MFBF: Sixty-seven

220 15 0
                                    


Lyn


Lezili's POV



"Alam mo namumuro ka na ha! Bat di ka pumasok nung nakaraan?"inis na tanong ni Iris habang kumakain


"Hayss, mahirap I explain"nasabi ko na Lang


Kasalukuyan kaming nagrerecess nang paulanan agad nila ako nang sermon,sus para namang ilang taon akong nawala.

So far maayos naman ang lahat,unti unti kaming nagkakasundo ni Shawn pero hindi ko pa rin maiwasang mangulila kanila mama...kamusta na kaya sila? Saka bakit hindi man lang ako dinadalaw ni kuya? Kamusta na kaya sila mama?


"Sus palusot mo! Eh bat hindi ka man lang sumipot nung niyaya ka namin mamasyal ha?"tanong naman ni Eisha

"Basta nga Kasi! Tinatamad ako magexplain!"palusot ko pa,kita ko naman ang pagkadismaya sa mga mukha nila

Wala pa din silang alam sa buong pangyayari,walang nakakaalam nang tunay na ako dahil ako mismo hindi pa gaanong matanggap ang katotohanan. Naiilang din ako pag tinatawag ako ni Shawn sa tunay kong pangalan,pero kailangan kong masanay. Tama sya, unfair sa tunay na Lez kung patuloy kong gagamitin ang pangalan nya,may iilan na din akong naaalala tungkol sakin at ang mga taong nakasalamuha ko dati pero palaisipan pa din para sakin kung ano nga ba ang nangyari sa pamilya ko...buhay pa din kaya Ang mga magulang ko? asan na kaya sila? Saka ba't parang hindi naman nila ako hinahanap?

Sa ngayon nalaman ko din na mayaman kami, although nagmula talaga kami sa probinsya at lumipat lang pala sa maynila dahil may nakadiskubre sa abilidad nang tunay kong ama. Ang pagkakatanda ko Elena Hillary Roxwell ang buong pangalan nang tunay kong Ina habang Lexus Roxwell naman ang aking ama... pero hindi ko maalala ang pangalan nang tunay kong kuya, at oo! May kuya din pala ako pero wala akong masyadong ala ala sa kanya,puro mga laro at kulitan lang ang naaalala kong bonding namin at masyado pa kong bata nun.

Sa ngayon naghahanap lang din ako nang tamang tyempo para sabihin kanila Iris Ang totoo,kaya ngayon pasensya na muna Lez...

"Andaya mo talaga! Hindi na nga tayo masyadong nagkakausap dahil busy na tayo para sa finals tapos hindi ka pa pumapasok"baling ni Iris,agad namang nanlaki ang mata ko sa sinabi nya

Hala shomai rice! Malapit na nga pala ang finals!!! Uwaaaaaa hindi man Lang ako nakapagreviw tas pina absent pa ko ni Shawn!!! T*ngna pano na to??

"Don't tell us nakalimutan mo?"natatawang hula ni Eisha napangiwi naman ako

"Pft---wahahahahahahhaha! Estudyante ka pa ba? Hahahah"kantyaw naman ni Iris, napailing na lang ako saka muling sinubo yung burger ko

"Alam mo nakakabilib ka talaga Lez, biruin mo college ka na. Dito nakasalalay ang future mo,yet nagawa mo pang umabsent 3 weeks bago Ang exam?hahahaha"kantyaw pa ni Eisha,napasimangot naman ako

Tsh lakas na nang loob porket nasolo Ang Wyde nya eh! -_-

Pero sa totoo lang hindi naman ako ganito eh,ang alam ko maayos naman ako magaral mula elementary hanggang highschool kaso mukhang ngayong college pa ko papalya hayss hinde pwedi to!

Agad akong nagtaka nang mapansin na parang hindi ata nakikisali samin si Kate, usually pagdating sa asaran nangunguna syang mambara. Kahit papuntang cafeteria pa lang kanina tahimik lang din sya at panay ang tingin sa phone nya

Ano kayang problema neto?

"Kate okay ka Lang?"tanong ko sa kanya,pansin ko namang tumigil sila Iris sa pagtawa

Nagbuntong hininga pa sya bago tumayo na syang ikinataka namin, tumayo na din ako para mapantayan sya

"Lez pwedi ba tayong mag usap?...nang tayo Lang?"tanong nya, napatingin pa ko kanila Iris pero nagkibit balikat lang sila. Bumalik ang paningin ko kay Kate at agad na tumango

My Five Boy Friends: Season 2 (Complete)Where stories live. Discover now