Kabanata 16

1.5K 44 50
                                    

Hindi nakapunta sila Mommy sa event ng school hindi kagaya ng sinabi nila dahil kailangan niyang magpahinga. Maraming tao at ang iilan ay galing pa sa ibang universities. Some are familiar to me and I saw some of my civil pals.

The hall was adorned elegantly. May malaking screen sa stage at mayroon ding ginawang mahabang runway sa gitna na nakakonekta sa stage upang rampahan ng mga pambato ng bawat designer.

Namataan ko si Kuya at Ate na nakaupo malapit sa stage at kinakausap ito ng Dean. Sumulyap sa akin si Ate at kinawayan ako. I smiled at her then waved my hand before going back to the backstage.

Limang designs ang irarampa ko. Iba't-ibang klase iyon. The first one is full of sequins and it was a one-shoulder fitted short dress. Hapit na hapit iyon sa katawan ko. My hair was parted in between and in a low ponytail. Pinakawalan ng nag-ayos sa akin ang aking bangs.

"Just do what we rehearsed yesterday, alright? Just walk confidently and keep your eyes straight," bilin ng bading.

Ate Macy is preparing for the second design I'm going to wear. Tumango ako at bahagyang kinabahan. Medyo tumangkad ako sa suot kong stilettos. Halos maging kasing-tangkad ko na ang mga kasama ko.

Wala sila Comet dahil tumutugtog sila. Mayroong Battle of The Bands ngayon and unluckily, same time ang events kaya hindi niya ako mapapanood. It's fine, though. Baka pumalpak pa ako kung manonood siya.

Kumalabog ang aking puso nang lumabas na ang babaeng nasa harapan ko. Ate Macy smiled at me, cheering me up. I nodded and walked to the stage with my head held up high. Like what the mentor said, I kept my eyes straight and sauntered confidently. Umikot ako at saglit na gumawa ng iilang pose bago maglakad pabalik sa backstage.

Shit. Hindi na ako uulit!

Pinalitan ni Ate Macy at ng mentor ko ang suot ko. This time, it's a burgundy satin dress with thin straps. It emphasizes my curves. Medyo mahaba iyon at kumikinang sa tuwing natatamaan ng liwanag.

I walked again like I'm ruling the whole event. Nakasalubong ko si Asia na nakalugay ang buhok at nakasuot ng itim na long dress at may suot na pakpak. We walked past each other.

Maayos ang mga naging lakad ko at nawala na ang kabang nararamdaman kanina. Kaya naman sa panghuli, halos tumigil sa pagtakbo ang mundo ko nang bumungad sa akin ang nakapamulsa at nakangising si Comet.

He's wearing a white dress shirt with four buttons opened like usual. Halos ma-distract ako nang kumislap ang piercing sa kaniyang kilay kasabay ng pagkislap ng banyaga niyang mga mata dahil sa ilaw. I looked away smoothly and turned around.

Why is he here?

Para akong nabunutan ng tinik nang makabalik ako sa backstage. I fell on my chair and shut my eyes tightly. Ate Macy is talking but I couldn't focus anymore because of my violent whipping heart.

"I'll give your name to your profs after this. Thank you so much, Sahri!" Ate Macy's voice echoed.

Tumango ako at ngumiti sa kaniya. "You're welcome, Ate! I'm delighted that I experienced this. I am not used kasi sa mga ganitong events and I'm happy na na-experience ko siya," I said genuinely.

Ngumiti siya at niyakap ako. I changed my clothes into a white and blue button-front houndstooth cardigan and skirt. Terno iyon kaya hindi na ako nahirapan. Sinuot ko ang boots ko bago lumabas at nagtungo sa hall upang puntahan sila Ate.

"You did good! I'll show your snapshots and videos to Mama. For sure matutuwa 'yon!" Ate greeted me with a smile.

Ngumisi ako at yumakap sa kanila ni Kuya. "Thank you! Dapat hindi na kayo pumunta, okay lang naman sa akin. Maraming nangyari, at alam kong busy kayo," sambit ko at sinulyapan si Comet na kausap sila Casimir.

SPHEROID CHAMBERS 1: Saccharine Harmony Where stories live. Discover now