2009

45 0 0
                                    


5 years old palang ako dito guys at oo tanda ko pa yun. Ahahahah, isang araw umalis yung mama ko kasi pupunta siya sa pinagtatrabhuan ng papa ko, packer sa isang banana plantation ang papa ko noon at alam ko kung gaano kahirap ang trabaho na iyon, kailangan mabilis at malakas ka.

Kukunin ni mama yung sweldo ni papa kaya siya pupunta roon, at ako naman itong makulit na bulinggit na gustong sumama pero di pwede. Pinabantayan pa ako sa nakatatanda kong kapatid na lalaki para di ako sumunod, kaso nga lang itong kapatid ko ay naglalaro ng gagamba kaya nakahanap ako ng way para makatakas.

Syempre dahan yung lakad ko baka marinig niya tunog ng tsinelas ko. At ayun tuwang tuwa ako kasi di niya ako nakita hahaha, nakarating ako sa basketball court at nakita ko dun yung pinsan kong lalaki na ka edad ko pang din that time, sobrang dungis niya kasi naglalaro siya sa buhangin, tinanong niya ako.

"Atan ka punta?"

Tas sagot ko naman.

"Kay mama punta shiya sa tlabaho ni papa. Shweldo kashi ni papa."

"Tama ako"

"Shigeee!!"

Aalis na sana kami nun kaya lang ay narinig namin yung sigaw ng kapatid ko nalaman na pala niya na nakatakas ako. Takbuhan kami ng pinsan ko pareho kaming maliliit pero sobrang bilis din tumakbo. Pumasok kami sa sagingan doon at doon kami dumaan, hindi nakami nahabol. Pagod na kami nun kaya nagpahinga kami banda dun sa may ginagawang tunnel, umupo kami doon habang dinuduyan ang paa. Sa kasamaang palad nahulog yung tsinelas ko, pinakuha ko sa pinsan ko tas sabi.

"Ikaw na, ikaw nahulog e" sabay punas sa sipon niya.

Wala akong nagawa kaya ako yung bumaba, at sa kasamaang palad ulit ay di na ako maka akyat sobrang taas pala nun pero nakababa ako. Hahaha

"Psshhht tulungan moko!" Sabi ko sa pinsan ko.

"Haalaaa kaa di kanaaa makakauwiiii may mumu dyan!"

Inasar pa niya muna ako bago siya bumaba, at alam niyo nangyare?

Dalawa na kaming di maka-akyat, kaya buong araw kaming nasa tunnel buti nalang at di maiinit. May trabahante naman na nakakita samin ay natulungan kami, si mama ko naman at mama niya ay nagsi iyakan. Para daw silang nabunutan ng tinik sa puso ng makita kami.


---comment niyo karanasan niyo with your cousins!

Experiences In LifeWhere stories live. Discover now