CHAPTER 10

1 1 0
                                    

Chapter 10:
Food trip

"Tagal magbihis," He even make face.  Pagkalabas ko sa kwarto ay si Jacob agad ang bumungad.

"Eto na po," I rolled my eyes at him at inakbayan nya lang ako at sabay kaming bumaba sa hagdan.

I wore a black jumper na pinatungan ko ng white turtle neck long sleeve at gladiators naman ang suot kong sapin sa paa.

"Mom, we're just going to bayan," ani Sydney. Lumingon sya sa 'kin ng makita nya akong tumawa.

Napaka conyo nya.

"What?" I just raised both of my hands and shrug my shoulder.

"Let's go?" Napatingin ako kay Jacob nang hawakan nya ang kamay ko at patakbo kaming lumabas sa bahay na para bang first time namin na gumala sa labas at makawala sa hawla.

We're going to fiesta na dinaraos sa bayan. Kami ang mauuna dahil nagluluto pa lamang sila lola at tita ng kakainin namin mamaya pagdating at susunod na lang daw sila.

Pagdating namin sa bayan ay sobrang dami ng tao at buhay na buhay talaga ang bayan at ramdam na ramdam mo ang fiesta.

Nakisiksik kaming tatlo sa nagkukumpulan na mga tao at ang iba ay napapatingin sa aming tatlo at hindi rin nakakatakas sa paningin ko ang mga babaeng nakatingin kay Jacob at pasimpleng naghahampasan sa kasama nila. Hinila ko ang magkapatid malayo sa mga tao at dinala sa mga nagtitinda ng mga pagkain.

Bili dito bili doon. Kain dito Kain doon. Yan ang ginagawa naming tatlo at nagtatawanan.

"Here try this," ani Jac at sinubuan ako ng tacos na hawak nya. Napaka sosyal nila at may pambili ng tacos.

"Me too!" Nakisingit si Sydney sa pagitan naming dalawa kaya nagkatinginan kami ni Jacob.

Wala syang nagawa at sinubuan nalang din ang kapatid nya.
Kumuha ako ng fishball at hinipan ko muna bago ko isubo kay Jacob. Ramdam ko ang titig ng kapatid nya sa amin lalo na sa 'kin.

I rolled my eyeballs. Issue na naman ba? Kumuha pa ko ng fishball at hinipan din at isinubo kay Sydney pero hindi nya kinain.

"Na-ah. That's dirty," mahinang sabi nya at umiiling iling pa.

Nangunot ang noo ko at tumingin sa kuya nya na nilalantakan ang binili kong fishball para sa sarili ko.

"No, it's not. Just try it darling." I open my mouth para gayahin nya. Ilang segundo pa syang tumingin sa 'kin na nagtatanong and I just nod at her. Sa huli ay nasubuan ko din sya at nagustuhan nya even the kikiam na dapat para sa akin ay napunta na sa kanya.

"I want that Kikiam please," she blink her eyes twice "pretty please." Natawa kaming dalawa sa itsura nya. Mukha syang tuta na nanghihingi ng pagkain.

"No. That's enough alright?" Pinandilatan ko sya ng mata at sumimangot lang. Kanina pa sya kain ng kain ng kikiam at hindi sya nagsasawa kaya halos maubos na namin ang paninda ni Manong.

"That's enough, baby." Jacob pat Sydney's head na parang isang tuta.

Nangunot ang noo ng kapatid nya at hinampas nya sa kamay ang kuya nya.

"Am I a dog?" Inis na tanong nya at nagtawanan lang kami ni Jacob.

Pumunta sya sa nagkukumpulan na mga tao kaya sinundan namin sya. Muntik na kong masiko ng isang teenager na bata lang sa 'kin ng ilang edad.

"Be careful ladies," Kinunotan ng noo ni Jac ang mga babaeng 'yon pero para silang naistatwa. Inakbayan nya ko at nakisiksik na sa mga tao.

Nakita namin ang kapatid nya na nasa gitna na ng mga nagpeperform kaya agad na nanlaki ang mga mata ko sa takot na mabugahan sya ng apoy pero sya parang wala lang sa kanya 'yon at tumatawa pa.

Tumingala ako kay Jacob at nakita ko na parang kumikinang ang mata nya habang nanonood sa mga nagpeperform. Hindi nya pa din tinatanggal ang nakaakbay nyang kamay sa balikat ko.

