CHAPTER 7

1 1 0
                                    

Chapter 7:
Explanation

"Didn't I tell you that you shouldn't be going outside?"

Matalim nya akong tinignan at kulang na lang ay mag apoy sya sa galit habang papasok sa mansion nya.

We're here at his house at para akong bata na pinauwi ng aking tatay dahil umalis ako ng walang paalam.

Pumasok ako na nakatungo.
Kung hindi ba naman ako baliw, eh. I know he told me na h'wag akong lumabas dito sa bahay na 'to pero hindi ako nakinig and infact nagsaya pa ako at muntik ng mamatay.

"You don't know how dangerous that place is," Tinagilid nya ang ulo nya at niluwagan ang necktie ng kanyang suot na puting polo.

"That's the reason kung bakit ako lumabas at sinundan ka."

"For what?" Tumaas ang isang kilay nya at mabilis din na bumaba.

"I think I will be going crazy to this place," mahina kong sagot.

"Do you even think na gusto kong lumabas ng ganitong oras? It's a freaking midnight. 2:00 in the midnight and here I am roaming around to see where the hell I am." Tumaas ang gilid ng labi ko at pinilit na kumalma.

Nakatingin lang sya sa 'kin. Hindi mabasa kung ano ang nasa isip nya.

"Answer me. Bakit delikado ang lugar na 'to? Oh, let me rephrase
what is this place? Where I am? Bakit ako nandito? and what's going on?" sunod sunod kong tanong.

"You're in DreamLand where we can visit people like you in your dream," malumanay nyang sagot.

Nakita ko ang maldita nyang robot at nang makita nya kami ng amo nya na nagbabangayan ay bigla syang tumalikod at lumayo sa amin.

Nasa gitna kami ng salas at nagsisigawan kanina. Natakot kaya yung robot na 'yon?

"Wait...what?" kunot noong tanong ko. Don't tell me nababaliw na talaga ako?

"You heard me clearly."

Ilang minuto akong natahimik at pinapasok sa utak ko ang sinabi nya."So if I'm in the world of dreams and I'm just like a normal person then what the hell I am doing here?" Bumaling ako sa kanya.

I saw him na nakaupo na sa sofa at nakapikit ang kanyang mga mata.

"I don't even know," mahina nyang sabi sapat na para marinig ko.

"So that's why it's dangerous here?" Lumapit ako sa kanya.

Nakatayo na ako sa harapan nya at hinihintay ang sagot sa katanungan ko.

"Yeah," bored nyang sagot.

"How?"

"Did you see the robots?" I nod. "All of them is being manipulated by the princess."

"Then, paano mo naampon ang maldita mong robot? Este si S-sofia?" takhang tanong ko.

"I created her." Nanlaki ang mata ko.

"You did what?" Pagak akong tumawa. "You're just kidding me."
Tumigil ako sa pagtawa nang makita ko syang tumayo na.

"No, I'm not." Dumiretso sya sa kanyang kwarto pero sinundan ko sya kaso huli na dahil nasara nya na ang pinto at hindi ko alam kung paano ito buksan.

"Hey," marahan kong katok sa pinto.

"I'm sorry and thank you for saving me again." Naupo ako sa sahig at nakasandal sa pintuan nya. Umaasa na bubuksan nya ang pinto.

I want to thank him and at the same time humingi ng tawad dahil sa inasta ko kahit na alam kong mali ang ginawa ko.

Ilang minuto akong nakaupo at nakasandal sa pintuan nya nang makarinig ako nang pag-strum ng gitara.

Tumayo ako at pumunta sa kusina. Nagpapalamig yata sya ng ulo para h'wag nyang pasabugin ang ulo ko.

Nangealam ako ng mga gamit nya na nandito at nagsimula nang magluto.

After a while, I finished cooking our breakfast. Adobo. Iinitin ko na lang ulit 'to mamaya. It's already 2:30 at malapit ng mag 3:00 AM.

Inayos ko naman ang oven. Ilang minuto din ako nagtagal para lang mabuksan ko ang oven nya. Sa sobrang high-tech hindi ko alam kahit manlang buksan.

Wala kasi sa bundok.

I prepare the flour, bowl, whisk, and other stuffs for making a cupcake at gumawa na after that, isinalang ko na sa oven.

