Chapter 1

132 2 0
                                    

"Hey Clev!" a woman shouted.

I turned my head and looked at her.

She has long black hair with curls at the end, expressive brown eyes and, a fair complexion. An epitome of beauty to be short.

She walked gracefully towards me. Ngunit maya't maya ay napapahinto rin dahil sa dami ng mga bumabati sa kanya. Ilang layo lamang ang pagitan namin ngunit pakiramdam ko ito ay isang kilometro.

Sa tuwing may makakasalubong siya ay nginingitian niya ito kakilala man o hindi. She was like a walking sunshine to everyone. I wish I could too.

"Patingin ng sched mo," she beamed.

Binigay ko sa kanya ang papel na kanina ko pa hawak. Dali-dali niya itong kinuha at pinagkumpara agad sa schedule niya.

The enrollment in Everie Academy started two days ago, ngunit ngayon lang kami pumunta dahil alam naming dagsaan ang mga estudyante sa unang dalawang araw. Pero sa hindi malamang dahilan ay marami pa rin ang nagpapaenroll sa iba't-ibang department sa school na 'to hanggang ngayon.

Ang ingay ng paligid ay dahil sa kwentuhan ng mga kaibigang ngayon lang nagkita muli, at ang kasiyahang malaman na magkaklase sila sa kaniya-kaniyang mga kaibigan. Mayroon din namang mga estudyanteng napipilitan lang mag-enroll at mga estudyanteng walang pakialam.

Mahaba-haba na ang pila at mabuti na lang inagahan namin ang pagpunta kung hindi baka hindi pa kami tapos sa mga ganitong oras.

Malapit ng maghapon pero patuloy pa rin ang kumpulan ng mga estudyante. Ang iba pa nga sa kanila ay nagmamadali para hindi maabutan ng cut off time at hindi nila alam na may nabubunggo na sila, which is isa ako don.

I really hate crowded places pero wala akong magagawa dahil paaralan 'to. Ang pangit naman kung papaalisin ko sila dahil lang ayaw ko sa ideyang 'crowded'.

I'm not that rude.

Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako kinukulit ng katabi ko dahil busy ako sa pagmamasid sa paligid. 

"Yay! Magkaklase tayo sa halos lahat ng subjects," tili niya habang nakangiti ng malawak.

"Yeah right, "I replied nonchalantly.

Biglang tumunog ang cellphone niya at sinagot muna niya ang tawag. Hinayaan ko siya at nagpatuloy sa pagtingin-tingin sa paligid.

Wala ako ni isang kakilala rito bukod sa kanya. Bago rin sa paningin ko ang facility pati ang environment. Mas malawak din 'to kesa sa Schwazzer University na siyang dati kong paaralan.

From where I stand, I saw a garden with a variety of flowers and plants which is obviously been taken care of. Its gate has an arch with Viney white flowers.

A paradise.

No doubt, standby ako riyan kapag nagsimula na ang klase.

"Clev, lets go na."

I turned in her direction and followed her.

Muli kaming naglakad habang nakakawit ang braso niya sa akin. Ang daming mata ang tumitingin sa amin, nagtataka kung sino ako. Ngunit ang lahat ng yon ay ipinagsawalang bahala ko.

Hindi ako nandito para sa kanila. Nandito ako para sa mas malalim na dahilan.

"Sa cafeteria muna tayo. I kinda feel hungry," aniya sabay nguso.

Hindi na ako nakaangal dahil hindi pa ako nakakasagot ay hinihila na niya ako.

Desisyon siya eh.

Bago makarating sa cafeteria ay nadaanan pa namin ang field at ang dalawang building na konektado. Masakit sa balat ang sinag ng araw at hindi ako natutuwa dahil don.

Always been you, not meDonde viven las historias. Descúbrelo ahora