Chapter 4 - Our Tables Are Now Turned

114 82 46
                                    

ASHER

CHESKA STAYED quiet after what I told her and I did the same. Nagulat parin siya sa sinabi ko while I stared at her blankly, giving her hints that I'm serious.

"Seryoso ka talaga?" Gulat niyang tanong. I nodded. She looked at me intently and said, "I hope you mean those things, Asher."

"I mean it," I seriously said.

"Okay," She bit her lower lip and looked around the roof. "You know what? This spot is my favorite. It has witnessed everything that happened to my life. Dito ako umiiyak, dito ang takbuhan ko tuwing iniisip kong mag isa na lang ako at dito lang ako nagkakaroon ng peace of mind." She stated.

"Is staying here, that bad?" I asked.

"Hmm... Let's just say, half yes, half no." She answered. "Half yes, dahil dito ka matututong lumaban and Half no, dahil dito ka rin pwedeng mawala." She sighed.

"Tragic" I commented.

"Yeah," She agreed. "How about you? Napansin kong hindi ka man lang dinadalaw ng mga magulang mo. I'm curious about you, Asher." Napangisi ako sa sinabi niya.

"My dad died two years ago. And my mom? I consider her dead when she got a new husband named Calvin. I think pabor pa siya na manatili ako dito sa hospital para masolo si Calvin." Umirap ako sa kawalan.

"Why?"

"Anong 'why'?" Napatingin ako sa kaniya nang nakakunot noo.

"Why won't you let your mom find her happiness? Why won't you let her be? Everyone deserves to be happy, so is she." She told me.

"Exactly! Everyone deserves to be happy and so do I. Hindi ba pwedeng maka move on muna ako sa pagkamatay ni Dad bago siya kumuha ng kapalit niya?" I argued.

"May point ka," She softly chuckled. "Pero, Asher, Hindi naman porket hindi ka pa naka move on hindi mo na papayagang sumaya ang mama mo." Sabi niya sa akin.

Napabuntong hininga na lamang ako hindi na lamang nag salita. After a moment of silence, nakatanga lang ako sa kawalan nang biglang tumayo sa Cheska at nag sisigaw ng kaniyang kabaliwan.

"Asher! Ang pangit pangit mo!!!" Sigaw pa niya. Nagulat ako at sa takot na may makarinig sa amin ay agad rin kong napatayo at tinakpan ang bunganga niya.

"What the fuck?!" Gulat at inis kong singhal sa kaniya.

"Tanggalin mo nga kamay mo sa bunganga ko." Kinagat niya ang kamay ko kaya tinanggal ko ito sa bunganga niya. "Si Asher ang pinaka bobong tao na nakilala ko!" Tumatawang sigaw niya at tumakbo.

"Nababaliw ka na ba?!" I yelled at her.

"No!" She laughed. "Come on! You need to loosen up a bit."

Hindi ko siya pinansin at lalayo na sana nang hawakan niya ang braso ko at hinarap sa kaniya. Napatigil a ko sa ginawa niyang iyon kaya gulat ko siyang tinignan.

"Para makatulog, kailangan mapagod ka. Iyong tipong magpapawis ka para mamaya masarap tulog mo." She poked my nose. But then stopped when she realized something. "That sounds bad," She pouted but then she laughed.

Bigla siyang tumakbo paikot ng rooftop at tsaka ito humarap sa akin. Nababaliw na itong babaeng to.

"Anong ginagawa mo?" Nagtaas ako ng kilay.

"Tara, habulan tayo." Humagikhik siya. "Taya!" Parang batang sabi niya tsaka ito tumakbo. "Huwag ka nang KJ! Halika na!" Sigaw niya pa.

"Ayoko! Ano ako bata?!"

4 Words To Say Goodbye  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon