Chapter 19

773 21 0
                                    


BLAZE'S POV

Pagkababa nya ng kotse, umalis na rin ako agad. Uuwi na dapat ako kaya lang pagtingin ko sa upuang nasa tabi ko nandon yung libro nya. Hindi ako nagdalawang isip na bumalik para ibigay sa kanya yung libro na ' to. Ilang minuto pa lang nasa tapat na ako ng 7/11. Bumaba ako ng kotse at natanaw ko syang naglalakad sa di kalayuan.It's my chance para malaman ko kung saan sya nakatira kaya sinundan ko sya.


Sa tindig nya parang pagod na pagod sya....


Dahan dahan lang ako naglalakad, huminto sya sa  isang kanto kaya nagtago ako sa isang poste.Nang masiguro ko nakaliko na sya ay tsaka ulit ako naglakad ,nakita ko syang huminto sa tapat ng isang bahay..


Simple at hindi gaanong kalakihan ang bahay na yon...


tatawagin ko na dapat sya para ibigay ang librong naiwan nya...


kaya lang may lumabas na babae mula sa loob ng bahay...


"Mabuti at naisipan mong umuwi!!"sabi ng babae , i think she is her mother


"Sorry po Ma, may ginawa lang ako" sabi ni Amber at yumuko na lang


"WALA KA TALAGANG KWENTANG ANAK!!TUMIGIL KA NA LANG DAPAT SA PAG-AARAL DAHIL WALA KA NAMANG MARARATING!"  sigaw ng babaeng kausap nya at tinulak sya dahilan para matumba sya


lalapit sana ako para tulungan sya pero alam kong wala ako sa position para bigla na lang sumulpot at awatin sya


wala man lang syang sinabi na kahit ano, hindi man lang sya nagrereklamo kahit na nasasaktan na sya...


"TAMA LANG PALA NA HINDI KA NAMIN SINUPORTAHAN SA PAG-AARAL DAHIL PANIGURADONG MASASAYANG LANG ANG PERA NAMIN SAYO,WALANG KWENTANG BATA PANAY PAGBUBULAKBOL AT PASARAP LANG SA BUHAY!!"  sabi nya habang dinuduro si Amber


naaawa ako sa kanya...


pero I can' t do anything...


Nakita ko syang tumayo mula sa pagkakatumba nya ...


"Ma,pasensya na po kung heto lang ako, pero ginagawa ko naman po ang lahat para matuwa kayo sa akin, nag-aaral naman po ako ng maayos, marami akong medals at certificates.Hayaan nyo po pagbubutihin ko pa po" magalang at mahinahong sabi nya 


Paano nya nagagawang maging mahinahon sa kabila ng masasakit na salitang natanggap nya?


How can she manage it?


Papasok na sana sya sa loob  kaya lang bigla syang sinampal nung mother nya..


PAAAAAAAAK!

pero kahit gaano kalakas ang sampal na binigay sa kanya parang wala lang sa kanya yon...

Ms. Nobody meets the Campus PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon