Kabanata 39

1.9K 44 20
                                    

We did the celebration in their building. Maraming nag-sponsor sa kanila ng cake at kung ano-ano pang pagkain. Binaha sila ng maraming proposals at hindi ko alam kung ano ang tatanggapin nila roon.

Maingay sila at mayroon pang mga pamilyar na artista. They congratulated our engagement and my pregnancy. They were so happy that I just sat on my seat and watched them celebrate another milestone together.

"Cheers to another success we reached together!" sigaw ni Cohen at itinaas ang kaniyang shot glass.

They laughed loudly and did a toss. Malalaki silang lalaki kaya maingay ang bawat tawa nila. Conrad is doing an Instagram live. Maingay ang paligid dahil sa maingay na music.

"Ilang buwan ka nang buntis?" tanong ni Asia matapos lagukin ang shot niya.

Galing kami sa doktor ni Comet kanina. Binigyan ako ng iilang vitamins at maraming advices na binigay para maiwasan ang nangyari sa akin noon.

"Magdadalawang buwan na," I answered politely.

She nodded.

"Mahirap magbuntis. Mag-iingat ka, may dala-dala ka na," seryosong aniya at kumuha pa ng isang shot.

"Sahri! Halika!" Conrad called me.

I frowned and went to him. Nakaharap siya sa kaniyang phone at malaki ang ngisi. My eyes widened when I saw Imari in his live. Kumaway siya.

"Hello! Congrats, girl! Jontis na nga!" humalakhak siya.

Tumawa ako at umupo sa tabi ni Conrad. Kumuha siya ng isang shot at nakipagtawanan kila Cohen.

"Where are you? Punta ka sa bahay," nakangiting sabi ko.

She rolled her eyes.

"Super busy ako, 'no! Gusto ko nga pumunta kaso epal ng boss ko," aniya at kumagat sa kinakain niyang Pizza.

Nagbaba ako ng tingin sa comments. I smiled when I saw them. Puro 'congratulations' iyon at wala nang hate comments. Nagpaalam na si Imari kaya bumalik na ako sa kinauupuan ko.

Puro tungkol sa showbiz ang topic nila kaya hindi ako maka-relate. Asia is sitting beside me. Hindi siya nakikisali sa usapan at kumakain lang. Kunot-noo ko siyang pinanood. Mukhang gutom na gutom naman ata 'to?

"Handa ka na ba maging nanay?" tanong niya at sinulyapan ako.

"Oo naman," kunot-noong sabi ko.

"Masaya maging nanay pero nakaka-stress," she grinned.

I frowned.

"Naging nanay ka na ba?" nagtatakang tanong ko.

Humalakhak siya at inirapan lang ang tanong ko. Inirapan ko siya at kumuha ng Pizza. Wala talaga akong aasahan sa kaniya. Wala siyang kuwenta kausap! Bwisit.

We didn't stay late for their party. Bawal akong mapuyat. Hindi pa ako nakakapag-file ng resignation letter. At mukhang kailangan ko pang humanap ng papalit sa akin.

I'm wearing a white satin turtleneck sweater. It has puff sleeves. I paired it with black fitted jeans and a black Gucci belt. I tucked it in to make it look good. I wore my big ring earrings and tied my hair into a low bun with my bangs parted on the sides of my head.

I smiled upon seeing Comet in the kitchen. He's preparing our food and he's already dressed in his usual attire. Pinasadahan niya ako ng tingin at ngumisi. Pinaghila niya ako ng upuan.

"Ngayon mo na ba ibibigay ang resignation letter mo?" tanong niya at nilagyan ng pagkain ang aking plato.

"Yup. Titingnan ko rin kung kakailanganin ko pang maghanap ng kapalit. But it'll be easy for sure. Kukunin ko na rin ang mga personal kong gamit," I said and took a toasted bread.

SPHEROID CHAMBERS 1: Saccharine Harmony Where stories live. Discover now