CHAPTER 22 - Part 1

3 3 0
                                    

Nakalimutan ko na hindi pa pala ako nag aalmusal. Ibinaba ko si Hermione sa sofa at dumeretso ako sa kusina.


Nakarinig ako ng tunog na parang may nagluluto at hindi nga ako nagkamali, nakita ko si ate na nagluluto ng almusal.


"Goodmorning" bati ko.

"Morning, ang aga mo may kaaway ah? Nagising diwa ko sakanya." Pataray na sabi n'ya. "Ano ba nangyare?"

"Kase kanina, maaga ako nagising. Tapos nagdilig ako ng mga halaman ko. Maya maya narinig ko si hermione na umiiyak tapos ayun, nakita ko inaapakan s'ya nung bata." kwento ko.
"Sinugod ako ng mama n'ya kase nasampal ko yung bata, alam ko namang mali ako, aminado ako, ang akin lang, sana tinanong niya anak niya." Dagdag ko pa.


"Aba, siraulo 'yo--"



"Shh, tapos na." Pagpuputol ko sa sasabihin n'ya. Kilala ko magalit si ate, unlike saakin, hindi pa nila ako nakikitang magalit nang sobra.

Wala na siyang nagawa kundi tumahimik.


Magtitimpla na sana ako ng kape nang biglang.....


"HEP HEP, HINDI KA MAGKAKAPE HASMIN" Nagmadaling kuhanin saakin ni ate ang sa sachet ng kape.


"minsan lang e, tch." Inabot niya ang gatas saakin.

"Ayan inumin mo, hindi kape." Pagbabawal niya.


Nililimitahan nila ako sa kape dahil mabilis ako mag palpitate at hindi na ako nakakahinga ng maayos pagkatapos no'n, once in a blue moon nila ako payagan, tch.



Kapag naging college student ako pupunuin ko ng kape yung apartment ko, tch.


Ayan na lamang ang nasabi ko sa sarili ko.

10 Lessons From My ParentsWhere stories live. Discover now