akin?, Kahit tulog ako napakunot-noo ako sino naman ang manghihila sa akin nang tulog. "Hoy gumising ka na nga "Dinig kung sigaw na kung sino, Sino ba yun?.

"HOY" Sabi pa nito sabay tapik sa akin. Antok na antok pa rin ako ni ayoko ngang imulat ang mata ko, Hayaan ko nalang muna sya dyan titigil din yan.

Zzzzzzzzzz 

Nagising ako dahil sa ingay na likha nang pagsara ng pinto na sasakyan. Tuluyan na akong napadilat, luminga-linga ako nasaan ba ako?, ano ang ginagawa ko dito? tanong ko sa sarili ko. Naputol ang pag-iisip ko nang binuksan nya ulit ang pinto ng sasakyan.

"Ano ba titingnan mo nalang ba ako, Follow me tsk" Masungit nitong saad.

Napailing ako, oo nga pala kanina basta nya nalang ako isinakay sa kanyang kotse tapos  nakatulog ako, Akala ko nga kanina nasa bahay ako ihh.Di ibig sabihin sya ang nanghihila sa akin kanina?.

Lumabas nalang ako. Di man lang ako pinagbuksan ng pinto napaka ungentleman talaga hmmp. "Ano ba bilisan mo nga" Sigaw pa nito saka naglakad na ulit. Tiningnan ko sya ng masama grabe makapag-utos.

Naglakad na ako papunta sa kanya may pagka abnormal ang lalaking ito ihh.

My Brokenhearted HeartKde žijí příběhy. Začni objevovat