Chapter 1 - He's Thoughts

242 155 79
                                    

ASHER

"NAKABIHIS KA na ba, anak?" Narinig ko ang boses ni Mommy pero di ko ito pinansin.

Papunta kasi kami ngayon sa hospital. Nalaman ko kasing mayroon akong Fatal Familial Insomnia. Hirap ako sa pagtulog, at nakakasama na ito sa akin.

Kapag pumapasok ako ng School, para akong lantang gulay dahil sa hindi pagtulog. Nawawalan na rin ako ng lakas para mag lakad at gumawa ng kung ano anong projects at home works.

"Asher, hijo, mag ayos ka na ng gamit dahil pupunta na tayo sa Hospital." Sabi ni Mommy nang makita niya akong di pa nag eempake.

"Do I have to?" Malamig na tanong ko.

"Kung iyon ang dapat para gumaling ka, Yes, anak. You have to." Lumapit Ito sa akin at yinakap ako. "Bibisitahin ka namin ng Tito Calvin mo. Promise."

Nang marinig ko ang pangalan ni Tito Calvin ay parang mas lalo akong nainis. Naiinis ako kahit 'di naman dapat. Naiinis ako dahil pakiramdam ko kaya siya nandito ay para palitan ang Daddy ko.

"Kahit 'wag na Mom," Tinanggal ko ang kamay niya sa akin. "I can manage to be on my one. No need to bother."

Nagsimula na akong mag lagay ng mga gamit sa bag ko, which I find it weird, dahil para akong nag rent ng Condo pero sa Hospital ang Location.

Naging lutang ako hanggang sa makapunta kami ng hospital. Abala sina Mommy sa pag asikaso sa mga papers at documents para sa pag stay ko rito sa hospital.

Magpapa-check up rin ako mamaya pero dahil sa sobrang bagot ko kakahintay ay naglakad lakad muna ako.

Namamangha ako sa laki at luwang ng hospital na ito. Pero ang pagkamangha ko ay nawala nang maalala ko ang dahilan kung bakit ako nandito.

I was busy adverting my gaze on every corner of the Floor but then I felt someone bumped into me. Agad na nag init ang ulo ko pero nawala ito nang bumaling ako sa kaniya.

Nakaupo ang isang maputing babae sa sahig na halatang bumangga sa likod ko. Nahulog ang bonnet nito sa sahig dahilan para makita ang kalbo nitong ulo.

I was about to shout at her but instead I ended up laughing at her. Not because she's Bald, but because of her stupidity. Siguro Sa sobrang saya niya kakatakbo ay di na niya nakita na meron ako sa harap niya.

Natigilan ito at agad na napahagulgol. Agad akong natigilan because of her sudden weep. Tumayo ito at agad na tumakbo paitaas.

I watched her ran hanggang sa 'di ko na siya makita. Napailing ako at akmang susunod na sana ako nang may matapakan akong tela. It was her bonnet.

Kinuha ko ito at linagay sa bulsa ng hoodie ko bago ako sumunod sa linakaran 'nung babae.

Nang makapunta ako sa itaas ay nagulat akong rooftop na pala Ito. Binuksan ko ang pintuan at tinignan ang babaeng umiiyak.

Napatingin Ito sa akin pero pasiring na nag iwas ng tingin. Tumayo Ito at akmang bubuksan ang pintuan ng magsalita ako.

"Sorry," I said.

Pero nang humarap ito sa akin ay muntikan na akong natawa muli. I was about to burst into laughter when I saw her face. She looks silly because of crying.

"Sorry? Kainin mo iyang sorry mo!" She shouted as she opened the door. Pumasok na Ito sa loob ng hospital leaving me alone at the rooftop.

I stayed for a few more minutes on the rooftop bago ko naisipang pumasok na rin sa loob ng Hospital. Baka nag aalala na rin Si Mommy.

4 Words To Say Goodbye  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon