2016

18 0 0
                                    


Obviously grade6 na ako rito. One morning isang umaga hindi ako pumasok sa eskwela, sa madaling salita absent ako. Ang dahilan? Gusto ko lang maligo sa ilog, bagong baha kasi nun kaya malinis at may malalalim pa na parte ng ilog kung saan masarap liguan.

Pero hindi ako nag-iisa, kasama ko mga kaibigan ko na ka edad ko lang din at umabsent lang rin hihihihi, pasaway ako dati. Pero dati lang yun, good na me.

Sa una syempre hapihapi kami, talon talon pa kami sa pampang na nandoon sa gilid. Yung pinsan ko na babae ay di marunong lumangoy, pero gusto niyang subukan tumalon. Naawa ako sa kanya kaya naman sinakay ko siya sa likod ko at lumipat na kami sa kabila. Kaya lang ay malikot pala siya kapag natatakot! Sa sobrang kalikutan niya ay unti unti kami lumulubog, at ako naman itong bidabida at feeling super hero kaya inangat ko siya para makahinga siya habang ako naman ay nasa ilalim ng tubig at nangangalay na kakapandyak.

Mabait talaga ang dyos dahil hindi niya kami hinayaang malunod. Nakita kami ng kuya ng isa sa mga kaibigan namin kaya naman ay natulungan kami, syempre dura here dura there ako kasi puno ng tubig bunganga ko.

At alam niyo bang nabali pa ang hanger sa katawan ko after nun dahil pinalo ako ni mama? Hindi pa siya nakuntento at pinaluhod pa ako sa bigas! Sobrang pasaway ko na raw at umabsent pa ako para lang mag swimming sa ilog. Pero nag thankyou parin ako kay papa Lord kasi di niya hinayaan na sa asin ako paluhurin ni mama. Sobrang hapdi kaya nun.

After nun pinakain ako ni mama hahahaha, tas palihim akong binigyan ng pera ni papa bili daw akong foods pero wag sabihin kay mama kasi yare daw siya HAHAHAHA. Gusto ko na tuloy magpapalo kay mama lagi para may pera rin ako lagi kay papa.



--- e kayo? Pano kayo pinaparusahan ng mama niyo?

Experiences In LifeWhere stories live. Discover now