2015

26 0 0
                                    


Grade 5 ako at doon ko una naramdaman yung feeling na may crush ka HAHAHAHA. may bagong student nun ka pumasok sa school lalaki at babae, magkapatid sila at yung lalaki at classmate ko at yung babae ay classmate ng kapatid kong babae na nabanggit ko sa 2014 ko.

Yung lalaki na yun is sobrang tahimik niya, alam niyo yung pa misteryos epek? Ganun siya guys at nabihag niya ang bata ko pang puso na dahan dahan ng lumalandi. My ghosh!!

Recess time na nun at nakaupo siya sa upuan na nasa labas ng room namin, ako naman tsaka yung mga kaibigan ko ay naglalaro ito yung nilaro namin.

Apir disapir
Wanhap wanport
Wanport wanhap
Disapir apir.....

Yan kung alam niyo yan good!! Hahahaha

Tas ito pa.

Daling bikambak wan, im bikambak wan in sebenti wan daling bikambak wan boom boom shariwa riwa riwa riwa. hahahahah

Tas binulungan ako ng kaibigan ko.

"Rogen, tinitignan ka ni Raymond kanina pa."

Syempre lumingon ako sa inuupuan at guuys!! Grabe gusto lumabas ng puso ko mula sa flat kong dibdib! Nagkasalubong yung tingin namin mga tehhh! At oo yun ang unang beses na naranasan kong huminto yung lahat na gumagalaw! Na parang literal na nag stop yung oras!

First love never die talaga ang peg ko kasi hanggang ngayon siya parin!! Huhuhuhu kaso lang mga teh, biglang lang rin siyang nawala, i mean umalis siya. Kahit yung kapatid niya wala na rin umalis na rin. Hindi ko alam kung saang lupalop siya ng mundo ngayon, pero hinahanap ko parin siya sa kahit saang social media, pero wala parin.

Umalis siya ng walang paalam at iniwan akong naguguluhan at luhaan, hindi man lang nagpaliwag sa kanyang dahilan kung bakit kailangan pa niya lumisan.

Ito nga pala pangalan niya guys RAYMOND DAYUPAY.  Baka may kakilala kayong ganyan, heheheh gusto ko lang naman siyang masilayan. 

Itong tulang to ay alay ko sa kanya, kung saan ka man ngayon sana mabasa mo to.heheheheh

Sa pagsapit ng umaga, gusto kong ikaw agad ang makita.
Maghahanda sa pagpasok sa paaralan, para lang ika'y masilayan.
Sa palihim kong pagtingin sayo, mas lalo mong napabibilis tibok ng puso ko.
Kahit kakain na sa tanghalian, mas gusto kong ika'y pagmasdan.

Sa tuwing nagkakasalubong ang ating tingin, gusto ko nalang himatayin.
Sobrang saya na nadarama, pwede bang magpakita kana?
Pangako titignan lang kita, baka kasi magalit ang bago mo kapag yakapin pa kita.

---comment niyo karanasan niyo with you crush.

Experiences In LifeWhere stories live. Discover now