"That was cool isn't it?" ngiti nyang tanong sa 'kin.
Nagpalakpakan naman ang mga audience na nakapalibot sa nagpeperform hudyat na tapos na ang performance nya.

"Yes." Nakita ko si Sydney na may hinilang ale at nakipagsayaw.

Tawa lang ng tawa ang ale at ganoon din si Sydney. Nang makalapit sya sa pwesto namin ng kuya nya ay hinila nya kami papunta sa gitna.

Mga nagkakasiyahan na ang mga tao na nandito at nagsasayawan na.

"Dance," aniya at kinuha ang dalawa kong kamay at inilagay sa balikat ng kanyang kuya. Bago sya umalis ay ngumiti muna sya ng napaka laki, we just shrug our shoulder at wala ng nagawa kundi makihalo sa mga taong nagsasayawan din dito sa gitna.
Inayos ko ang pagkakahawak ko sa leeg nya at ipinalibot nya din ang mga kamay nya sa beywang ko.

Pinitik ko ang tenga nya at agad namang namula. He glare at me deadly pero tumawa lang ako.
"So, how are you?" I raised my eyebrow at mabilis din na binaba.

"I'm fine and here I am good looking pa din." He chuckled at pinitik ko ulit ang taenga nya.

"Napaka maloko mo talaga kahit kelan."

"Well," He turned me around.

"Where did you study in tagalog?" seryoso kong tanong.

"Self study. I have tons of books in my room, I read them everyday and studying it."

"Oh, really?" He nod.

Hindi ko napansin ang pagdating ni Sydney sa tabi namin.

"They're here," Ininguso nya sila lola Fe at nakakapit sa braso nya ay si Ava, si lola Adelaida naman ay hawak si Shane at si lolo ay nakatayo lang sa likod nila at katabi sila tita Melanie at ang kanyang asawa.

"Here!" Kumaway si Sydney at agad naman syang nakita ng tatay nya. Nginitian lang namin sila nang makita nila kami na nagsasayaw ni Jacob.

"I'm just going to that vendor, big bro and eat that yummy kikiam," ani Sydney kaya natigilan kami ni Jacob at napatingin sa kanya pero nananakbo na sya sa alon ng mga taong nakapalibot dito.

Walang sabi sabi na umalis kami sa gitna at patakbong sinundan namin sya.

"Hey! Get back here!" Sigaw ng kanyang kuya.

"No!" lumingon sya sa'min and she even walk backwards na agad ding umayos ng lakad at nanakbo na palayo sa amin.

Nagulat ako nang mawala sa tabi ko si Jacob at nakita ko na lang sya na nananakbo na din at hinahabol ng mabilis ang kapatid nyang ubod ng tigas ng ulo.

Walang nagawa si Sydney nang mabuhat sya patalikod at umangat ang mga paa nya sa ere dahil sa kagagawan ng kuya nya.

Nagpumiglas sya para maibaba sya ng kuya nya pero walang effect na nangyari at lalo lang syang hindi nakawala.
Pero hindi nagtagal ay nakababa na din sya at natumba si Jac sa damuhan at nanakbo na si Sydney palayo nang hindi nya namalayan na natumba ang kuya nya dahil sa lakas ng pagpumiglas nya.

Dali dali akong lumapit at inilahad ang kamay ko kay Jacob na nakakunot ang noo at nakatingin sa kapatid nyang nakikipagsalamuha sa mga tao.

"You okay?" nag aalala kong tanong and when he smile nawala ang kaba ko.

"Yes," napailing iling sya nang makita nya ang kapatid nya na bumibili na ng street foods at inakbayan nya ko palapit kay Sydney.

Nang makalapit kami sa kinaroroonan ni Sydney ay mabilis na kumuha ng toothpick si Jacob at mabilis na tinusok ang nag iisa na lang na Kikiam na nakalagay sa isang plastic cup at isinubo.

Magkasalubong na magkasalubong ang kilay ng kapatid nya nang humarap sa kuya nya. Hahampasin ko na sana si Jacob kung bakit nya ginawa 'yon sa nakababata nyang kapatid nang tumakbo sya palayo sa 'kin para hindi ko sya mahampas.

Nagkatinginan kami ni Sydney at parang nakakonekta ang isip namin sa isa't isa at hinabol namin ang kuya nya na isa ding isip bata.

A Man In My DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon