CHAPTER 17 - Part 2

2 3 0
                                    

Antaas naman ng pride neto, uso magtanong, tch.

Hihirit na sana s'ya patalikod nang magsalita ako. "Alam kong iyo 'to, pwede ka naman magsabi, tch." Inabot ko sakanya ang pusa.

Walang lumabas na salita sa bibig n'ya, tanging pagkabigla at ang pagtitig n'ya lang saakin ang nagawa n'ya.

"Eh?" Ayun ang nasabi ko para bumalik s'ya sa ulirat.

"Ah salamat po nang marami" ayun na lamang ang kanyang nasabi at umalis na s'ya. Pinagmasdan ko ang pag alis n'ya nang biglang

"HI BIBI!!"

"Anak ng tipaklong ate nikke, bakit ka nang gugulat?"

"Sorry lateee, tara kain na tayo sa Mang inasal, libre ko na, pinaghintay kita e"

"Aba dapat lang" sagot ko. "Joke HHAHAHAHAHa"

Pareho kaming natawa at nagsimula na kaming maglakad papuntang Mang Inasal, gusto namin magparamihan ng kanin kaya doon kami kakain.

Pagdating namin doon ay s'ya rin ang umorder. Wala pang bente minutos ay dumating na ang pagkain namin.

"Kamusta?" Pagtatanong n'ya.

"Same old bilog, ate nikke, walang bago." Sagot ko. "Ikaw?"


"Ayos lang din, hays stress sa school. Kaya niyaya kita kumain." malungkot na sabi n'ya.

"May nangyare ba?" Hindi ko maiwasan mag aalala dahil hindi s'ya ganito makipag usap, hindi s'ya ganito kalungkot.

"Stress lang talaga promise." Sagot n'ya pagkatapos ay suminghal s'ya. "Tara paramihan ng kanin?" Pag iiba n'ya ng usapan.

Kumain nalang din ako, at hindi na s'ya kinulit dahil alam kong magsasabi naman siya kapag gusto niya.



10 Lessons From My ParentsWhere stories live. Discover now