Chapter 26

615 27 0
                                    

I am not mistaking. Alam kong si Enzo iyon. Mula sa kanyang pangangatawan, sa tangkad, at sa kanyang dating. I memorize all of him.

Napaluhod na lamang ako matapos ang aking pagtakbo at pag sigaw ng kanyang pangalan, kahit ni isang sulyap ay hindi niya nagawa.

I'm in the middle of the parking lot, sadly walking, dismayed and crying. Hindi ko na muli siya nasulyapan.

Kung intensiyon niyang makita ako, bakit hindi man lang niya ako sinulyapan? Bakit niya ako iniiwasan kong sakali? Dahil ba iniwan ko siya?

Hindi ko lubos maisip na kaya niya akong hindi lingunin, kahit pa halos maubos ang boses ko kakasigaw sa kanyang pangalan.

Maybe this is the sign, sign to move on.

Is it right to move on this early?

Ang sakit sa dibdib dahil bumalik muli ang lahat ng ala alang sinapit ko, mula ng isuko ko sa kanya ang lahat. Lahat ay naging komplekado.

Luhaan akong umuwi, bitbit ko ang aking mga pinamiling mga gamit.

Binuksan ko ang bahay ni Lola Leti, binigyan niya ako ng susi para nakapasok ako sa kahit anong oras ko gusto.

I'm still lucky to have her, but I can't just chill, nga mga tao parin na handa akong saktan kahit na buo na ang tiwala mo.

Tama ba na pagisipan ko ang matanda ng ganon? She helped me when I need help.

Isinarado ko kaagad ang pintuan. At dumiretso sa kwarto upang ayusin ang mga gamit na pinamili.

Pagod ang aking buong katawan, gusto ko mang humilata buong araw ay alam kong hindi iyon tama, kailangan kong kumilos dahil nakikitira lamang ako.

Sa ilang minuto kong pagaayos ay napagdisisyunan kong maghanap ng maaring gagawin.

Agad akong lumabas ng kwarto upang halughugin ang bahay. Sa aking paglilibot ay wala akong nakitang mga dapat ayusin. Meron man ngunit mga bagay siguro iyon na hindi talaga dapat galawin.

I walked on the windows and I noticed that the sun is slowly setting. I smiled and sighed, inilibot ko ang aking mata sa mga dilaw at kahel na mga ulap. I really love sunset.

The sunset makes my day complete kahit pa gaano kasalimuot ang buong araw. Ngunit papaano kung ang dapit-hapon ang naging saksi sa paparating na unos? Ang gabi? Makukumpleto parin ba ang araw ko?

Sa aking pagmamasid ay nakita ko ang mga halaman sa hardin ni Lola. Nga mga tuyo at mga lanta.

It gives me an idea, maaari ko itong buhayin at alagaan, para mamulaklak at tumubo.

Agad akong bumaba at naghanap ng gripo.

Madaming samot saring halaman sa nakatatim, ang mga halaman ay lanta at parang babawian na ng buhay.

I saw a faucet and a long hose. I opened it and I watered the plant.

Napaka gandang pagmasdan ang mga halaman, may mga pag asa parin sila kahit na anong problema ang dumating. Ganoon din kaya ako? Malalagpasan ko din kaya ang mga pasanin na nakadagan sa akin? Sana nga.

Sa aking pagdidilig ay naalala ko ang isang bagay na kailangan kong gawin. Ang pagluluto, I need to learn how to cook.

Mabilis kong tinapos ang pagdidilig dahil malapit na ngang dumilim.

Agad akong nagtungo sa kusina para ihanda ang lulutuin.

Una kong iniluto ang kanin. Buti at marunong akong magluto kahit papaano.

Inihanda ko rin ang lulutuing ulam, it's a Filipino dish called tinola. Madali lang siyang lutuin, I don't know if Lola will love it.

Mabilis akong nakapagluto, sa una ay naging mahirap dahil matagal nadin akong hindi nakapag luto ng ganito. Maganda rin ito lalo na at magisa na lamang ako.

After The TruthWhere stories live. Discover now