Hindi ko alam kung paano mag sorry at magpasalamat sa kanya at ito lang ang pwede kong magawa. Ang magluto. Baka kasi hindi sya nakakakain ng totoong pagkain kasi mga robots pala ang tao na nandito at malamang sa malamang hindi sila nagluluto.
Ano kaya kinakain nila?

But, wait, if this is a world that full of dream then ano ang ginagawa ko rito? At paano ako makakalabas sa lugar na ito?

I remembered na pumasok ako sa isa sa mga kwarto sa bahay ni lola at tumalon sa bintana and then instant na ako na nandito at muntik ng humandusay sa gubat.

That's the way kung paano ako nakakapasok dito. How about the exit? Ilang minuto kong inisip kung paano ako nakalabas dito.

Oh! Nung unang punta ko rito ay muntikan na kkong mabaril ng isang robot na matandang lalaki
but Mr. Ferrer save me.
Hindi ko pa pala alam first name nya pero inaway ko agad sya.

Hindi na ko magugulat kapag pinatalsik nya ako dito sa bahay nyang mala mansion sa laki.
Then, nagising na lang ako na nandito sa bahay nya at doon na nagsimula ang mga kahihiyan na ginawa ko na akala ko ay isang panaginip lamang.

Napatalon ako sa gulat. That's right! Panaginip! Isang panaginip lang ang lahat ng nangyayari rito sa mundong ito kapag nasa totoong mundo na ako. Tapos kapag naman nakakapasok ulit ako sa mundong ito ay saka ko naaalala ang lahat at hindi isang panaginip ang nangyari sa 'kin dito sa mundong ito.

Kung isang panaginip ang nangyayari kapag nakalabas na ko dito at ito ay lugar ng mga panaginip ay hindi malabong sa pamamagitan ng pagtulog ako nakakalabas sa mundong 'to.

That's right! I will try it if gagana nga ang theory ko kung paano ako pwedeng makalabas dito.
Tinagilid ko ang ulo ko nang makaamoy ako ng parang may nasusunog. Then realization hits me.

Ang cupcake ang nasusunog!

Dali dali akong lumapit sa oven at tinanggal ang saksak at mabilis kong binuksan pero parang nag apoy ang mga daliri ko sa init at naglabasan ang mga maiitim na usok tanda na nasunog talaga ang cupcake at wala ng pag asa na makakain pa ito.

Isinantabi ko muna ang mga usok na dumapo sa mukha ko at ang kamay ko na nag aapoy sa init.

Mabilis kong tinanggal ang laman ng oven. Ang cupcakes. At isinalpak sa gilid ng lababo.

Inuubo ako habang pinagmamasdan ang gawa kong cupcakes.

Sayang naman.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang papalapit ng isang lalaki kaya mabilis akong humarang sa sunog na cupcakes and I even spread my arms para matakpan din ang oven na umuusok.

Ilang na ngumiti ako sa kanya nang parang walang nangyari sa kusina nya.

Wala naman talagang nangyari at muntikan ko lang naman masunog ang kusina.

Nang makalapit sya sa 'kin ay bigla nyang hinatak ang mga kamay ko at inilagay sa umaagos na tubig sa gripo. Napangiwi ako nang makita kong namumutla
ang mga ito.

"I'm sorry. Hindi ko sinasadya na masunog ang oven mo. Don't worry babayaran ko 'yon if nakauwi ako sa real world na ginagalawan ko." Parang wala syang narinig at patuloy lang sya sa pagtitig sa mga namumula kong kamay na nababasa ng malamig na tubig.

Hindi nagtagal ay kumuha sya ng puting tuwalya at sya na mismo ang pumunas sa dalawa kong kamay.

Pinapanood ko lang sya habang ginagawa nya ang mga 'yon.. He reminds me of someone that I want to know.

Napangiti ako habang pinapanood ko syang tinutuyo ang mga kamay ko.

"Sebastian." Natigil sya sa ginagawa nya at tinignan ako.

Isang munting butil ng luha ang kumawala sa mga mata ko.
Hindi ako pwedeng magkamali. He is definitely Seb. Tumingin ako sa mga mata nyang walang buhay.

Those cold eyes...

A Man In My DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon