BEAU's POV
Ilang buwan na ang lumipas simula nung maghiwalay kami at umalis sya.
Madaming nagbago simula nung umalis sya. Lahat ng kaibigan namin ay apektado dahil sa hiwalayan namin.
Yua and Lia fought, and that never happened before. Kahit kailan ay hindi sila nagka-pisikalan. I didn't know what's the reason and I don't wanna know because I'm too busy fixing myself.
I've been fixing myself and moving on for months now but I still can't forget her.
Nasa sistema ko pa din sya, palagi ko syang naiisip. Miss na miss ko na sya at higit sa lahat, mahal na mahal ko pa din sya. Ang hirap-hirap nyang kalimutan, ang hirap hirap nyang hindi isipin.
Ang daming nagbago sa akin sa mga nakaraang buwan. Parang hindi ko na maalala kung sino ako bago siya umalis.
I've been avoiding people. I'm not as expressive as before.
I spend all of my time on my studies.
I always keep myself busy to forget her.
I always keep my distance from our friends, nagkakasama lang siguro kami every lunch.
Nag-away na sila Lia at Yua at alam ko na dahil yun sa mga nangyari sa amin ni Brian at ayaw ko ng masundan pa yun.
Umiiwas din ako dahil tatlong buwan na lang mahigit ay ga-graduate na ako ng high school at ayaw kong gumawa na naman ng kagaguhan ngayon dahil alam ko na wala akong mapapala.
Matapos ang klase ko ay maaga akong umuwi dahil may dinner kami sa bahay mamaya, inimbitahan kasi ni Mommy na mag dinner sa bahay ang parents ni Haley-Noona, my brother's girlfriend.
Pag-dating ko sa bahay ay naabutan ko si Mommy na naghahanda na para sa dinner, wala pa si Dad dahil pauwi pa lang daw, si Hyung naman ay nasa hospital pa pero patapos na ang duty nya at dederetso na sya kila Haley-Noona para sunduin sya.
Umakyat na ako papunta sa kwarto ko para maligo at mag-bihis na para sa dinner, hindi naman formal dinner pero mas okay pa din na presentable ako, nakakahiya naman.
Isang beses ko pa lang nakikilala ang parents ni Haley-Noona, inimbitahan nya kasi kami nung birthday nya, ipinakilala nya kami sa parents nya at ipinakilala din naman kami ni Hyung, matapos nun ay naging malapit nang magkaibigan ang mga magulang namin.
Parang naging sign nga yun na si Haley-Noona na talaga ang para kay Hyung, hindi pa naman kasi nagdadala ng babae si Kuya dito sa bahay at mas lalong wala syang ipinakilala na babae kila Mom and Dad pwera na lang kay Haley-Noona.
Matapos akong mag-gayak ay bumaba na ako para tumulong kay Mommy at parang bonding na din naming dalawa.
Hindi na kasi kami masyadong nakaka pag bonding ni Mommy dahil sobrang busy ko sa pagaaral at pag-re-review para sa exams namin, dalawang linggo na lang kasi ang meron ako para mag review.
"Hi Mom" bati ko ng makapasok ako sa kusina.
Agad naman nya akong nilingon.
"Hi baby" nakangiting bati nya sa akin.
Lumapit ako sa stove kung nasaan sya atsaka ko tinignan ang niluluto nya at agad naman akong natakam, amoy at itsura pa lang kasi ay alam kong masarap na.
Sinubukan kong tumulong sa kanya pero wala talaga akong hilig sa pagluluto kaya naman sa huli ay naupo na lang ako habang pinapanood ko si Mommy na mag-luto.
Ilang minuto ang lumipas ay na-bored na ako sa kakapanood kay Mommy kaya naman nag-cellphone na lang ako, nag-laro ako at ng magsawa ako ay wala sa sariling binuksan ko ang photo library ko.
YOU ARE READING
Into You | F5 Series #1
RandomINTO YOU by cutenixA A Tagalog-English story. Beau a.k.a the bully. Students in their school are scared of him because of his reputation of being a bully. If he doesn't like someone or if someone pisses him off they better leave the school or he wi...
