CHAPTER 3

2 1 0
                                    

Chapter 3:
Where I am?

Nagising ako nang maramdaman kong may nakatitig sa 'kin. Hindi nga ako nagkakamali dahil may nakatitig nga sa akin.

"Ahh!!!" Tili lang ako ng tili at isiniksik ko ang sarili ko sa gilid ng kama at binalot ko ang katawan ko sa comforter.

"Noisy, Noisy, she's so noisy." Lalo pa kong tumili nang marinig ko na nakakapagsalita sya.

Paikot ikot sya dito sa loob ng malaking kwarto na 'to at nagsasabi ng 'Noisy'.

Nang bumukas ang pintuan ay tumigil ako sa kakatili at mabilis akong tumakbo sa likod ng kung sino mang tao na pumasok dito.

"You can stop now, Sofia." malamig nyang sabi.

S-sofia? May pangalan ang robot na 'yon? At saka kelan pa nagkaroon ng robot dito sa Pilipinas?

Nasa likod nya pa rin ako at nakahawak sa laylayan ng kanyang damit.

Tumikhim sya kaya napabitaw ako sa pagkakahawak sa damit nya. Hindi tumagal ay humarap sya sa 'kin.

Nangunot ang noo ko nang matandaan ko na sya ang lalaking may hawak ng malaking kahoy at sya rin ang pumatay sa taong 'yon.

Umatras ako at may nahawakan akong isang bagay at natagpuan ko na lang ang aking sarili na nahulog.

Tumingala ako at nakita ko sya na nakatingin sa 'kin mula sa itaas at walang bakas na ni isang emosyon ang kanyang mukha.

Ni hindi nga sya nagulat, eh.

"There's a way to get out there." Napatanga ako sa kanya nang lumalabas sya sa pinto. Hindi nya manlang ako tinulungan.

Ang sama ng ugali!

Gumapang ako at nakita ko nga na may maliit na pinto. Mahirap na at baka may mahawakan na naman ako at saan na naman ako mapunta.

Hindi nagtagal ay nakabalik ako sa kwarto kung saan ako nagkaroon ng malay.

Inilibot ko ang aking paningin. Wala na ang Sofia na robot. Malaki ang kwarto, madami pang mga space, isang king size bed at ang nasa tabi nito ay isang maliit na cabinet at nakalagay sa itaas non ay isang puting lampshade.

Ang nasa harap naman ng kama ay isang mahabang lamesa at
mga computer.

Lumapit ako sa mahabang lamesa na 'yon at pinagmasdan ang mga computers na nandoon. Ganito na ba ka-hightect ang teknolohiya? Or he is a secret agent?!

Napailing iling na lang ako dahil sa naisip ko. But wait, it's not possible for him to be a secret agent dahil una nung may nahawakan akong bagay ay bigla na lang akong nahulog tapos ang nasa ilalim non ay puno ng mga gamit. Tapos this computers na nakikita ko lang sa TV na ginagamit ng mga secret agent ay ngayon nasa harapan ko na.

Inilibot ko ulit ang paningin ko. May isang malaking bintana na hula ko ay veranda at natatakpan ang bintanang 'yon ng malaking kulay puti rin na kurtina.

Bakit parang halos lahat ng mga gamit at miski pintura ay puro white ang makikita mo?

What if nasa langit pala ako?

O.M.G. It couldn't be. Gusto ko pang mabuhay at may hahanapin pa akong tao na gustong gusto kong makita para pasalamatan.

Mabilis akong lumabas sa pinto at hinanap ang lalaking 'yon. Nakita ko sya na nasa kusina at umiinom ng isang beer in can kaya doon ako dumiretso.

Tumikhim muna ako bago magsalita, "May I know how many hours I slept in this house?" Nasa likod nya 'ko at patuloy lang sya sa pag inom.

"You fainted. 20 mins," tipid nyang sabi.

A Man In My DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon